Gaya ng rekomendasyon ng isang kaibigan

619 10 1
                                    

Gaya ng rekomendasyon ng isang kaibigan

Kung minsan nagtatanong ka sa iyong kaibigan kung may alam sya na magaling sa paksang hinahanap mo. Sinoman ang ituro ng iyong kaibigan o sino man ang kanyang irekomenda sa iyo, malamang na puntahan o lapitan mo ang taong iyon. Lalo na kung ang kaibigan mo ay eksperto rin sa topic na hinahanap mo, mas lalong kapanipaniwala ang kanyang rekomendasyon.

Bakit nga ba ang mga artista na sikat ay maraming iniendorse na produkto? Kusa na lang nagdadatingan ang mga kliyente ng mga sikat na artista at nagdadala sa kanila ng malaking kita at tagumpay.

Sa atin kasing lipunan, ang mga awtor ay parang “Santo” pagdating sa paksa na kanyang sinulat.  ibig sabihin sila, ang mga awtor ng libro, ay kadalasang tinitingnan na celebrity rin.

Kapag ikaw ay sumulat ng libro at sumikat na bilang celebrity, madali na lang para sa iyong kliyente na lapitan ka. Dahil ang mga kliyente mo ay naghahanap ng mga kapanipaniwala na mga tao na kanilang lalapitan at bumili sa iyo.

Kaya ang magagawa ng iyong libro ay ang tahimik pero kapanipaniwala na rekomendasyon para sa iyong kliyente o prospect,  gaya ng rekomendasyon ng isang kaibigan.

Hindi kapanipaniwala, pero yan ang katotohanan.

Kung ang publishing na kumpanya ay nagdesisyon na i-publish ang iyong libro, kung ang editor ay tinanggap ang iyong manuskrito, o kung ang radio station o newspaper ay nainterview ka dahil sa iyong libro, nalampasan mo na ang pagsubok ng mga prospect mo o kliyente mo.

Isa ka ng respetado at eksperto na awtor sa iyong topic para sa kanilang kaisipan, fiction man o non-fiction.

Inindorse ka na ng publisher o media at binigay nila ng di-sinasadya ang iyong pangalan, iyong negosyo, bilang kanilang referral sa libo-libong nakikinig o mambabasa.

Hindi naman kailangan na may sinabi kang kahanga-hanga, pero dahil endorso ka na ng radio at telebisyon kaya umasa ka na napakarami ang tatawag sa iyo at hihingi ng iyong payo o opinyon.

Isa ka ng eksperto at ang mga kliyente mo ay tangi lamang nakikipag-usap sa mga ekspertong katulad mo.

Dahil sa iyong libro ay sigurado ang iyong tagumpay.

Yan ang pananaw ng tao sa iyo bilang awtor.

Para sa mambabasa ikaw ay succesful, expert sa iyong topic, celebrity at kapanipaniwalang tao na dapat lapitan. 

Paano Magsulat ng Libro sa Mabilis na Panahon (How to Write a Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon