Chapter VII

117 6 3
                                    

Chapter VII

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan naging maayos naman lahat ng nangyari sa buhay ko. Si Wendy ay nakatira na din dito sa bahay namin, tinulungan ko siya. Binigyan ko siya ng scholarship at trabaho dito sa bahay bilang isang katulong. Naging close na rin kaming apat dito sa bahay. Medyo naging masaya na rin naman ako. Kasi puro kulitan sila.

"Excuse me Miss, may I know kung saan 'yong library ng school I'm new here kasi galing me sa Australia. And I'm so nahihirapan na because napakalaki ng school. I can't hanap talaga the library, pwede samahan mo me?" Tanong sakin ng isang babaeng hindi nakauniform. Ang arte niya ha! Pasosyal pa!!!

"Ok. Sasamahan kita pero after no'n aalis na agad ako." I answered hindi muna ako magmamaldita sakanya hindi pa oras. Tamang tsempo lang ang kailangan ko.

"Daming Thank you talaga ha! So lets walk na. Napapagod na kasi me. I'm wearing super taas na heels kaya I already want to hanap upuan and basa books. You know naman I'm bright I always gusto to read books." Pabebeng pagkakasabi niya saken. Sh*t! Kaunti na lang nakaka Rita Avila siya!!! Oo as in nakakairita amputa!!! Sarap sampalin ng takong 'yong tipong babaon sa mukha niya! Bright daw? Hindi siya matalino mukha siyang paa!!! At alam naman natin na ang paa ay walang lamang utak di ba?? Pweee!!! Puro dumi!!!

Hindi na'ko sumagot kasi nga sa isang sentence na sinasabi ko isang talata ang sagot niya. Pag nakita ko siya bukas at ganito ulit nangyari baka itulak ko siya sa hagdan. Sira na nga ang mukha niya pati ba naman araw ko sisirain niya pa!!! Tangina!!!

Naglakad kami hanggang sa library.

"Salamat sa pag join sakin in walking papunta here sa library. I want to be matalino eh and I love to basa books na English. I'm so magaling din kasi sa English eh. Bye! Salamat so much!" Naleletse na talaga sa paraan ng pagsasalita niya! Nakakairita sobra!! Putrageeeeessss!!!

"Ito pala oh, just get this pera para may food kang ma-eat mamaya. Don't be mahiya. It is my own form to sabi salamat to you." Dagdag niya pa at binigyan ako ng bente. Letse!!! Akala ko ang yaman-yaman niya!!! Yun pala bente lang ang baon niya! Pweeee!!! Lakas ng loob!!

Kinuha ko 'yong pera at inihulog ito sa daan habang papunta ako sa aking room. Jusko! Kung lahat ng tao gano'n magsalita mas mabuti pang maging alien na lang ako. Mga taong ganon sarap tampalin ng nagbabagang takong!!

Nakita ko si Abrahm na nakaupo na sa loob ng classroom ko at 'yon kinakausap siya ng mga babae ang lalandi talaga!!! Mga makati!! Sarap regaluhan ng kamay para may pang kamot sila!!

Maldita's Spiel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon