chapter four

185 7 0
                                    

CHAPTER FOUR

NAPAKALAKAS NG KABOG ng dibdib ni Krissa.  Unang gabi niya sa club.  Si Jessica ang nag-provide sa kaniya ng isusuot.  Ito na rin ang nag-ayos sa kanya.  Very supportive naman ito sa kanyang desisyon.  Alam kasi nito na kailangan na talaga niyang gawin iyon para makatulong sa kanyang pamilya. 

“Huwag kang nerbiyosin Kris.  Isipin mo lang na walang masama sa trabaho nating ito.” Pagbibigay nito ng moral support sa kaniya.

Kahit anong sabihin ni Jessica ay hindi makapag-alis ng pangangatog ng tuhod niya.  Asiwang-asiwa siya sa napakaikli at hapit na hapit sa katawan na suot niya.  Napakababa pa ng neckline no’n kaya hindi niya alam kung sa ibaba niya hihilain iyon o sa itaas.  Kung hihilain niya iyon pataas para itago ang kanyang clevage ay lalabas naman ang kanyang bikini sa ikli no’n.  Maganda naman ang kaniyang legs.  Makinis at walang peklat ngunit hindi talaga siya sanay na idisplay ang mga iyon.  Malaki at tayung-tayo rin naman ang kanyang hinaharap pero ‘di rin siya sanay na ipakita ang kanyang cleavage.

Panay ang retouch sa kanya ni Jessica.  “Hayan, lalo ka ng gumanda.  Tingnan mo nga, bagay pala sa iyo ang  naka-make up.  Ano naman ang panama sa iyo ni Carla Abellana” Sabi nitong pinahiran siya ng blush-on sa pisngi.

“Puro ka naman biro Jessy.  Nakikita mong nangangatog na ang tuhod ko.” Pagsasaway niya dito.

“Relax ka lang kasi.  Huwag kang nerbyosin, masasanay ka rin.  Tingnan mo ako, kabisado ko na kung paano mambola ngayon ng customer kaya laging malaki ang tip ko.”

“Anong gagawin ko?”  Tanong niya dito.

“Eh di makipagkuwentuhan ka lang. Kapag niyaya kang sumayaw eh di sumayaw ka.”  Turo nito sa kaniya.

“Paano kung hawakan ako kung saan-saan?”  Tanong niya.

“Sus ginoo ‘day!  Hayaan mo na kung pahawak-hawak lang naman.  Isipin mo lang nasa MRT ka.”  Natatawang sabi nito.

“Kinakabahan ako Jessy.”  Sinapo niya ang kaniyang dibdib. 

“Ganyan talaga ‘pag first timer.  Nung ako nga ay pakiramdam ko’y babalisawsawin ako sa kaba.  Pero maniwala ka sa akin, masasanay ka din.”  Anitong napatingin sa pinto. 

Sumunod ang mata niya kung saan napako na ang mga mata ni Jessica.  Para kasing nagulat ito sa nakita.

Napisil nito ang kaniyang kamay. “Sus ginoo ‘day!” 

Buti na lang at hawak nito ang kamay niya kaya hindi siya lumagapak sa sahig.  Nakita niya rin kasi kung sino ang nakita nito.

Si Charles Carlos nga ang bumungad sa pinto. May tatlong lalaki itong kasama na mukhang mga foreigners.

Nakita niyang sinalubong kaagad iyon ng may ari ng club na si Mr. Go at binulungan ang mga iyon.

Gusto niyang magtago sa ilalim ng mesa para hindi siya makita nito, pero huli na, itinuro siya ni Mr. Go kay Charles. 

Nakita niya sa mukha ni Charles ang matinding pagkagulat nang makita siya doon.  Nanlaki kasi ang mga mata nito at nalaglag pa ang panga nito.

Agad siyang nilapitan nito.  “I’ll take her Mr. Go.”  Nakipag-unahan ito sa kasama nito na tila siya rin ang natipuhang i-table.

“And what the hell you’re doing here Krissa?” Puno ng disappointment na bulong nito sa kaniya. “The last person I want to see here is you.”

Hindi siya kumibo.  Lalong nangatog ang kaniyang tuhod.  Yumuko lang siya dahil pakiwari niya’y magko-colapse na siya sa hiya. 

“Kailan ka pa dito?” Tanong muli nito nang hindi nito nahintay ang sagot niya.

Almost over you (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon