Simula

161K 1.8K 26
                                    

"Akala mo ba kung malalaman nyang anak ka nya tatanggapin ka nya?"

Napahinto sya sa pag lalakad dahil sa narinig nya. Tumingin sya sa babaeng 'yon at matapang syang lumapit dito.

"Bakit? Sino ba sya?" matigas na tanong nya. "Sino ba ang lalakeng sumira ng buhay mo?" dugtong nya pa.

Napangiti sya sa loob loob nya dahil sa nakita nyang nag ngingit ngit ito sa galit. Ngumiti sya dito at mabilis na inirapan. "Ni hindi mo nga mabanggit ang pangalan ng lalakeng sumira ng buhay mo."

Inirapan nya to at mabilis na tumalikod. Sa pag pasok nya sa kwarto nya ay biglang nang hina ang buong katawan nya. Dahan dahan tumulo ang luha nya dahil sa sakit. Nanginginig ang balikat nya habang walang sawa sa pag iyak.

Lumaki ng kulang sa pag mamahal, sarili nyang ina hindi sya matanggap. Mga pamilya ng ina nya hindi sya matanggap dahil isa syang anak ng kabit at isang pag kakamaling pinag sisihan ng lahat. Walang tatanggap sa kanya bukod sa mga kaibigan nyang alam ang totoong buhay nya. Kahit mga lalakeng nag tangkang manligaw sa kanya pag nalaman ang totoong buhay nya ay iiwan nalang sya bigla bigla.

She's 24 years old, her life is still miserable. Swerte nalang sya dahil may mga kaibigan syang nag mamahal sa kanya at walang sawang umaantabay sa kanya.

Sa araw araw nalang nag papanggap sya ng masaya kahit hindi naman. Umaakto sya na parang ang ganda ganda ng buhay nya kahit ang totoo naman ay hindi.

-

"Hooy, babae ka!" 

"Oh bakit lalake?" napairap ito sa kanya. "Buti nga dinadalawa ka di---"

"At kaya lang naman ikaw dadalaw dito pag di mo na kokontak si Gabriella! Wag kang ano ayan! Hirap maging option jusko!" natawa sya sa kaibigan nya dahil don.

"Bakit? Option ka parin ba ng boyfriend mo hanggang ngayon?Ano pan---"

"Tangina mo talagang babae ka!" natawa sya dito at mabilis na tumayo.  "Pag ikaw kinasal wala kang discount dito sa wedding botique ko! Mamahalan kita!"

"Hindi na ko ikakasal, Mel! Manahimik ka nalang dyan!" 

Mabilis syang lumabas ng botique na 'yon at sumakay sa kulay pula nyang kotse na galing sa dugo't at pawis nya. Sabay non ang pag vibrate ng cellphone nya at mabilis nyang sinagot ang tawag nito.

"Hi this is Ayana maganda na sexy p---"

"Ano nanaman bang kasinungalingan yan Ayana?" napahigikgik sya. "Hindi naman kita tatawagan kung wala akong importanteng sasabihin."

"Ano ba 'yon?" normal na tanong nya.

"Baklaaaaaaa! May Tv commercial ka na! Wooaaaah!"

Nanlaki ang mata nya binalita sa kanya ng manager nya! "Oh Em Gi!" 

"Kaya tara na dito baklaaaaaa! Dahil pipirma ka ng konrata!"

Mabilis nyang pinaadar ang kanyang kotse papunta sa Agency nila! Hindi nya matantya kung gaano sya kasaya ngayong araw! Unti unti na nya nababayaran ang bahay na tinitirahan ngayon nilang mag ina! Dahil wala naman tumutulong sa kanila kundi sya lang. Dahil nong nag aaral sya ay sinasabay nya ang pag tra trabaho nya para lang makapag tapos sya. At wala pa silang matirahan ng maayos dahil kada tatlong buwan ay pinaalis sila sa inuupahan nila at ang kanyang mommy naman ay sa kanya binubunton lahat ng galit.

Kahit ganon sa kanya ang mommy nya ay mahal na mahal nya 'to. Naawa din sya dito dahil sa ginawa ng sarili nitong magulang sa kanya. Pinalayas ito at wala man mapuntahan pero pinili parin nitong buhayin sya. Hinding hindi sya papayag na mag hirap ang mommy nya. Kahit di sila nag kakasundo, masaya sya dahil may mommy pa sya.

The Hot Possessive Lawyer (Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon