One

103K 1.5K 27
                                    

"Hi, I'm David Aragon but you can call me baby."

 "TANGNA, GAGO KA BA? DAVID PANGALAN MO TAPOS GUSTO MONG TAWAGAN KITANG BABY? DAMULAG KA BANG HAYOP KA?"

Napairap sya ng mabilis dito at dinalaan nya to. Nakita nya kung gaanoo namula ang lalake sa ginawa nya kaya naman natawa sya. Hindi lang sya ang natawa kundi ang bestfriend nyang si Gabriella at yung Mj! 

Lihim syang napairap ng naalala nyang tinawag ng babaeng yun na Gabby ang bestfriend nya! Psh! Pero di nya rin maiwasan mainggit dito dahil alam nyang eto ang kasama ni Gab. Nakasama to ng Gab dito at kung di sana sya nagloko edi sana sila mag kasama ni Gab sa lahat. Di nya maiwasan masaktan ng sobra.

Sobrang pinag sisihan nya ang ginawa n'ya noon at sa pag suko ng bataan nya sa boyfriend ng bestfriend nya. Nagulo lahat, dahil sa kanya. Nasaktan sya ng sobra, dahil sinaktan nya ang bestfriend nya. 

Tapos di nya inaakala na mabilis lang syang napatawad ni Gab sa lahat ng ginawa nya. Wala syang kwenta, hindi nya deserve sumaya.Dahil ang tulad nya dapat nasusunog sa impyerno. Isa syang babaeng mababa ang lipad na walang nag mamahal.

Sobrang nag seselos sya sa kaibigan nya. Silang dalawa lang talaga ni Kyla ang kakaiba, ni hindi man mahalin ng sariling pamilya. Tapos ayaw din sa kanya ng mama ni Gab dahil nya isa syang anak sa labas.

Nang gabing yun sobrang nag aalala sya sa kaibigan nya. Hinatid nila ito sa isang exclusive village kung san nakatira ang Alvarez, hindi sila mag kamayaw nila Mel at sobrang nag aalala sila.

"You think guys? How is she?" Mel asked.

"Let's just pray." Kyla said.

Ganon ang ginawa nila. Mag kakasama silang tatlo na sumalubong ng pasko. Dahil  ang pamilya ni Mel ay nasa ibang bansa at sila naman ni Kyla at ginagawa talaga nila ito mag kasama. Pareho silang anak sa labas at di kilala ang tunay na magulang, pareho silang nag papanggap ng masaya kahit hindi naman. Nakita nya kung paano ito pag tabuyan ng magulang nya kung paano ito sabihin ng kung ano anong salita. 

Mahinang tao ang kaibigan nya hindi tulad nya na kayang tumayo sa sariling paa. Kaya nyang labanan ang mommy nya sa lahat ng bagay pero iba si Kyla. She's weak and scared.

Nang umalis si Gabriella ay nag bago ang buhay nila, hindi nya kinakausap ang asawa nito dahil masama ang loob nya dito. Nalaman nilang lahat na anak din sa labas ang kaibigan nila pero swerte parin to dahil may nag mamahal sa kanila at tumatanggap.

Dalawang taon nawala si Gabriella at di sya makapaniwala na may anak ito. Pero walang pinag sisihan si Gabriella sa lahat ng desisyon, infact sobrang saya nito ng mag kita sila. Pero sa pag kikita nila ay parang gusto nyang sapakin yung Ariel na yon! Isa pa yun sa nag papainit ng dugo nya na kung makakapit sa bestfriend nya ay wagas!

"Chance." 

"Hi!" masayang bati sa kanya ni Chance.

Ngayon ang kasal ng kaibigan nyang si Gabriella at nagulat sya na kapatid pala ni Gabriella si Chance. Chance is her friend, pero di naman sila madalas na nag kakausap nito. Basta nakilala nya lang ito sa isang Bar at niligtas sya sa masamang tao.

"Hello." nahihiyang bati nya.

Tumawa ito ng mahina sa kanya. "How's your life? Nag tra trabaho ka pa don?" umiling sya dito.

"Actually nag momodel ako sa isang Agency." sagot nya dito.

"Really? That's good! Saka sayang ganda mo." 

Nag init ang pisnge nya dahil sa sinabi nito sa kanya. Umiwas sya ng tingin dito. Chance is hot! Fuck! At the age of 28 ang alam nya wala pa itong  girlfriend at talagang pinag nanasahan ng lahat kasama sya. Huminga sya ng malalim at akmang aalis don pero agad muli itong nag salita.

The Hot Possessive Lawyer (Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon