Chapter III

255 7 1
                                    



Chapter III

Malalim na ang gabi pero ang dami paring naka-online, umaasa pa yata na icha-chat ng crush nila jusko! Kung panget ka huwag ka ng umasa matulog na agad nagsasayang ka lang ng kuryente! Hindi rin naman ako nag-aalala kung magkaeyebags sila dahil no one cares to ugly people! Buti pa ako ang daming nagchachat sakin hindi na rin naman ako nagtataka kasi nga MA-GAN-DA ako!

Mga ilang sandali pa'y umulan na ng malakas at umihip na ang malamig na hangin nag-aalala ako dahil malamang may magpo-post na naman ng "Hanap Kayakap!" Jusko! pag malamig kayakap agad ang hanap hindi ba pwedeng jacket muna?

At meron na ngang nagpost at nag comment ako syempre..
"Tag-ulan teh! Hindi tag-landi! Letse!" Lumipas ang ilang segundo dinelete 'yong comment ko. Sarap buhusan ng kumukulong tubig! Gusto ko siyang banlian. Nag-aantay pa naman ako ng reply niya.

Makatulog na nga, hindi ako pwedeng matulog ng 12 midnight kailangan 8 hours ang tulog ko. Pano na lang kung nagka eyebags ako? Eh di kawawa naman 'yong mga taong naiinspire ko araw-araw dahil sa kagandahan ko.

Bago ko pinikit ang aking magagandang mata nagdasal muna ako.
"Lord, thank you po sa ibinigay niyong katalinuhang nag-uumapaw at sa kagandahang lakas makasapaw. Good night po. And let there be peace on Earth."

Kailangan nagpapasalamat pa rin tayo sa Diyos sa mga ibinigay niya satin. Ikaw kahit pangit ka magpasalamat ka pa rin sa kanya buti nga ay tinubuan ka pa ng mukha.
****Kinaumagahan

Buti naman at walang nakaupo sa favorite spot ko sa coffee shop magandang simulain ito ng umaga ko.

Sa kabilang table ang lakas makahalakhak ng mga panget, jusko! Umagang umaga may umaaligid na panget sa shop ko. Nakita kong isa lang ang nag-order ng kape tapos ang dami niyang isinama at 'yong iba nakiwifi lang! Letse! Palugi negosyo sila marami pang nag-aantay sa labas. Libre ang wifi dito sa coffee shop ko kasi nga maganda ako! Huwag niyo ng subukang i-connect dahil sasamain kayo sakin!

Ang password lang naman eh "GORGEOUSAmber" oh di ba naavail mo na 'yong wifi nagtype ka pa ng katotohanan. Kailangan capslock ang gorgeous kasi nga alam niyo naman di ba? Sobrang ganda ko kaya dapat damang-dama! Intense kumbaga!

Lumapit ako upang pagsabihan sila at nakataas na agad ako ng kilay ko.

"Mapangit na umaga!" Bati ko sa kanila it compliments naman sa mga mukha nila " Pwede ba huwag na kayong pumunta dito. Dalhin niyo na yan na kape niyo at lumayas na kayo dito." Dagdag ko pa habang nakapamewang.

"Ano ba ang masama? Wala naman kaming ginagawa ah!" At sumagot 'yong babalu.

"Alam niyo kung ano ang masama?! Yang mga pagmumukha niyo! Magtakip nga kayo ng sako!" Sabi ko do'n sa babalu. Isa siyang TULISan! Napakatulis ng baba. Lakas makadeadly weapon.

"Akala mo kung sino kang kagandahan! Pangit naman 'yong ugali! Kami mabait at matalino." Aba! Sumagot na din 'yong laki mata na akala mo nakakita ng isang libong lalaking nakahubad.

"Maganda ugali niyo, matalino kayo pero hindi no'n mapagtatakpan ang kapangitan niyo!!!" Bwisit naman ako sa mga ito.

Gusto ko ng pagsasampalin gustong makatikim! Ang kaso nga lang nag-aalala ako sa kamay ko masyado pa namang delicate ang skin ko, nakita ko kasing parang magagaspang ang mukha no'ng mga kausap ko mas makinis pa 'yong bato na dating ipinanghihilod ko.

"Tara na nga ayoko ng away.. Please." Sambit no'ng parang isang nerd na kasama nila at ang kapal ng kilay niya yung tipong pwede ng gamitan ng grasscutter.

At ayon na nga hinayaan ko na silang lumayas, do'n na sila maghasik ng lagim sa labas, mabuti naman at makakapagrelax na'ko. .

Tinext ko 'yong katulong namin na magpost sa website ko na kailangan ko ng body guard syempre mahirap na sa panahon ngayon ang dami nang gustong magnakaw ng kagandahan ko.

Maldita's Spiel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon