chapter eight

190 6 1
                                    

CHAPTER EIGHT

HALOS ISANG TAON ang mabilis na lumipas. Sinukuan na rin ng pag-asa si Charles na makita pa si Krissa. 

Nanatili sa tabi niya si Sarah kaya naisip niyang napakabait ni Sarah dahil inunawa nito ang lahat ng kaniyang pinagdaanan.  Dumating din sa punto na nawalan na siya ng ganang mabuhay ngunit hindi siya iniwan nito.  Ginawa nito ang lahat ng magagawa para lang makabangon siya.  Kung saan-saang bansa siya dinala nito para malibang at malaki rin naman ng naitulong ng suporta nito at nang buong pamilya niya para makabalik siya sa dati.

Nasa puso niya pa rin si Krissa pero nagagawa na niyang kontrolin ngayon ang kaniyang emosyon sa tuwing maaalala niya ito.

“Hindi ka pa ba buntis hija?”  Tanong ni Lorra kay Sarah habang magkakaharap sila sa hapunan. Kagagaling nila sa London para sa kanilang second honeymoon.

Namula ang mukha nito.  Mahigit isang taon na nga naman buhat nang ikasal sila nito ngunit di pa ito nabubuntis.  “Wala pa nga po ‘ma.”  Sagot nitong tila napahiya sa tanong ng biyenan.

“Hindi naman kami nagmamadali ‘ma.”  Mabilis na salo ni Charles dahil nakita niya ang pamumula ng mukha ni Sarah.

“Aba’y kami ng papa niyo’y nagmamadali na.  Gusto na naming makakakita ng apo. Bakit di ka kaya magpacheck-up hija?  Napapansin ko ding nalalaglag ang katawan mo.  Akala ko nga buntis ka dahil sabi sa akin ng katulong nating si Melay ay madalas ka raw niyang makitang nagsusuka.”  Dagdag pa nito.

Lalong namula ng mukha ni Sarah sa narinig.  “Napapadalas nga po ang pagsakit-sakit ng sikmura at puson ko “I think you’re right ‘ma.  Maybe I need to go for a check up.  Hindi kasi regular ang menstruation ko at lately ay medyo lumalala ang abdominal pain na nararamdaman ko. Nagdo-double dose na ako sa aking pain reliver.”

“Bakit ‘di mo sa akin sinasabi iyan?”  Nagulat siya sa sinabi ni Sarah.  Akala niya ay tumigil na ang pagsusuka nito kasi lately naman ay hindi na ito stressed na gaya noong nakaraang taon.  Hindi niya rin kasi gaanong napapansin ito lately kasi isinubsob niya ang sarili sa trabaho.  Marami siyang napabayaang trabaho noong panahong down ang kaniyang emotions kaya kinailangan niyang magdoble ng effort para paka-cope up sa mga nasayang niyang panahon. 

“Ayoko kasing mag-worry ka. Ngayon pa nga lang eh parang alalang-alala ka na.”  Natawa ito ng bahagya. “Hayaan mo at aalamin natin kung ano ito.  Baka kasi isang factor din ito kung bakit di ako magbuntis.”  Anitong hinaplos ang mukha niya.

Napatingin siya dito.  Napakalambing nito sa kaniya at wala siyang makitang dahilan para hindi ito mahalin.  Nagtataka lang talaga siya sa sarili niya kung bakit hanggang ngayon ay si Krissa pa rin ang hinahanap ng puso niya.

“Dapat lang na magpa-check-up ka hija dahil hindi normal iyang ganyan.  I know a good Oby-gyne.  Gusto mo samahan kita?”

“Sure ‘ma, thanks.  Aminado naman akong medyo napabayaan ko ang health ko dahil sa pag-aalaga kay mama noon.  Parang di nga nakabuti sa akin ang stress at nerbiyos tuwing nakikita ko siyang nagsa-suffer noon.”  Sagot nitong pinisil ang kamay ni Charles.  “Nahihiya na nga ako kay Charles.  I know we are not getting any younger.  Alam kong gusto na rin niyang magkaanak.” Anitong napayuko. 

“I’m not in a hurry, sweetheart.” Aniyang pinisil ang kamay nito.  Bigla niya kasing naalala ang mga anak niya kay Krissa.  Tiyak niyang malalaki na ang kaniyang kambal. 

 “I am willing to undergo a general check-up para lang malaman natin ang diperensiya.  Alam mong hindi madali sa aking gawin ito.  Takot akong magpacheck up.”  Natawa siya.  “Si mama kasi ang lakas-lakas tapos nang magpacheck-up ay cancer na pala.  May phobia na yata ako.”  Napailing ito.

Almost over you (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon