014

213 23 14
                                    

NOTE: Josh pa rin ang gagamitin kong pangalan sa pagsasalaysay habang ang mga bagong karakter, tatawagin nila ang binata sa pangalang Set

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NOTE: Josh pa rin ang gagamitin kong pangalan sa pagsasalaysay habang ang mga bagong karakter, tatawagin nila ang binata sa pangalang Set.

📝

Bayan ng Marcos
Mansyon ng Pamilya Francia

Sa may harapan ng mansyon ng mga Francia, doon nakatayo ang dalawang binata na sina Justin at Dino. Bitbit pa nila ang sari-sarili nilang mga gamit.

"Ang laki nga talaga nitong lupain ng mga Francia. Tiba-tiba 'tong si Josh." Ni hindi na matanggal sa mga mata ng binatang si Dino ang tingin nito sa kapaligiran. Halos mamangha ito at mapanganga sa napakalawak na nakikitang lupain.

Samantala, natatawa na lamang si Justin habang hinihiwalay ang mais na siyang nakatali sa sakong hawak-hawak niya.

Sa hindi kalayuan, kagagaling naman ni Nanay Tina sa likod bahay at nagpasiya itong siya na muna ang magtanggal ng mga ligaw na damo sa may hardin nang madatnan niya doon ang dalawang binata na hindi na matigil sa kakalinga-linga sa paligid.

Nanay Tina cleared her voice to get the attention of the two young men. Napaharap ng sabay ang dalawang binata sa matandang kasambahay at doon na sila tuluyang nagseryoso at napaayos ng sarili.

"Anong kailangan niyo mga hijo?" malumanay na tanong ni Nanay Tina.

"Kami po pala ang naipadalang bagong hardinero," sabay na tugon ng dalawang binata.

"May kasulatan na ba kayo?" ani Nanay Tina.

Agad na may hinugot si Justin sa kanyang bulsa na sobre na naglalaman ng kasulatan, nagpapatunay lamang iyon na sila ang ipinadala na bagong magtatrabaho sa mansyon.

"Talaga ngang mapagkakatiwalaan si Boss Edgar. Mabilis talaga kung sa kanya kami kukuha," Hindi na mawala sa labi ni Nanay Tina ang ngiti nito.

Sa tuwing gustong maghanap ng bagong trabahador ang pamilya Francia, sa agency mismo ni Boss Edgar sila kumukuha o nagrerequest.

"Surprise! 'Pag sa Edgar Agency, 'di ka magsisisi. Laging mabilis ang pagdating ng manggagawa, kaya ang iyong bahay ay 'di na magiging kawawa." Kung anu-ano na lamang ang siyang lumalabas sa bibig ng binatang si Justin. Ni hindi nga nito namamalayang kaya niya rin makagawa ng tagline ng gano'ng kadali.

Kulang na lamang ay makagawa ang binatang si Justin ng sarili nitong ads para sa Edgar Agency at makukumpleto na ang pag-promote nito. Sa kabilang banda nama'y, sa sobrang kalituhan ay napakamot na lamang ng ulo si Nanay Tina.

"Siya nga po pala, may ipinapabigay po ang Agency na isa pang sulat patungkol sa kapapasok lamang na houseboy sa mansyong ito." May iniabot namang isa pang sulat si Justin sa matanda at doon na lamang napatango-tango ang huli.

Napakunot ang noo ni Nanay Tina, ngunit kalaunan din ay napangiti ulit ito. "Ah, si Set. Salamat dito, ito ang noon pang hinahanap ni Governor Gina at Madam Alejandra na kompirmasyon kay Boss Edgar. Nakailang tawag din kami kay Boss Edgar para makakuha ng ganito. Gusto lamang namin makasigurado kung doon nga siya galing."

Montiel #1: Ready Get Set, Action!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon