Chapter 7

17 2 0
                                    

Chapter 7


Whatttt??? O to the M to the G

Liam Andre Collins

Need to know your name Miss Lady in Red

Like      Comment     Share


Ako ba ang tinutukoy nito? Assuming na kung assuming pero para kasing ako to eh. Juskooo!!!


Kailangan kong tawagan sina Caitie at Max


"Oyy mga babaita! May problema ulit ang lola niyo" sabi ko sa kanilang dalawa


Magkakavideocall kami ngayon kasi mahirap kapag tawag lang. Pag nag eexplain pa naman ako ay may mga actions and sound effects


"Oh ano na naman?" Tanong ni Max


"Check niyo yung account ni Kano" agad kong sabi


"Di kami friends no' tsaka ikaw lang naman tong nag add sa kanya" pagtataray ni Caiti


Anong meron ba kay Caitie at parang binagsakan siya ng langit at lupa kung mag inarte. Bahala sya hahahhahaha


"Ganto kasi nakalimutan ko atang sabihin sa inyo na nagkabunguan kami ni Liam kanina tas tinatanong niya yung name ko pero agad namang dumating si Caitie tas yun nagpost si Liam na gusto niya daw makilala yung Ms. Lady in Red. Ako ata yun huhuhuhu" pagkekwento ko sa kanila

"Cali alam mo ang assuming mo hahahha. As in 99.9%. Ikaw lang ba ang naka red kanina?" Pang aasar ni Max

"Pero..." singit ko

"Naku Cali ha. Baka naman hindi ikaw yan. Alam mo itulog mo nalang yan at tutulog na rin kami. Antok na antok na kaya kami." Sabi naman ni Max

"Sige na nga"

Baka nga assuming lang talaga ako. Hayyysss itutulog ko na nga lang to.

"Hoy Cali. Tama na ang stalk ha baka mafall. Paalala lang" pahabol ni Caitie pero parang okay na siya. Gulo talaga ng babaeng yun.

Di talaga ako makatulog at dahil nga sutil akong anak ng inay at tatay inopen ko ulit ang fb ko at binalikan yung post ni Liam.

Grabe umabot na sa daang libo yung likes tas hundreds yung comments. Malamang naman Cali. Model yan eh. Magtataka ka paba.


Napukaw ng atensyon ko ang isang comment na nagpost ng picture ko na kausap si Liam medyo blurd tsaka madilim yung kuha. Tapos nagreply si Liam dun sa picture na yun nga daw yung babae na gusto niyang makilala.

Wounded Heart (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon