Chapter 12

12 2 0
                                    

Chapter 12

Cali's POV


*MAKALIPAS ANG 1 BUWAN*

"Cali. Excited na ako bukas"masayang sabi ni Caitie


"Ako rin. Ikaw Cali?" Tanong ni Max


"Syempre oo! Bagong school, bagong environment, bagong buhay!"


After nung nalaman kong niloloko lang ako ni Drake. Naglibang libang ako. Nilibang ko ang sarili ko sa paggagala with my buddies. Hanggang sa unti unti nang nawawala ang nararamdaman ko kay Drake.


Excited na ako para bukas. Hindi ako makapaniwala na finally makakapasok na ako sa dream school ko. Sana lang talaga mababait ang mga tao dun. Buti na lang talaga kasama ko parin sina Caitie at Maxine.


Andito kami ngayon sa aming favorite na coffee shop. Halos araw araw na ata kaming andito. Ito na kasi yung naging tambayan namin at tuwing dadating kami dito alam na nila yung oorderin namin tsaka kaclose narin namin yung mga crew dito.


"Cali, tara na uwi na tayo. Maaga pa tayo bukas" yaya sakin ni Max


"Sige tapusin ko lang tong binabasa ko"


"Tapusin? Eh baka sa isang araw mo pa yan matapos eh. So ano sa isang araw pa tayo uuwi? Sira kaba?" Pang aasar ni Caitie


"Sira ka din ba? Malamang tatapusin ko lang yung isang chapter. Gaga! Tara na nga! Hahahahaha"


Hindi ko alam kung saan nagmana tong si Caitie eh. Parang laging may saltik sa utak.


So ayun pagka uwi namin nag ayos na kami ng gamit na dadakhin namin bukas. Then natulog kami.

*KINABUKASAN*

Pagkagising namin, kumain na kami tas naligo at nag ayos ayos.


"Let's go na?" Yaya ni Max


"Tara!" Sabi naman ni Caitie


Wow. Capital W.O.W. Grabe ang ganda dito. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili ng school.


Sobrang daming tao ngayon kasi first day of school medyo kalat pa talaga ang mga students. Kaya naisipan na naming pumunta sa room namin. Hinanap pa talaga namin kung saan yun kasi hindi namin alam kung saan yun. Nagtaning tanong na din kami sa ibang students na nakakasalubong namin.

Wounded Heart (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon