Hindi sya maayos na nakatulog ng gabing 'yun dahil sa takot at kaba na dala dala nya. Kahit anong pwestong gawin n'ya ay patuloy na pumapasok sa isip nya ang pwedeng mang yare kagabi.
Walang humpay ang pag tulo ng luha n'ya, halos kalahating oras syang umiyak sa dibdib nito. Hindi n'ya nga matandaan kung pano sya nakapasok sa bahay nila pero nang makapasok sya nakita nya ang mommy nya na nag hihintay sa kanya.
Nanginig nanaman ang kanyang buong katawan, pano kung natuloy pala ni David ang pag hinto sa harapan ng bahay nila? Edi napahiya nanaman sya, hindi lang kay David kundi sa mga kapit bahay ulit. Tulad ng ginawa n'ya kay Fran.
"Bakit ba di mo gustong ihatid kita sa inyo?"
"W-wala! Basta hanggang dito nalang ako!"
Mabilis syang bumaba ng kotse ni Fran at hindi na ito muli nilingon pero mas nagulat sya ng mauna ito sa kanya at huminto sa harapan ng bahay nila. Puno ng kaba at takot ang dibdib nya ng bigla itong bumaba sa kotse at tumakbo sya.
"F-fran! N-NO!" Mabilis na sabi nya.
"What? I just want to meet your parents."
"F-fran." nanginginig na sabi nya. "W-wag please." tumulo na ang luha nya at maya maya lang ay tumunog na ang pinto ng bahay nila at tuluyan ng bumuhos ang luha nya.
"Oh? Yung anak ng kabet ang uwi ng lalake? Diba boyfriend yan ng bestfriend mo?"
Hindi sya makatingin sa mommy nya. Kahit na wala na si Fran ang bestfriend n'ya ay nandon parin ang guilt sa kanya. Hindi n'ya kayang iwan si Fran dahil mahal n'ya 'to. Walang alam si Fran sa totoong buhay n'ya dahil sa takot n'ya din.
"Oh? Tumutulad ka din sakin?" dahan dahan syang tumingin sa mommy nya.
Nakilala na n'ya ang pamilya ni Fran pero hinusgahan lang sya. Naramdaman nya ang naramdaman ng bestfriend nya kung pano husgahan ito habang nakaharap si Fran. Pero si Fran walang magawa, gusto nya tong iwan pero di n'ya kaya.
"M-Mommy."
"Alam mo ba Ijo? Pag pinag patuloy mo pa ang relasyon sa kan'ya? Masisira lang ang pangalan ng pamilya mo. Anak s'ya ng kabet at walang gugustuhin pumatol dito dahil katulad ko lang to na malandi."
Tumingin sya kay Fran na parang nandidiri sa kanya. "F-fran, wag kang maniwala sa kanya."
"A-anak ka ng kabit?" di ito makapaniwala sa kanya. "K-kaya ba ayaw mong makilala ko ang mommy mo?"
"Isa syang bastarda. At di sya gusto ng pamilya mo, sikat pa naman ang pamilya mo dito sa bansa? Pano nalang pag nalaman nila na pumatok ka sa isang anak ng kabet? Diba kahiya hiya."
Hinawakan nya ang kamay ni Fran at nanalangin na sana wag syang maniwala, Na sana piliin sya nito at di isipin ang mga bagay na nalaman n'ya. Pero nawasak ang puso nya ng biglang hinila ni Fran ang kamay nito at sabay non at pag lakas ng tulo mismo ang luha nya.
"I have to go."
Alam nyang pag alis ni Fran ay tapos na sila. Nanginginig ang balikat nyang tumingin sa mommy nya. "W-why?"
"Diba sabi ko sa'yo? Di kita hahayaan na maging masaya? Sa'yo ko ipaparamdam lahat ng sakit na pinaramdam sakin ng hayop mong ama."
Halos hindi sya lumabas ng bahay non dahil sa sakit. Hnahanap n'ya ang bestfriend nyang si Gabriella pero kasalanan n'ya pala. Kasalanan nya kung bakit s';ya nawalan ng kaibigan at 'yon ang pinag sisihan nya buong buhay nya.
Napatingin sya sa mga kapit bahay nila na mahihinang nag bubulungan.
Tumunog ang cellphone nya sa gilid at nakita nya ang Unknown number, mabilis n'ya to binuksan. "GoodMorning. Are you okay? I will fect you later."