Broken Hearted

69 0 0
                                    


Sa pag-ibig maraming nasasaktan, maraming umiiyak dahil maraming iniwan, niloko't pina-asa lamang.

Hindi natin sila masisisi kung bakit nagiging manhid na sila pagdating sa pag-ibig, syempre isa na dun yung takot ulit silang masaktan at mapa-asa.

Hindi natin masasabi kung kailan darating yung taong mag-mamahal satin ng tapat, yung mag-paparamdam kung ano ba yung tunay na ibig sabihin ng salitang Pag-ibig

Ginawa ko 'to para sa mga taong naiwan, nasaktan, at pina-asa ng taong minahal nila.

Sana po ay maka-tulong 'to sa mga taong Broken Hearted, at sa mga taong hindi maka-move on.

Kung may matamaan man o maka-relate man' dito smile niyo nalang.

Hindi naman mahirap mag-move on kung gusto mo madali lang naman.

Ang mahirap nga lang hindi mo siya kayang pakawalan at yung mga mahirap kalimutan.

May mga bagay talaga na mahirap kalimutan lalo na kung marami kayong pinag-samahan, yung mga panahon na lagi kayong mag-kasama, lagi kayong nag-uusap, at yung mga bagay na hindi mo inaasahan na gagawin niya para lang sa'yo.

Minsan niloloko mo na lang ang sarili mo damdamin na akala mo nasasaktan ka pa rin pero yung totoo e naalala mo lang yung paki-ramdam nung nasaktan ka.

Pareho lang din yung sa pag-aakala na mahal mo pa rin yung tao pero ang totoo naiisip mo lang yung pakiramdam mo nung panahong mahal mo pa siya.

Bakit ka magtitiis sa taong alam mong sakit lang sa ulo?

Diba? Wag mong ikulong ang sarili sa taong alam mo anytime kaya mong kumawala.

Sino ba nagsabi na hindi madaling makahanap ng kapalit? Jusq tih maraming nagmamahal sa'yo pero hindi mo lang napapansin, wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga.

Matuto kang sumuko at kung lagi kang sinasaktan, imbes na magtanong ka ng hindi ka pa ba sapat?

Bakit hindi mo nalang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabale-wala kana, tanggapin mong nagsawa na siya sa'yo.

Wag na wag kang magpadala sa salitang sorry at ayokong mawala ka.

Alam mo kase kung totoo yun, papatunayan niya naman eh.Gamitin mo ang puso mo para alagaan yung mga taong malapit at nagmamahal sa'yo wag mo gamitin sa taong walang kwenta.

Kapag usapang pag-ibig kase laging puso nalang ang ginagamit dapat kasi lagi mo rin bitbit yang utak mo para hindi ka masaktan sa huli.

Kung hindi na siya masaya sa'yo tih wag kang tanga hiwalayan mo na, walang gamot sa pagiging tanga kung di' pagkukusa.

Isang mabigat na responsibilidad ang pakikipag-relasyon, minsan kailangan mong sumuko para sa ikabubuti pero hindi naman masama na ipaglaban kung dun' ka talaga masaya.

May mga bagay na makaka-tulong para maka-recover sa pagiging broken.

Para sakin kay God, His Spirit is the greatest comforter you will ever have. Pinakabest na ituon ang pansin mo kay god sa kanya ka manghingi ng tulong itanong mo sakanya kung papaano ba.

Gamitin mo ang isip at emosyon mo para matulungan ka niya makapag-desisyon at gumawa ng mga bagay para makayanan mo bumangon ulit.

Si God parang salamin yan kung naka-ngiti ka naka-ngiti din siya. Kung malungkot ka, malungkot din siya. Pero isa lang ang hinding-hindi niya magagawa, ang talikuran ka.

Subukan mo din magconfess hindi lang kay God pati narin sa mga nagseserve sakanya, sa mga pari o madre narin.

Manghingi ka ng mga ilang bagay at guide na alam mong makakatulong sa'yo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Relax, It's just adviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon