Chapter 17

54 4 5
                                    

Creamy's POV.

Kasalukuyan akong nag lalakad sa tabing dagat, nagmumuni muni, nag iisip, naluluha. Dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Sobrang fresh pa rin sakin yung masasakit na salita na natanggap ko galing sa taong pinakamamahal ko. Iniwan nya ako. Ipinagpalit nya ako. Itinaboy nya ako. Sobrang sakit. Mahal na mahal ko si Zim. Sobrang mahal. Sya yung naging kasangga ko sa lahat. Karamay sa lahat ng problema. Kasama sa lahat ng pagsubok. Sya ang tumayong tatay, nanay, at kapatid ko. Hindi ko inakala na darating yung araw na makakalimutan nya na ako. Yung hahayaan nya na akong saktan lang ng iba. Yung walang mag proprotecta sakin. Nakakapanibago. Nakakaiyak.

Ano pa bang magagawa ko? Yung taong mahal ko na yung sumuko!. Bumitaw na sya. Kahit anong kapit ko wala na talaga. Sobrang sakit. Gusto ko ng matulog, yung tulog na hindi na ko magigising. I wis~~~

Prrrrrrriiiiiiiinnngggggggggggprrrrriiinggggpprrriinggggg○○○◎◎◎◎◎※※※※

     

"MONyeta CALLING"

ANSWER.                                                  DECLINE

Tsss. Panira talaga ng moment to!

Ohhh! Hello? Inis kong sabi.

Aba ang aga aga beastmode ka teh? Pang aasar nya.

Kung tumawag ka lang para mang asar please. Wala ako sa mood. Mahinahon kong sabi.

Ehhh! Nasan ka ba kasi? Ang aga aga gumagala ka! Sabi nya.

Para sa ikadaragdag ng nalalaman mo hindi ako gumala! At wala akong oras makipag biruan sa katulad mong bakla!! Inis kong sabi at saka ibinabaan sya ng teleponon.

Tawag pa rin sya ng tawag kaya pinatay ko ang cellphone ko. At patuloy na naglakad sa tabi ng dagat. Ni nanamnam ang simoy ng hangin. Dinadama at dinidinig lahat ang alon ng dag~~~~.

Z-im?

Titig na titig ako sa lalaking pinakamamahal ko. Sa taong iniwan ako. Sa taong niloko ako. Unti unting kumakawala ang luha ko sa aking mga mata kaya tumingin ako sa langit upang pigilan ang pag agos nito.


Sobrang sakit, aalis na sana ako ng may maramdaman akong humawak sa braso ko upang pigilan ang pagtalikod ko.

Zi-m? Nauutal kong pagtawag sa pangalan nya.

Gusto ko lang itanong kung sinusundan mo ba kame ng girlfriend ko?. Mahinahon nyang sabi. Sa loob looban koy gusto ko na syang  pagsasampalin. Dahil ang kapal nya akong kausapin sa kabila  ng pagtataboy nya sakin. Tumaas na ang dugo ko. Galit na galit ako!!

The heck!? Para sa ikadaragdag ng kaalaman mo, Wala akong pakealam sainyo ng girlfriend mo. At tsaka bakit ko kayo susundan ano kayo santo? Ayos ka lang brad? Hindi mo ikinagwapo yang pagiging assuming mo. At tsaka pwede ba? Bitawan mo yung kamay  ko dahil yung pasa ko yung hinahawakan  mo at tsaka wala kang karapatang hawakan ako, hindi tayo close okay?. Kaya matuto  kang dumistansya. Masungit kong sabi at saka tinabig ko ang  kamay nyang nakahawak sa braso ko at saka umalis. Hindi ko inakala  na masasabi  ko ang lahat  ngyun sakanya. Gusto kong bumalik sakanya  at yumakap saka sasabihing pasensya na mahal nabigla  lang ako. Unti unting tumulo  ang mga luha ko sa  pagkakataon  na to hindi ko na pinigilan. Magkahalohalong dahilan. Pero nananaig ang galit. Sobrang galit at sakit.

------

Zim's POV

Nakatulala ako ngayon at pinagmamasdan si creamy na nag lalakad palayo sakin. May kung anong kurot ang nararamdaman ko. Gustong kumawala ng luha ko. Ewan ko kung bakit? Pero dahil siguro sa dami rami na ng pinagdaanan namin at pinagsamahan namin ngayon nya lang ako napagtaasan ng boses at kitang kita ko sa mga mata nya ang galit at sakit. Parang may bumubulong sakin na sundan sya at humingi ng tawad, gustong gusto ko syang yakapin. Pero hindi ko magawa. May kung anong pumipigil sak~~

Babe? Anong ginagawa mo dito. Si lexx

Dali dali kong pinunasan yung luha ko.

Ahh ano, nagpapahangin lang. Sabi ko ng hindi parin lumilingon sa kanya. Wala na si creamy. Nararamdaman ko ulit ang luha ko na gustong kumawala sa mga mata ko. Kaya lumingon ako sa langit at nagkunwaring ngumiti.

Kanina pa kita hinahantay. Tara na babe. Uuwi na tayo mamaya. Sabi nya at pinulupot ang kamay nya sa kamay ko at nagsimulang naglakad kaya napilitan din akong maglakad pasunod sakanya.

Uuwi na kame. Sa huli nating pag kikita creamy(‘_’).





___

Sorryyy kunggg natagaaalaaann sa updateeee!! Depwesss kasii si awwtorrrr. Pero okayy na ako kasiiii nanjan kayoo para supportahan at mahalin ako at ang libri ko. Maramingg salamattttt.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Love You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon