Chapter 15

4 1 0
                                    

Chapter 15


Nakuu! Sino naman kaya ito?


Dahil sa inaantok na ako, hindi ko na siya nagawang replayan.



Liam's POV

Wala ata siyang balak magreply.

Galing nga pala ako kanina sa cafe namin and nasabi sakin ni Julie na andon daw kanina si Christen. Sa layas naman ng babaeng yon! May sakit na nga kung saan saan pa pumunta.

Habang nag aayos ako ng gamit para bukas. Iniisip ko kung paano ko maiisayaw si Christen kaso mukang mahihirapan ata ako dahil naka mask siya. Hayyy. Bahala na bukas.

Makatulog na nga mukang aasa lang ako sa wala.



KINABUKASAN

*ding dong*

Sino ba yon? Antok pa ako eh.

Dali dali kong binuksan ang pinto para makita kung sino yung tao sa labas


"Surpriseeee!!!"


"Agang aga!!! Bakit andito ka?" Sabat ko sa kanya


Paano ba naman kasi andito si Christian. Parang aso ang ingay ingay.


"Bat andito ka?"tanong ko


"Kasi wala ako sa amin. Logic pare!"


Tamo isa pa babatukan ko na to.


"Pare sabay na tayo mamaya"sabi niya


"Di ka nakikinig ng mga rules no. Bawal tayo magsama!"


"Kadiri ka pare!!! Hindi naman talaga tayo magsasama. Sasabay lang ako"


"Bawal nga daw kasama ang tropa. Solo solo muna"


"Sus. Bahala ka hindi kita tutulungan hanapin si Christen"


"I love you pare!"


"Yan tayo eh magaling pag may kailangan. Ako bahala sa plano mo kay Christen magpapahanda ako ng table sa inyong dalawa yieeee"

"Tsk"

Buong maghapon nag movie marathon lang kami ni Christian dito.

Mukang wala rin namang susunod sa rules na bawal magsama sama ang mga barkada. Siguro mga girls lang ang gagawa nun pero kaming boys? Siguro wala pa sa kalahati hahahahaha.

5:30 na kailangan ko na palang mag ayos. Mag aagawan pa kami ni Christian sa banyo kaya uuna na akong mag ayos. Mga 7 kasi kami pupunta sa school kasi 7:30 yung start.


"Wow pare pogi natin ah" galaw sakin ni Christian

"Pogi ko! Makikisali ka pa"sabat ko sa kanya

Wounded Heart (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon