CHAPTER SEVEN
KINAPA NI Charles ang bulsa ng suot niyang Jacket. Wala doon ang cellphone niya. Sa pagkakatanda niya ay inilagay niya iyon doon kanina nang gumagayak na siya patungong airport. Hindi kaya nalaglag iyon sa bulsa niya?
Naroon pa naman ang cellphone number ni Krissa. Mahina pa naman ang memorya niya sa mga numero. Paano niya matatawagan si Krissa ngayon? Tiyak niyang naghihintay na iyon ng tawag niya.
Babalik pa sana siya sa bahay para hanapin iyon pero narinig niyang inaanunsiyo na ang susunod na flight. Iyon na ang eroplanong sasakyan niya.
NAPAKALAPAD ng ngiti ni Lorra nang iabot sa kaniya ng katulong ang cellphone ni Charles. Inutusan niya itong nakawin ang cellphone sa bulsa ng jacket na isusuot nito sa biyahe.
Mabuti na lang at nakatiyempo ang katulong bago nito iniabot kay Charles ang jacket, nakuha na nito ang cellphone sa bulsa ng jacket na iyon. Isang buwang sahod ang ipinangako niyang omento ng katulong kapag nagawa nito ng maayos ang ipinapagawa niya dito. Mabuti na lang at hindi siya nito binigo.
HUMPAK ang mukha ni Sarah na sumalubong sa kay Charles nang makarating siya sa Amerika. Payat din ito at maputla. Halatang nahirapan ito ng husto sa pag-aalaga sa may sakit na ina.
Umiiyak itong yumakap sa kaniya. Dama niya sa mga yakap nito ang kasabikang makita siya.
May awa siyang naramdaman para rito. Hindi niya naman maitatanggi na minahal niya rin ito. Kaya nga niya ito niyayang pakasal dahil akala niya ay ito na nga ang babaeng magpapaligaya sa kaniya. Pero nang makilala niya si Krissa ay nagbago ang lahat. Narealized niyang hindi pala niya gano’n kamahal si Sarah. Na si Krissa pala ang makakapagbigay ng ligayang matagal na niyang hinahanap sa relasyon nila ni Sarah.
“I missed you!” Anitong kinintalan siya ng halik sa labi.
Niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi dahil sa nagbago na ang isip niya nang makita ito kundi dahil nakadama siya ng awa dito.
“Gusto kang makausap ni mama. Sabi ng mga doctor ay pwede siyang mamatay anytime from now.” Napaiyak ito.
Dama niya sa tinig nito ang pagdadaramdam sa sinapit ng ina nito.
Tinungo nila ang hospital kung saan ay nasa ICU ang mommy ni nito.
Nadurog ang puso niya nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan nito. Nakadikit na lang ang balat nito sa buto dahil sa sobrang kapayatan nito. Halos luwa na rin ang mga mata nito at labas na rin ang mga ngipin. Lalaki siya pero napaiyak siya ng makita ito. Naging mabait kasi si Chona sa kaniya noong malakas pa ito.
Nagmulat ito ng mata nang marinig ang pag-iyak niya. “Ikaw ba iyan Charles?” Mahina lang pero narinig niya ang tanong nito.
“Oo tita.” Tugon niyang hinawakan ang kamay nito.
“Alagaan mo si Sarah. Huwag mo siyang sasaktan.” Paputol-putol na bilin nito.
Napahagulgol siya sa narinig na bilin nito. Paano niya sasabihin dito na hindi na niya pwedeng alagaan si Sarah dahil may mahal na siyang iba? Paano niya bibiguin ang hiling ng isang taong malapit ng mamatay?
“Huwag kang umiyak. Mangako ka. Pakasalan mo si Sarah. Gusto kong makasal kayo dito, habang buhay pa ako.” Pakiusap nito.
Hindi siya makasagot. Pinisil niya lang ang kamay nito saka siya patakbong lumabas ng ICU.
Umiiyak siya sa labas ng hospital. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin.
“Okay lang kung may mahal ka ng iba.”