Pagmamahal

35 2 0
                                    


Ano nga ba ang pagmamahal?

Sa panahon natin nagyon marami ng confused sa love.

Marami narin sa panahon ngayon ay hindi alam ang salitang love.

Yung iba kasi sinasabi nilang in love daw sila kahit gusto pa lang nila.

Yung iba naman sinabi mo lang na crush mo yung isang tao sasabihin na nila mahal mo na.

Sabi nila kapag nag ka pimples ka daw may crush ka or in love ka.

Naiinis ako sa ganyan eh kasi minsan may crush ako tapos parang sasakto na magkakaron ako ng pimples kaya minsan naniniwala rin ako, Pero ang alam ko kaya tayo nag kakapimples kasi madumi yung muka natin.

LOVE – isang salita pero maraming kahulugan. Meron nagmamahal dahil sa kayamanan. Nagmamahal sa kasamaan. Nagmamahal ng napipilitan, nagmamahal sa kaibigan at may umiibig sa kaparehas na kasarian.  Umiibig sa may asawa. Umiibig sa diyos.

Pero para sakin yang love na yan nanjan na lahat eh kasi kapag mahal mo yung isang tao automatic na yun na bibigayan mo o papkitaan mo siya ng respeto, pagtitiwala, paggalang, pagpapasaya, pag-unawa, pagpapahalaga,Lahat nasa pag-ibig na.

Sobrang sarap mag-mahal.

Makita mo lang siyang nakangiti, ayos ka na.

Malaman mo lang na maayos ang kalagayan niya, okay ka na rin.

That's love. Walang hinihinging kapalit. Walang panghuhusga. Walang ibang pansariling interes.

Nasasaktan man tayo sa mga pag-ibig na nababalewala, sa mga pagmamahal na hindi naa-appreciate, masakit man, patuloy pa rin.

Patuloy pa rin tayo sa pagmamahal sa mga taong nasa paligid natin.

Kaya ikaw, kapag nasaktan ka, huwag ka pa ring titigil sa pagmamahal. Yan kasi ang purpose mo. Sabi nga sa bible, "Love your neighbor as you love yourself."

Hindi porket nasaktan ka hindi kana magma mahal. always remember na kapag nag mahal ka laging may pain dapat handa kang masaktan kahit anong mangyari.

Sabi nga nila di mo masasabi Na LOVE ang isang Bagay Kung Hindi ka nasasaktan

Ang love kasi ito yung pakiramdam na hindi natin kayang ipaliwanag.

Yung tipong walang words na makakapag explain ng love.

kahit ikaw ay malilito, lumipas na lamang ang ilang araw ay hindi mo pa rin maisip kung ano ang mga dahilan kung bakit ka nagkagusto sa isang tao kung bakit mo siya Minahal.

Ako Inaamin ko nagmahal na ako at hindi ko alam kung bakit ko naramdaman yun.

Para sakin isa sa feeling na pag gising mo na lang parang hinahanap mo yung isang tao na tuwing gabi sya lang ang iniisip mo at sa mga susunod pang mga araw.

May mga tips ako dito para malaman mo kung mahal mo na ang isang tao

Isa dito yung pakiramdam na pag nakita mo sya na papalapit sayo or kahit dumaan ay natetense ka na yung lahat na ng pagpapawisan sayo ay magpapawi

Yung pinapasma ka na sa kaba. Pag andyan sya.

Yung tipong mag-isa ka lang iniisip mo lang sya tapos bigla ka na lamang tatawa.

Nakakabaliw talaga ang love.

Ako nga natutulala na lang ako madalas kasi iniisip ko sya.

Ito rin yung moment na pag nag text sya. Kahit wala kang load agad agad kuha ng pera kahit umuulan pa yan o tirik na tirik ang araw magpapaload ka para sakanyan para makatext mo lang.

Yung moment na kapag tumingin ka lang sa isang tao akala mo sya.

Isa rin yung natatameme ka sa tuwing kausap mo siya.

Yung mas mabilis pa ang tibok ng puso sa takbo ng sasakyan.

Kapag na banggit ang pangalan niya mas masaya pa ang puso mo kaysa sa mukha mo.

Yan yung mga naranasan ko na. I'm sure some of you naranasan na yan.

Masarap ang mainlove lalo na kung in love din sayo yung taong mahal mo.

Maraming nagsasabi na mararamdaman mo raw ang love sa una niyong pagkikita o ang "Love at First sight" kung ako ang tatanungin ang aking paniniwala sa kasabihang iyan, mas naniniwala pa ako sa "Love at second sight" dahil para sa akin hindi basehan ang una niyong pagkikita para masabi na in-love ka sa isang tao. Sa second sight isa lamang patunay sa akin na itinadhana kayo sa isa't isa para muling magkita, pero hindi lahat ng tao ay magiging masaya sa second sight dahil hindi natin alam kung siya ba ay may minamahal na o nakatali na sa isang tao.

Para sakin din ang love o kapag mahal mo ang isang tao tanggap mo siya kung ano man' ang ugali niya maging positibo o negatibo man ang ugali nito.

May kulang man sa kanya o wala. At hinding hindi ka maghahanap  ng bagay na wala sa kanya kasi tanggap mosiya sa kung ano siya.

Minsan nga kahit hindi ka niya mahal pinapakita mo pa rin sa kanya na mahal mo siya.

Kasi ang love o ang pagmamahal  ay may kasamang sakripisyo.

Halimbawa Yung mahal mo ay may mahal ng iba, para maging masaya siya ipapaubaya mo siya kahit na masaktan ka pa it's s called sacrifices

Once na naramdaman na natin ito,para sayo siya na ang pinakamaganda o gwapo sa paningin mo.

Lagi mo na siyang binibida sa barkada mo o pinagtatanggol.

Wala ka ng pakialam sa sinasabi ng iba tungkol sa kanya.

Nagtanong ako sa mga kaibigan ko iba't iba ang mga sagot nila tungkol sa love.

Sabi ng isa kong kaibigan, ang love daw ay isang bagay na hindi kailanman nabibili.

Totoo naman na hindi ito nabibili kahit gaano kapa kayaman kahit ikaw ang presedente hindi mo mabibili ang pagmamahal.

Ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng bagay na bigay ng Diyos dahil kaya ka nitong baguhin na maging mabuting tao o masama. Depende kung ano ang ibig sabihin ng pagibig para sayo.






PERO BAGO MO GAWIN YAN BAGO KA MAG SABI NG MAHAL KO YUNG ISANG TAO O MAHAL MO SIYA.

SIGURADUHIN MONG NAKASABI KANA SA NANAY MO O SA TATAY MO NA MAHAL MO SILA. HINDI PURO KALANDIAN LANG AH?👿😝

Relax, It's just adviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon