Sa ganito ko sinisimulan ang paggawa ko ng book. I call this the 123 strategy
1) PROBLEMA
2) SOLUSYON
3) DETALYE
Simple lang? Ang totoo, ang pagsusualt ay dapat na maging simple lang.
Pero para ipaliwanag ng mas detalye,
1) PROBLEMA
Dito mo ilalagay lahat ng problema mo. Ibig ko sabihin problema na kakaharapin ng iyong bida sa kwento mo. Maaring meron syang sakit na kanyang ikakamatay, o kaya nanganganib ang kanyang buhay kung hindi ito masosolusyunan agad.
Maaring ang buong mundo ay nanganganib mula sa kasamaan. Maaring ang buong universe ay delikado sa kamay ng isang makapangyarihang kalaban ( Avengers: Thanos )
Kung ang book mo naman ay non-fiction, ilista mo dito lahat ng problema ng iyong readers.
2) SOLUSYON
Dito mo ilalagaylahat ng solusyon sa problema na kinakaharap ng iyong bida. Lahat ng solusyon sa problema na nakalagay sa #1) PROBLEM sa itaas :).
Example:
problema: Kalahati ng nilalang sa Universe ay maglalaho kapag na kuha ni Thanos ang lahat ng Infinity Stones sa pamamagitan ng pag flick ng finger nito.
SOLUSYON: Kapag nabawi ng Avengers ang gauntlet na may infinity Stones. I flick din ni Iron Man ang kanyang daliri at maibabalik kalahati ng mga tao na naglaho.
Lumalabas na ito na yung pinaka ending ng iyong kwento. Ang solusyon sa problema ng karakter mo.
So dito pa lang ay dapat alam mo na ang ending talaga ng kwento mo.
Pero babala! Dapat ikaw lang ang nakakakita nitop dapat bibitin mo rin ang iyong readers.
Yung tinatawag sa English na Suspension of disbelief
3) DETALYE
Ang detalye ang ay mga step by step na gagawin ng iyong bida sa pagresulba sa kanyang problema.
Ito ang magiging OUTLINE ng iyong libro o CHAPTERS.
Kung paano makakarating ang iyong karakter from point a to point B and so on.
Now alam mo na kung ano ang problema sa iyong libro at paano ito reresolbahin,
at sa iyong OUTLINE ay doon nakalagay lahat ng STEPS kung paano gagawin ito ng iyong bida.
Next is, PAANO ANG PAGGAWA NG OUTLINE?
BINABASA MO ANG
Paano Magsulat ng Libro sa Mabilis na Panahon (How to Write a Book)
Non-FictionPaano magsulat ng Libro in 20 Days or less! Garantisado! Lahat ng maling pamahiin tungkol sa pagsusulat ng libro ay itatama kagaya ng: - pesteng writers block - Wala akong time sa pagsusulat - Hindi ako marunong magsulat - Hindi para sa akin ang p...