005

300 68 170
                                    

Masayang nilalantak ngayon ni Josh ang tinapay habang umiinom ng orange juice si Justin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masayang nilalantak ngayon ni Josh ang tinapay habang umiinom ng orange juice si Justin. Nasa garden silang dalawa and they were just both celebrating about how Josh got accepted in Houseboy Agency. Stepping stone na rin ito para kay Josh para masimulan na niya ang tema ng magiging script niya.

Walang ng paglagyan sa puso ni Josh ang tuwa at pasasalamat niya sa pinsang si Justin dahil sa laki ng naitulong nito sa kanya. Sa apat na pinsan niya'y si Justin ang taong pinagkakatiwalaan niya.

"Salamat pinsan," pasasalamat ni Josh.

"I'm willing to help."

Sa kalagitnaan ng kasiyahan ng dalawang binata'y siya ring biglaang pagsipot ni Emma at Dino. Parang isang bulkang pasabog na sa galit ang dalaga nang hindi nagpunta si Josh sa usapan nilang meeting.

"Nandito ka lang pala, nakalimutan mo 'atang may meeting tayo ngayon," pumameywang si Emma habang nakataas pa ang kilay nito.

Pansin naman ni Dino ang maaliwalas na aura ni Josh. Kahit na napapagalitan na'y nakuha pa niyang ngumiti at magtaas ng baso na may lamang juice na akala mo'y isang alak iyon na itatagay.

"Ang saya mo yata ngayon Josh? Ano bang mayro'n at nagdiriwang pa kayo ni Justin?" nagtatakang tanong ni Dino.

"Magiging houseboy na ako ng tatlong buwan," diretsahang tugon ni Josh at sinabayan pa niya ito ng paglantak ng mamon. Puno na ang bibig nito ngunit para siyang bata kung ngumuya sa bagal.

"Tinuloy mong maging houseboy?!" sigaw ni Emma na siyang agarang tinakpan ni Justin ang bibig ng dalaga.

Marahas na tinanggal ni Emma ang nakatakip na kamay ni Justin sa bibig niya at pinagtulakan pa niya ang binata pagkatapos.

Nabilaukan pa si Josh dahil sa malakas na pagdagan sa kanya ni Justin. Ang kawawang si Justin ay muling itinulak ni Josh papalayo sa kanya.

"Gawain niyo na bang manulak? Ano ako, grocery cart?" reklamo ni Justin na ngayo'y napaupo sa tabi ni Josh.

"'Wag kang maingay, marinig ka pa ng mga pinsan ko lalo na mga magulang ko," sumenyas si Josh na babaan ni Emma ang tono ng boses nito.

"You're insane, Josh!" nanggagalaiting wika ni Emma habang nagtitimping huwag bumulyaw. Naiinis pa itong umupo.

Hindi labis akalain ni Emma na itutuloy pa talaga ni Josh ang plano niyang iyon. Suportado naman sila sa kung anong ginagawa ng kanilang kaibigan ngunit maliban na lang na pati pagpasok nito bilang houseboy ay papatusin pa niya.

"I'm not. Ang dami ko na ngang napanood sa youtube kung ano ang do's and don'ts of being a houseboy. Gumastos pa ako ng libo-libo para sa training."

"Pare, paano kung hanapin ka ng mga magulang mo?" Naisip lamang iyon ni Dino dahil alam niyang mawawala ito ng ilang buwan.

Natatawa namang sumagot si Josh. "Pupunta si Mama sa ibang bansa para i-tour si Lolo Montiel, samantalang si Papa e pupunta raw sa isang probinsya kasama yung Mrs. Rima para maghanap pa ng pwedeng makakasama sa business nila."

"Papaano ang iba mong pinsan, si Sejun? Matitira 'yun dito sa hacienda," muling paninira ni Dino ng moment ni Josh.

"Madali lang utuin si Sejun. Maldito 'yun pero madaling lusutan,"pagpapatawa ni Justin kahit hindi siya siguradong uubra nga kay Sejun ang palusot nila.

Ngunit hindi kumbinsido si Emma sa sinabing iyon ni Justin kaya't nakapag desisyon siyang tumulong. "You give me no choice, I'll help. Dino and I will make sure na hindi makakatunog si Sejun lalo na ang iba niyong pamilya."

Sa huling desisyon ni Emma ay siyang ikinatuwa ng lahat. Nag-apiran pa ang tatlong binata habang napahalukipkip na lamang si Emma habang pinapanood ang mga binata na masayang-masaya.

"By the way Josh," singit ni Emma na siyang pumutol sa tawanan ng tatlong binata.

Napatingin si Josh sa gawi ng dalaga. Kulang na lang ay paningkitan ni Josh ng mata si Emma dahil sa naudlot nitong saya.

"Before I forget, I don't want to ruin your happiness pero sa meeting kanina, Director Cha also wants you to make a novel sa gagawin niyong script," seryosong wika ni Emma.

"Ano? Pahirapan ba talaga ang gusto ni Director Cha? Okay naman na 'yung script, bakit kailangan pang gawing nobela?"

"Wala ka kasi sa meeting kanina, sana doon ka magreklamo kay Director Cha at hindi sa amin," inis na wika ni Emma.

Upang hindi tuluyang mainis lalo si Emma dahil sa katatanong ni Josh ay nagprisinta ng si Dino ang magsasalaysay ng lahat.

"Sa totoo lang, pakana iyon ni Director Cha. Naisip niyang mas magpupursigi raw kayo ni Rita kung magpapagawa pa si Director Cha ng nobela na galing din sa script niyo. Pero pipili lang siya ng isa sa nagawa niyong nobela para kanyang i-publish bilang libro. Kaya galingan mo, Josh."

Mahinang tinapik ni Dino ang balikat ni Josh saka siya nagpatuloy sa pagsasalaysay. "Alam mo bang ang tema ni Rita sa gagawin niyang script at nobela ay tungkol sa mga cannibals?"

"Seryoso ba siya?" gulat na tanong ni Justin.

"Hayaan mo 'yang si Rita, hinahanap niya ang kamatayan niya. Ang importante sa akin ay ma-approve ang script ko para makapunta na ako ng London."

"Hindi naman iyon kompitensya, Josh. Kahit naman anong gawin mo, makakapunta ka pa rin ng London kasi siguradong kayo na nga ni Rita ang magiging scriptwriter. Director Cha was just testing your skills kung paano kayo makakagawa ng realistic theme. Demanding lang si Director, practice niyo lang ito kung baga. Pero ibang usapan ang pag-publish na ng libro," said Emma.

"Ang tanong, kaya ba nila? Dala-dalawa na 'yang gagawin nila?" nag-aalalang tanong ni Justin.

"Parang 'di ka sanay sa multi-tasking ni Josh, Justin. Besides, Emma was right. Kahit tulog 'yang si Josh, kaya niyang makatapos ng script. Sayang din ang pagkakataon, pangarap din ni Josh magkaroon ng sariling libro, 'di ba?" tugon ni Dino at nagpapakitang malaki ang tiwala niya sa kaibigang si Josh.

"Maaaring nobela ang uunahin ni Josh tapos doon niya na lang gagawin yung script. Mas madali na lang gumawa ng script dahil may pinaghuhugutan kang nobela," paliwanag ni Emma upang maintindihan at maliwanagan ang isipan ni Justin.

Ang gustong pagkaabalahan ni Josh ay magpursigi siyang matapos ang script niya para sa gano'n ay makapunta na siya sa London. Ang mas importante para sa binata ay magustuhan ni Director Cha ang gagawin nitong script. Ngunit magbabago ang lahat ng ito dahil sa dagdag na gagawin niyang nobela na bibigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng sariling libro kung nagkataong siya ang manalo.

"'Wag kang papatalo kay Rita," pang-uudyok ni Emma. Para na nga itong demonyong sinusuhulan si Josh.

"Hindi talaga, sinimulan ko na e," ani Josh at napangisi pa ito sa huli.

📝

📝

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Montiel #1: Ready Get Set, Action!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon