Chapter 5

14 2 0
                                    

Chapter 5

Si bilog ay si...

Alexander Smith

Really??? 0_0

"Patay ka Christen Alexis Lee" bulong ko sa sarili ko

Si Alexander Smith lang naman ang isa sa pinaka famous sa school namin. Medyo mayabang yun. No! Hindi medyo. As in mayabang talaga yun. Buti na nga lang at di kami close or ano. Kilala ko siya pero hindi niya ako kilala.

Anong gulo ba itong pinasok ko. Huhuhu :((

Inistalk ko silang pareho si Alexander at si Kano. And it seems that they are very close to each other. Lalo akong patay nito

Halo halong emosyon ang dumadaloy sa katawan ko. Pano na lang kung makwento ni Kano kay Alexander na nagchachat ako or nangungulit sa kanya. Edi kagulo na naman ang buhay ko.

Bukas ko nalang ulit to poproblemahin. Susugod ako sa bahay nina Maxine para sa badnews na ito.

**KINABUKASAN**

"Maxineee!!! Papasukin mo na ako bilis!" Pag uutos ko sa kanya habang sumisigaw sa labas ng gate nila

"Agang aga yung muka mo pang gabi na! Ano ka ba naman Cali, 6 palang ng umaga oh" inis na sabi ni Maxine

"Basta buksan mo na itong gate niyo or aakyat ako sa bakod"

"Wait lang. Napakademanding mo naman"

Hay ang tagal namang buksan ng babaeng ito ang gate. Aabutin kami ng ala sais ng gabi eh. Jokenings :)

"Halika na sa kwarto mo" paghila ko sa kanya

"Grabe ha. Ikaw may ari ng bahay"

Gustong gusto ko nang sabihin sa kanya yung about sa nangyari nga kagabi pero mas gustong gusto ko nang pumunta sa kwarto niya para maibaba ang mga dala kong gamit.

Dala ko kasi ang buhay ko. Charott! Dala ko lang naman ang laptop ko, cellphone, charger at maraming maraming pagkain

Pagkadating namin sa kwarto niya.

"Wow ha, dami mong dalang pagka..."

"May problema tayo" pagputol ko sa sinasabi niya

"Ha?" Pagtataka niyang tanong

Tas yun sinabi ko sa kanya kung ano ba talaga ang nangyari kagabi.

"Anong problema natin? Problema mo lang. Idadamay mo pa ako" sabay tawa ni Maxine

"Maxine naman eh"

"Okay fine so anong plano mo? Itutuloy pa ba ang nasimulan o tatapusin na?"

"Pag iisipan ko muna sayang din kasi eh"

"Gaga porket pogi"

Maka gaga naman to pero sayang talaga kasi eh hahahaha. Landi ko na! :(

Wounded Heart (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon