IFILWAK 2

174 10 3
                                    

>>Apricot Peach Fruitos<<

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

>>Apricot Peach Fruitos<<


Apricot's POV

Nagising ako mula sa pagkakatulog..

*yaawwwnnn*

Tumingin ako sa paligid..

Uh-oh! Nakatulog na naman ba ko sa oras ng klase!?

Ba yan eh! Diba kadalasan sa story pag gigising, sa kwarto? Bakit ako sa classroom?

=______________=

Anu na naman bang trip to author?

(ANehla: Di ka naman babyahe eh.. Trip trip ka dyan :3)

Whatever!

Langya iniwan ako ng mga walang kwenta kong kaklase.

Oh well, wala ngang kwenta diba? So di ko sila kailangan

Nag unat-unat muna ako bago ko kinuha ang gucci double compartment handbag with sling ko at napagdesisyunang lumabas.

Sapo-sapo ang noong lumabas ako, medyo masakit kasi ang ulo ko.

@_____@

Uy! Wag kayong OA ah! Di hangover to..

Maganda lang ako pero di ako lasinggera noh!

Tinapos ko kasi yung kdramang pinapanood ko kagabi eh, yung Strong Woman Do Bong Soon?

Bida dun si Park Hyung Sik bebe ko hihi... Feeling ko tuloy naghuhugis puso ang mga mata ko ngayon ♡___♡

Kinapa ko ang Iphone 8 ko sa bulsa ng maramdamang nagvavibrate ito

>>Sibuyas calling..<<

Tamad na tamad ko naman itong sinagot

[Oii Apricot asan ka!?] Tanong este sigaw pala nito

Nilayo ko naman ang phone sa tenga ko, tae! Nabingi ako dun ah! Feeling ko tuloy nagsiurungan yung mga tutuli ko >~<

"Somewhere in the middle of nowhere" pilosopo kong sagot habang humihikab

[Tsk.. Seryoso ako babae] di ko man nakikita, alam kong nakasimangot na ito habang sinasabi ang mga katagang yan

"Mukha ba kong nagbibiro?" Naiiritang tanong ko dito. Wala ko sa mood ngayon kaya magtiis sya dyan

Sabi nga nila..

Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising

[Slight hehehe] sagot nito

Aba.. aba.. aba.. Sumagot pa talaga

Sa inis ko pinutol ko na ang tawag at nagpatuloy na sa paglalakad.

I Fell In Love With A Koreano (On-Going)Where stories live. Discover now