Four

59K 1.1K 23
                                    

"Where are you going? Dinner date?" 

Pinasadahan sya ng tingin ng kanyang mommy mula ulo hanggang papa. Suot suot nya ay isang Blue plain dress na hanggang tuhod na at isang 3 inches white heels, inayos nya ang mini should bag nya na kulay puti.  

"Susunduin ka ba dito?" tanong pa nito.

"No." mabilis na sagot nya.

"Why? Are you afraid?" tinaasan nya ng kilay ang mommy nya.

"This is not dinner date and i don't have a date. At wag mong sirain ang gabi ko, pakiusap lang." madiin na sabi nya.

"Tanga ba ko? Sino kasama mo? Kaibigan mo na hindi pa alam ang tunay mong buhay? Bakit di ka na nakikipag date?" tumawa pa ito sa kanya. "Takot ka bang iwanan ulit dahil lang sa katotohanan?"

Akmang lalagpasan nya to pero agad nito hinawakan ang kanyang braso. "Hindi ka magiging masaya tulad ko, Ayana. Tadaan mo 'yan."

Unti unti na syang lumambot at tumulo ang luha nya. Tuloy tuloy ang pag agos ng luha nya dahil sa sinasabi nito. Alam na alam nya 'yun, alam na alam nya na sya ang sumira sa buhay ng mommy nya. Kaya wala syang dapat karapatan sagutin ko, kahit nag mamatapang sya sa harapan nito para lang ipakita dito na wala syang pakielam.

"W-why you always blaming me of this shit?" she asked. "W-why?" tumingin sya dito at unti unting lumuwag ang hawak nito. "A-alam ko naman dahil araw araw mo sakin sinasabi 'to." pinunasan nya ang luha nya. "I-i have to go."

Mabilis syang tumakbo palabas at pumasok sa kotse nya. Don nya inayos ang sarili nya, inalis nya ang bakas ng pag iyak nya bago nya paandarin ang kotse nya. Medyo namumula pa ang mata nya pero di na n'ya 'yon pinansin dahil wala naman sigurong makakapansin non.

Bumaba sya sa Agency nila at pumasok sa loob. Inayos nya ang hanggang balikat nyang buhok at nag lagay pa sya ng liptint sa labi nya. Maya maya lang ay narinig nya na ang pag bukas ng opisina ni Julia at tumingin sya sa salamin and she saw him. Magulo ang buhok nito habang naka suot ng isang white tshirt na pinatungan ng black leather jacket at black pants. Tumayo na sya at humarap dito. At sabay non ay pag bilis ng tibok ng puso nya.

Kahit sa simpleng suot nito ay kaya nitong panlambutin ang tuhod nya. Hindi n'ya maiwasan mang hina sa harapan nito.

"Let's go." she said coldly.

Pinag buksan sya nito ng pinto ng Office at sumunod ito sa kanya. Hanggang sa pag labas ay nakasunod ito sa kanya. Hinanap nya ang cellphone nya at kinuha n'ya to. Bumungad nanaman sa kanya ang Unknown number na kanina pa nag tetext sa kanya.

"Baby, are you ready?"

"Baby, text me if you are ready."

Kumunot ang noo nya. Baby? Tumingin sya kay David na pinailaw na ang black Lexus car nito at pinag buksan sya nito muli. Pumasok sya sa front seat at nakita nya naman na umikot ito papunta sa driver seat.

Hindi nya to tinignan ko pinansin. Nag seatbelt sya ng maayos at patuloy parin ang tingin nya sa cellphone nya. Umandar na ang sasakyan pero sa cellphone parin n'ya sya nakatingin.

"Wala ka bang na rereceive?"

"Receive na ano?" Sagot nya habang sa cellphone nya parin sya nakatingin. 

"Na text? DI mo ba na rereceive ang text ko?" 

Napahinto sya at tumingin dito. "Yung baby?" she asked.

"Yes." umangat ang gilid ng labi nito.

"Sorry, hindi kasi ako nag rereply kung number lang o di ko kilala." she said truely. "Saka di naman importante ang text mo."

The Hot Possessive Lawyer (Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon