Minsan kasi, hindi naman talaga paasa ang taong nagugustuhan mo ang madalas kasi na nagyayari is assuming ka lang talaga.
Ewan ko ba kung bakit ang hilig-hilig nating mag-assume isa na ko dun' sa mga assuming.
Ang pinakamadalas kasing mahilig mag assume ay ang mga kababaihan.
Pano ba naman kasi nag hi lang sa'yo ang isang lalaki iisipin mo, type ka niya agad.
Nagkatinginan lang kayo feeling mo may something na.
Nagtanong lang siya sa'yo kung kumain ka na ba pakiramdam mo super concerned siya sa kalusugan mo.
Nakasabay mo lang siya pauwi, iniisip mo na agad na liligawan ka niya.
Sinabihan ka lang niya ng ingat, feeling mo mahal ka na.
Porket ba nag-text siya ng wala lang, miss ka na agad?
Hay buhay nga naman parang life!Hilig talaga nating magbigay ng kulay sa mga bagay-bagay.
Eh paano kung para sa kanya kaya lang siya nag-hi sa'yo ay dahil nakasalubong ka lang sa daan?
Paano kung katabi mo pala ang tinitignan niya?
Paano kung gusto ka lang niyang paalisin sa mesa dahil siya naman ang kakain?
Paano kung parehas lang kayo ng terminal kaya nakisabay siya?
Paano kung alam lang niya talagang tanga ka kaya sinabihan ka niyang mag-ingat?
Eh, paano kung wala talaga siyang maisip kaya ganun lang ang reply niya?
Ang layo sa iniisip mo 'di ba? Ang colorful talaga. Kulang na lang maging dictionary ka sa kabibigay mo ng meaning sa lahat ng kilos ni kuya o kahit ng ibang tao.
Kaya nga sa totoo lang, may ilang mga lalaki o babae na hirap na hirap kumilos.
Kaunting galaw lang ang dami ng kahulugan agad ang naiisip ng mga nagkakagusto sa kanila.
Tandaan niyo palagi na iba-iba tayo ng pananaw sa mga bagay-bagay.
Maaaring ang sweet para sa'yo ay normal lang para sa kanya.
Aminin mo man o hindi, lahat tayo ay assuming.
Hindi ka naman talaga masasaktan kung hindi ka nag-assume in the first place.
Naaalala ko tuloy 'yung crush ko nu'ng Grade 5 na itatago na lang natin sa pangalang GAB.
Actually, 'yun talaga ang codename ko sa kanya dati kasi noong mga panahong 'yun kasi yun yung unang letra ng First,Second, at Last name niya.
So 'yun nga, sa pagkakatanda ko lagi kaming nagkakasalubungan ng tingin, lagi niya akong inaasar at tuwing may quiz, lagi rin siyang nagtatanong ng sagot.
Dumating din sa time na nagkatabi kami sa upuan at tuwing vacant, lagi kaming naglalaro ng tic-tac-toe. Lagi rin kaming nagkukwentuhan at madalas niyang dinadala ang mga gamit ko kapag pinakikisuyo ko.
Tandang-tanda ko, lagi kong sinusulat sa calendar ng cellphone ko ang mga kilig-moments ko kay GAB. Nag-assume ako na the feeling is mutual kahit na hindi naman kami magka-text.
Hanggang sa inamin ko na gusto ko sya, nalaman kong hindi pala ako ang type niya kundi isa sa mga kaibigan ko.
Ow shit diba?, laslas na dre! 'yan tayo eh! Kaya marami ang nabo-brokenhearted dahil sa pagiging assuming.
Oo, mahirap pigilan ang pagiging assuming dahil mahirap naman ang maging manhid sila rina naman kasalanan eh kasi nagpapakita sila ng motibo.
Pero para hindi ka masaktan o para maiwasan mo ang pagiging assumero o assumera may mga ilang tips ako.
Para sakin hindi ito laro, seryosohin mo pero masayang gawin. Simple lang naman, lahat ng bibitiwan niyang sweet messages o words ay dudugtungan mo lamang ng 'as a friend o dahil kaibigan mo ako.Halimbawa, sinabi niya na, "Ang bait mo talaga, ikaw na!" Dugtungan mo ng, "Siyempre, dahil kaibigan mo ako." Kapag sinabi niyang, "gusto kita," dugtungan mo, "as a friend." 'Yun lang, halimbaw ito pa lang kausap mo, eh, pa-fall at binigyan ka ng banat, tandaan na hindi ito applicable sa mga 'yun. Baka mamaya nagtanong siya ng, "kutsara ka ba?" tapos ang sagot mo, "dahil kaibigan mo ako" o kaya naman "crayons ka ba?" at ang sagot mo ay "as a friend." syempre ilugar mo yung pag sabi ng mga yan yung "as a friend" common sense na lang seb.
Ang sunod ay ang mag-aral, kung estudyante ka, 'di ba dapat ang focus mo ay nasa pag-aaral? Oo, naman masarap pumasok sa school kapag may awra pero minsan, nakasisira ito sa pag-aaral. Okay sana kung inspirasyon mo lang si ate o si kuya pero kung nagagawa na niyang kainin ang oras mo na dapat ay sa pag-aaral masisira ang pag aaral mo. Okay din naman yung magkaron ka ng bebe or awra basta you know how to balance dapat pantay lang yung oras mo para sa bebe mo pati rin sa pag-aaral.
Naniniwala naman ako na maaaring maging mag-bespren ang lalaki at babae dahil sa totoo lang, marami akong kaibigang lalaki kesa sa mga babae. Mas masarap kasi sila kasama. Lahat din ng pinsan kong lalaki eh kaclose ko. Anyway, by the way, highway, kung alam mong hindi mo kayang kontrolin ang ma-fall at mag-assume sa ka-opposite sex mo, please lang, huwag ka nang mag-try. Sama ka na lang dun sa alam mong hindi mahuhulog sa'yo at ganun ka rin.so, ang point ko dito 'wag kang makipag-kaibigan sa opposite sex mo kung alam mo naman na mabilis kang ma-fall o mabilis kang mag assume.
Wag na wag kang mag assume sinabi nga niyang 'wag mag-assume pero kung mag-a-assume ka rin lang, eh, i-assume mo na 'yung kabaligtaran. Kung nakita mong nakatingin siya sa iyong direksiyon, imbes na isipin mong may crush siya sa'yo, isipin mong type niya ang katabi mo. Eh, paano pala kung wala kang katabi? Isipin mo na lang banlag siya. Basta wag kang mag assume basta basta mahirap na baka mamaya may dumi ka lang sa muka kaya ka niya tinitignan maraming bagay o dahilan para tignan ka niya.
at sa lahat ng mga tips ko, ito talaga ang pinakamahalaga mong dapat gawin. Walang masama sa pagtatanong at walang namamatay sa pagtatanong. Kung mahina ang loob mo na tanungin siya kung ano ka ba para sa kanya, hindi ka na makaaalis d'yan sa sitwasyon mo. Oo, masakit ang ma-reject pero mas masakit kung maririnig mo pa ang rejection galing sa iba. Kaya ano pa ang hinihintay mo, ang paglapit ng buwan sa araw? Tanong na, bilis! Makiramdam ka kung ano ba talaga ang turing niya o sino ka sa buhay niya. Kung hindi mo kaya makiramdam, magtanong ka. Oo, may mga lalaki o babaeng nagpaparamdam talaga na gusto ka nila pero mas marami sa kanila ang ipinanganak na best actor o actress kahit na ang mukha nila ay wanted.In short, yung iba, ugali lang nila 'yun. Sabi nga, "just being nice." Lalo na sa panahon ngayon sobrang dami ng paasa at sobrang dami ng nag assume, sabi nga nila "Pwedeng kiligin pero bawal mag-assume"
O, akala mo may susunod pa? 'Wag kang assuming. Hehehe! MASASAKTAN KA BAHALA KA✌🏻️
![](https://img.wattpad.com/cover/127552498-288-k819938.jpg)