011

194 34 44
                                    

NOTE: Josh pa rin ang gagamitin kong pangalan sa pagsasalaysay habang ang mga bagong karakter, tatawagin nila ang binata sa pangalang Set

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NOTE: Josh pa rin ang gagamitin kong pangalan sa pagsasalaysay habang ang mga bagong karakter, tatawagin nila ang binata sa pangalang Set.

📝

Lalawigan ng Isabela
Hacienda Vista Montiel, Mansion

Tatlong araw na ang nakakalipas nang maihatid nina Justin at Stell si Josh sa bayan ng Marcos.

Sa ilang araw na 'yun na nakalipas ay wala ring komunikasyong naganap sa pagitan ni Josh at sa mga kaibigan at pinsan nito. Lagi lang kasing paglilinis ang ginagawa ng binata kaya't hindi na ito nakakakuha ng sapat na oras para makatawag.

Sa kasalukuyan, masayang nanonood ng palabas sa telebisyon ang binatang si Justin. Ang ganda pa ng pagkakaupo nito sa may parihabang sopa habang ang mga paa nito'y nakapatong pa sa mesa. Sa tabi pa niya ay mga chicheryang kanina pa niya nilalantak.

Tatawa-tawa pa ito na para bang nababaliw. Sa abala nitong nanonood ay biglang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa mesa. Mas malakas pa ang huni nito kaysa sa tunog na ginagawa ng telebisyon. Agad iyon kinuha ni Justin at sinagot ang tawag habang hindi maalis ang paningin sa pinapanood.

"Bakit ka napatawag? Tatlong araw pa lang ang nakakalipas Josh, miss mo na ako?" patawang wika ni Justin.

["Hindi 'yan ang rason kung bakit ako napatawag. Pasensya na kung ngayon lang kita nakausap, pumuslit lamang ako para tumawag. May masama akong balita."]

Sa pagkakarinig ni Justin sa salitang masamang balita ay mistulang nagulantang ito at agad pinatay ang telebisyon upang mas malinaw ang boses na maririnig nito sa kanyang telepono.

"Ano na naman 'yun?" Napaayos pa ng upo si Justin habang hinihintay na ang pinsang si Josh na sumagot.

["Kilala mo 'yung babaeng nakasalo sa'kin no'n sa Japanese Club? Lagi siyang nagpupunta dito sa mansyon at siya ang kasosyo ni Governor Gina. Ang pangalan niya ay Ready Salvacion,"] wika ni Josh. Ni hindi na nga ito nagpaligoy-ligoy pa sa pag sagot.

["Binantaan pa niya akong ipapakulong niya ako kapag gumawa ako ng kalokohan dito sa mansyon. Ito pa ang matindi, pinagkamalan pa niya akong bakla. Pare, ang tapang niya,"] dugtong pa ni Josh.

"Nasabi mo na ito kina Dino at Emma?" muling tanong ni Justin.

["Hindi pa, pero pasuyo na lang na sabihan sila."]

"Sige na, patayin ko na 'tong tawag mo para makausap ko na sila," tugon ni Justin.

Agad ibinaba ni Justin ang tawag at mayamaya lamang ay saktong dumating si Stell. Dumakma pa ito ng popcorn mula sa glass bowl na nakalatag sa mesa. Nang isusubo na sana ito ni Stell ay bigla na lamang siyang hinila ni Justin upang maupo. Natapon pa ng 'di oras ang popcorn na sana ay nginunguya na ni Stell.

Montiel #1: Ready Get Set, Action!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon