Crush

20 1 0
                                    

Naranasan mo na bang magkaron ng crush? Syempre oo diba, sino ba namang hindi nakaranas nito? Sabi nga nila, ABNORMAL KA DAW KUNG WALA KANG CRUSH.

Kung wala kang boyfriend o girlfriend, Ang crush mo yung mistulang inspiration mo.

Minsan sila yung dahilan kung bakit ka pumapasok sa school mo.

Sila din yung dahilan kung bakit konti na lang mauubos na ang buhok mo kakasuklay at yung muka mo masisira na para lang magpaganda sa kanya.

Para san ba ito? Bakit mo ginagawa yung mga yan?

PARA MAGUSTUHAN KA NILA SYEMPRE, AT MAPURI NA RIN.

Yung masabihan ka ng ganito "uy ang ganda mo naman" o di kaya "uy gumaganda ka ata ngayon at uy lalo kang paganda ng paganda"

Minsan nga kahit simpleng hi lang sayo ng crush mo halos mabugbog mo na yung mga kaibigan mo sa sobrang kilig.

Pero yang crush, yan' yung unang nararamdaman kesa sa LOVE.

Kapag may nakita kang gwapo o maganda madalas lumabas sa bibig na "Crush ko na siya"

Sa crush, hindi maiiwasan ang matuwa, kiligin at higit sa lahat ay ang masaktan ng walang kalaban laban o walang karapatan.

Kaya mahirap din umasa lalo na kung aasa ka sa isang bagay na alam mo sa sarili mong imposible talagang mangyari ito

Masaya magkacrush at the same time mahirap din.

Mahirap kasi hindi mo kontrolado yung nararamdaman mo.

Kaya minsan mas mabuti nang iwasan mong mahulog agad sa isang taong hindi ka kayang saluhin.

pero syempre meron din namang mga pangyayaring nagkakatotoo, pero sabi nga nila mas marami parin ang hindi.

Yung sinasabi ko nga kanina "crush, yan' yung unang nararamdaman kesa sa LOVE" Yung crush kasi na yan unti-unti mo siyang mamahalin hanggang sa hindi na lang siya nasa isip mo kundi nasa puso mo narin.

Mahirap talaga iwasan ang love kasi nga hindi mo kontrolado yung nararamdaman mo, kahit ayaw mong mahalin ang isang tao hindi mo parin ito mapipigilan.

Matatawag ko ang crush na new born feelings toward opposite or same sex man ito.

Bakit? Kasi habang tumatagal nag-iiba ito, maaring mawala o magpatuloy ito.

Yung Crush kasi sakin isang paghanga lang yan nagagandahan ka lang sa kanya tapos nagwagwapuhan o di' kaya may ugali siya na magustuhan mo. Uso dito yung turn on, turn off.Humahanga ka sa physical, ugali o characteristics ng isang tao.

Diba sabi ko kapag love kahit ano pa siya kahit gaano pa siya kasama hindi mag babago yung nararamdaman mo sa kanya.

Napansin niyo ba? mas marami tayong naging crush kumpara sa love.

Ilan ba ang naging Crush mo?

Ilan naman ang naging Love mo?

Mas marami ang crush sa tingin ko.

Kung ako kasi ang tatanungin. yang crush na yan panandalian lang at kadalasang ginagamit natin kapag may crush ka ay ang ating mga mata.

Relax, It's just adviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon