003

406 87 376
                                    

Everyone is now inside the powder room. Nakabihis na ang lahat at tanging pagsuot na lang ng wig ang hindi pa nagagawa nina Josh. Sa kasalukuyan, napapasandal na lang sa pader si Sejun habang nahihirapang naglalakad dahil sa suot-suot niyang heels.

"Nagheels ka pa kasi, makakasayaw ka ba sa lagay mong 'yan?" Pang babadtrip ni Ken kay Sejun. Parang si Ken pa mismo ang nahihirapan sa lagay ni Sejun.

"Nakakita ka na ba ng pole dancer na naka black leather shoes o rubber shoes?"

"Mag paa ka na lang sana," singit ni Justin.

"Hindi maaari, sinabing ito ang isuot," tugon ni Sejun.

Tuluyang sasabog na sana sa galit si Sejun kung hindi lang dumating si Emma.

"Hey boys! Silence, baka mabuking pa tayo dito. Sayang pa 'tong raket na binigay ko kay Josh para sa script niya," sita ni Emma sa nagkakagulo ngayong magpipinsan. Para nga itong nakalunok ng speaker sa lakas ng boses niyang nakakabingi.

"Ito pala ang dahilan kung bakit mo kami kinaladkad ni Justin sa dance floor kanina, Josh?" Nakataas pa ang isang kilay ni Sejun. Nakuha na naman niyang magalit.

"Sorry naman. Kailangan ko lang talaga makapagsulat ng makatotohanang script," sagot ni Josh.

"Oo na sige na, tama na ang explanations na 'yan. Kailangan na kayo sa entablado, ang dami ng naghihintay na manonood. Just imagine that you're performing in a concert." Ngumiti sa huli si Emma saka ito tuluyang umalis.

"Good luck, guys," wika ni Dino at kalauna'y sumunod na rin siya kay Emma na nagmartsa palabas ng powder room.

Inside the club was like dancing aurora; beneath the dry-ice smoke swirled an array of ocean blues, acid greens, and hot pinks. The music played over the dance floor as if had fused with the bodies. Nagsimula ng magpalakpakan at maghiyawan ang mga tao sa loob ng club. Nakahanda na rin sa gilid ng entablado ang limang binata na ngayo'y nakapandamit babae.

Magkaparehang nakasuot sina Josh at Ken ng crop top na pinares sa petticoat skirt na hanggang taas ng tuhod nila, bagsak na bagsak pa ang itim na wig na kanilang suot. Naka puting mini ball gown dress naman sina Justin at Stell. Ang wig pang suot nila ay kinulot ng todo. Samantala, naka puting sando si Sejun at may nakapulupot pang necktie sa leeg nito habang ang pang-ibaba niya'y slacks na komportableng suotin at puwedeng pangsayaw. Hindi na nagsuot ng wig ang binata dahil sa mullet hair nitong may kahabaan.

Sa pagbukas ng mga ilaw sa entablado ay doon na lumabas ang limang binata at nagsimula ng gumiling-giling. Bumirit na rin si Stell habang nagse-second voice si Justin.

"Kaibigan ko mga 'yan!" proud pang napatayo si Dino habang napapapalakpak. Hinila na lamang siya ni Emma upang paupuin ulit.

The music is all nineteen nineties, but they were dancing like its jive, twisting, and singing like it was their own concert. Napangisi na lamang si Josh at malalim na napapaisip na para silang mga tanga sa mga ginagawa nila. If it wasn't for the script, 'di na pinasok ng binata ang kalokohang ito.

But then, Josh was totally zoning out dahil sa sobrang pag-iisip ng kung anu-anong bagay, hindi na nga niya namamalayang nasa gilid na siya ng entablado nang bigla siyang mawalan ng balanse at aksidenteng nahulog.

"Oh sh!t," napatakip pa ng mata si Dino sa gulat.

Everyone gasped in shocked as they all saw how Josh accidently falls from the stage but surprisingly, someone immediately catches Josh---not intentionally. Sakto lamang sa isang dalaga bumagsak si Josh dahil malapit ang una sa entablado.

Para hindi masira ang performance, patuloy na lamang sumasayaw ang apat. Medyo nawawala na sa tono sina Justin at Stell dahil sa gulat.

"Ang buong akala ko, lalaki ang sumasalo," ani Ken sa mga kasama niya habang ipinupukol ang tingin kina Josh at sa dalagang bumubuhat sa pinsan nila.

Montiel #1: Ready Get Set, Action!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon