CHAPTER ONE
“I thought this is a Japanese restaurant!” Napailing ang guwapong lalaki nang makita ang iniabot ni Krissa dito na menu. Puro Filipino food nga naman kasi ang nakasulat sa iniabot niya ditong menu kaya maaring nagtataka ito kung bakit “Kami Mura ang pangalan ng resto nila.
Mukhang mayaman ang lalaki. Sa kilos at hitsura nito’y halatang hindi ito isang pipitsuging tao. She was almost sure na kung aware lang ito na hindi Japanese Restaurant ang ‘Kami Mura’ ay tiyak niyang hindi ito papasok doon.
Pang masa ang restaurant na iyon kaya nga kaninang nakita niyang pumasok ito doon ay nahulaan na kaagad niyang naligaw lang ito.
“You’re serving Filipino food but your business name really sounds like a Japanese resto.” Anitong muling napailing. “Don’t you realize that this is very misleading?” Anito sa mahina pero ma-awtoridad na tinig.
“I’m sorry about that sir.” Pinagdaop niya pa ang kaniyang dalawang palad habang humihingi siya ng despensa dito. “There’s a Japanese restaurant two blocks away from here. No problem with us if you would decide to transfer there, sir.”
Napatingin ito sa kaniya bago ito umiling. “No thanks. I’m meeting someone here. Filipino food is fine with me.” Anitong ibinalik ang mata sa menu. “I was just a bit puzzled why they named this place Kami Mura.” He gave her a very curious look.
Nginitian niya ito. “Kami means ‘We’, sir and Mura means “Low price.’” Paliwanag niya.
He chucked upon hearing her explanation. Lalo itong gumuwapo nang tumawa ito. “Very funny!” Lumitaw ang magaganda at mapuputing ngipin nito. “I just hope hindi naman magmumura ang mga customers matapos matikman ang pagkain niyo dito.” Obviously he was just kidding.
“This is Kami Mura sir, not Kayo Mura, so you could relax.” Kinindatan niya ito saka muling nginitian ito.
Napatitig ito sa kaniya. Parang na-aliw ito sa ginawa niyang pagkindat dito. Simpleng pagtaas lang iyon ng dalawang kilay pero nahalata niya na nagkaroon iyon ng matinding epekto sa lalaki. Nakaramdam tuloy siya ng pagkaasiwa nang mapansin niyang nakapako na ang mata nito sa kaniyang mukha. She just hope that this guy is not reading a wrong signal.
“I like your sense of humor. ” Hindi na nito inalis ang mata sa mukha niya. “I like your dimples too.” Kislap nga ba ang nakikita niya sa mga mata nito?
Aware naman siyang maganda siya kasi halos lahat ng tao sa paligid niya ay iyon ang sinasabi sa kaniya. Pero bakit gano’n? Ang alam niya ay sanay na siyang nasasabihan na maganda siya, pero bakit parang lumukso ang puso niya nang manggaling sa lalaking ito ang papuri. Ang lakas ngayon ng tibok ng puso niya niya na halos magpaangat sa suot niyang blouse. Pakiramdam niya ngayon ay nagbla-blush siya dahil nakakatunaw na ng puso ang paraan ng pagkakatitig nito sa mukha niya.
“Would you like to order now, sir?” Nginitian niya ito para mapagtakpan ang nararamdaman niyang pagkaasiwa dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. He was staring at her as if she was the only person on earth.
Mabuti na lang at dumating ang hinihintay nitong tao kaya naalis ang mga mata nito sa mukha niya. Regular customer nila iyon, si Mang Jose. Madalas iyong kumain sa kanila kaya kabisado na niya ang mamang dumating. Lagi siyang binibiro ni Mang Jose kaya nakagaanan na niya ito ng loob. Ito ang mamang walang kasawa-sawang purihin siya sa tuwing makikita siya nito.
“Kanina ka pa ba bosing?” Bungad na bati ni Mang Jose. Naupo ito sa bakanteng upuan na nasa tapat ng lalaki.
“Hindi naman, kadarating ko lang din naman.” Tugon naman ng lalaki.