Chapter IV

210 8 1
                                    


Chapter IV

Nag-usap lang kaming dalawa ni Abrahm, ganda ng pangalan niya 'no kasing ganda ko.

"Pwede ka ng magsimula ngayon, all you have to do is to protect me from all the dangers and from all the strangers."

Then he just nodded, we had a long conversation at kung ano 'yong mga napag-usapan namin, wala na kayong paki! Wag kayong chismosa! Ang alalahanin niyo kung papaano kayo magiging maganda!

Lumabas na kami ni Abrahm mula sa restaurant habang nasa may kalsada kami ang daming nagbubulongan. Jusko! Matawagan nga si President Digong na sana magkaroon na rin ng ordinansa at batas na dapat ipapatay lahat ng mga chismosa. Tingnan na lang natin kung hindi mangalahati ang populasyon dito sa Pilipinas.

May kasama ka lang na lalaki sasabihin boyfriend mo na agad, sa makalawa pagchichismisan naman nila na buntis ka na. Mga letseng chismosa! Dapat diyan sinusunog sa gitna ng plaza para huwag ng pamarisan. Hindi naman nila ikagaganda ang paninira ng ibang tao. Jusko! Kung sino pa ang pangit sila pa 'yong chismosa! Mga buwisit!

Nakaabot kami sa school nang nasa likod ko lang siya. Nakapunta ako sa mall kasi nga vacant ko.

"Hi Amber! Ang gwapo naman ng kasama mo." Wika ng isang malanding babae at hinawakan niya pa si Abrahm! Ako lang ang may karapatang humawak sakanya.

"Sa akin wala kang sasabihin?" Letse siya! Hindi niya man lang nakita 'yong ganda ko! Bwisit 'to! agaw eksena ang Abrahm, tinalbog ang ganda ko.

"Ano po ba ang dapat kong sabihin?" Marahang tugon niya sakin na parang nagtataka.

Ang istupida neto! Kitang-kita naman na maganda ako pero hindi sinasabi. Anyways, stating the obvious won't make you witty.

Hindi na'ko nagsalita dumiretso na kami ni Abrahm sa silid-aralan ko, pwede naman siya do'n kasi nga di ba? Akin ang paaralan na'to at maganda ako!

Matahimik akong naupo at nakinig ng maayos sa aming professor nang biglang may nagsalitang blockmate ko.

"Isara niyo nga 'yong pinto lumalabas 'yong aircon." Maarteng pagkakasabi niya.

Ang boba niya naman! Ano 'to may paa ang aircon at nakakapaglakad, lalabas?
Nakakabit na nga ng maigi 'yong aircon sa dingding, at may bakal pa!
Jusko! Pinapag-aral kasi puro make-up ang alam dapat sa embalming na lang siya huwag dito sa marketing!! Natakpan na din yata ng concealer ang utak niya pweee!!! Ayoko pa naman ng boba! Baka maisampal ko sakanya 'yong make-up kit na kanyang dala! Pigilan niyo ko!

Hinawakan ni Abrahm 'yong kamay ko sapagkat parang napansin niya na nagagalit na agad ako kaya naman medyo natigil 'yong init ng ulo ko. Katabi ko siya ngayon, pagmasdan ko pa lang ang maaliwalas niyang mukha nawawala na agad ang galit ko.

Pinagtitinginan din ako ng mga blockmates ko! Jusko! Kaunti na lang talaga at dudukutin ko yang malalaking mata nila!

Pero parati akong napapakalma ni Abrahm buti na lang at nandiyan siya. Natapos 'yong klase na pinipigilan lang ako parati ni Abrahm.

Pauwi siya 'yong nagmaneho ng kotse, oh di ba? Nakatipid ako, body guard ko na siya driver ko pa. Hindi naman talaga ako nagtitipid kasi nga mayaman din ako, lahat ng gusto ko nakukuha ko. Hindi ko lang naman ipinagmamayabang kung saan-saan, hindi ako kagaya ng ibang tao, na kumain lang ng cake, or sa Starbucks ipopost agad sa fb! Jusko! Sobrang yabang mga patay-gutom naman! Kunwari hindi dayukdok!!

"Can I go home Amber?" Tanong ni Abrahm sakin dahil 8:00 pm na rin naman.

"Ok. Thanks!" Maikling sagot ko pero galing naman 'yon sa kaibuturan ng kagandahan ko.

Maldita's Spiel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon