"Hi. Ako si Donna," nakangiting sabi sa akin ng babaeng nasa labas ng gate. Pinagbuksan ko siya. "Ikaw 'yong bagong yaya ni Terence?" Tumango ako. "Tawagin mo na lang akong Ate Donna tutal halata namang mas matanda ako sa'yo."
Pumasok na siya at sinimulan nang turuan ako sa mga kailangan kong gawin. Sa paglalaba, uniform lang ni Terence ang iha-handwash. Iyong iba, washing machine na. Tinuruan niya ako kung paano gamitin iyon. Hindi naman raw masilan si Sir, kaya iilan lang din ang kailangang plantsahin. Kailangan lang din na palaging malinis ang bahay lalo na ang kwarto at ang CR.
Tungkol naman sa pagluluto, binigyan niya ako ng journal. Sa mga unang pahina nito nakalagay ang menu o ang mga lulutuin ko sa loob ng unang linggo ko dito. Sa susunod daw na linggo ay ako na ang gagawa ng sarili kong menu. Kinabahan ako. Lahat ng nasa menu, hindi ko alam lutuin. Pangmayamang luto. Diyos ko!
Tumawag siya sa shop at maya maya ay dumating si Kuya Yong. Siya muna ang maiiwan kay Terence habang nasa labas kami ni Ate Donna.
Inabutan niya ako ng ilang libong pera at sinamahan ako sa palengke. Itinuro niya sa akin ang mga suki niya kung saan din ako mamimili. Ako raw ang mag-ba-budget ng perang iyon para magkasya sa isang linggo. Dapat mabili ko ang lahat ng kailangan sa pagluluto.
Sa dami ng pinamili namin, kinailangan naming sumakay ng tricycle kahit walking distance lang naman mula sa bahay papunta sa palengke at pabalik.
Pagkatapos niyang maituro sa'kin ang mga kailangan kung malaman, nagpaalam na siyang babalik sa shop.
Na-stress ako bigla. Binuksan ko ang journal. Nakalagay roon menudo para sa tanghalian. Napakamot ako sa ulo. Tumawag ako sa shop para kausapin si Ate Donna.
"Ah, hindi ka marunong ng menudo?"sabi niya.
"Lahat!" sagot ko. Natawa siya. "Ah sige, sabihin ko kay Kuya Ken na bigyan niya ako ng day off para maturuan kita. Sa ngayon, bigyan muna kita ng instructions. Mukha ka namang matalino kaya alam kong mabilis mo ring makukuha."
At ibinigay niya nga ang procedure ng pagluluto ng menudo. Sa sobrang kaba ko, hindi pumasok sa utak ko ang mga sinabi niya. Ilan lang ang natandaan ko.
Napalingon ako ng makarinig ako ng maliliit na yabag mula sa hagdan. Gising na ang alaga ko.
Kaagad ko siyang nilapitan at binati ng good morning. "I'm hungry!" sabi niya sa'kin. Sa tono ng boses niya, mukhang hindi ata maganda ang gising.
"Ah, sige, halika!" Inalalayan ko siya pababa. "Ipinagluto na kita ng almusal. Ano ba'ng gusto mong inumin, gatas?"
Napalunok ako sa sama ng tingin niya sa'kin. "Speak english, I don't understand you!"
Napakamot ako sa ulo. Mapapasubo ako nito. Siguradong mapapahalungkat ako sa nakabaul na mga ingles ko. Mauubusan ako nito.
"I thought you understand tagalog?" Buti na lang at English ang favorite subject ko no'ng high school. Haha. Ngiting tagumpay!
"A little only," sagot niya sa'kin.
Tumango ako. "Ok..." Naisip ko rin na magandang pagkakataon 'to. Habang nagtatrabaho ako, mapapraktis ang English ko. "What do you want to drink, you want milk?"
Umiling siya. "Eh, ano'ng gusto mo?" Umiling ulit siya.
Hinainan ko siya ng kanin at ulam, at nagsimula na siyang kumain.
Pumanhik ako at tinawagan ko si Sir Ken sa shop. Swerte namang siya kaagad ang sumagot. "Oh, Inday bakit?"
"Sir, ano po ba ang iniinom ni Terence sa almusal?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
INDAY DIARIES
RomanceLynette's heart gets confused with her boss's actions. Is he flirting with her?