Chapter 04

2.5K 37 0
                                    

Linggo. Paglabas ko ng pinto ng kwartong tinutulugan ko, saktong kalalabas lang din ni Miss Irene na halatang bagong gising.

Iniabot niya sa 'kin ang perang budget sa loob ng isang linggo uli. Ito ang unang beses na mamamalengke akong mag-isa.

Actually, ang budget na ibinibigay  sa 'min ng mga amo ko ay para lang talaga sa aming mga nagtatrabaho sa kanilakasi minsan lang naman kumain sina Miss Irene at Sir ng mga luto ko. Madalas sila nagpapabili sa labas o nagpapa-take out. Pansin kong mahilig sila sa instant at hindi sila mahilig sa gulay. Karne lang at isda ang madalas nilang ipaluto sa 'kin. Madalas pang prito.

Naghilamos ako at nagtoothbrush, nagbihis at nagsuklay. At saka, nagtungo na sa palengke na sabi ko nga ay walking distance lang. Pinuntahan ko ang suki dati ni Ate Donna at ng huli nilang katulong. Ibinigay ko ang listahan sa kanila at hinintay na makuha nila ang lahat.

Napansin ko na panay ang tingin sa akin ng isa sa mga boy roon. Binigyan ko siya ng masungit na irap. Napangiti ito.

"Ano'ng pangalan mo?" tanong niya sa 'kin. Hindi ko siya pinansin.

"Hoy Alex, tigilan mo si Nene. Magtrabaho ka riyan!" bara sa kanya ng matandang babaeng may-ari ng pwesto. Napakamot sa ulo ang lalaki. Mukhang bata pa. Sa tingin ko ay mas bata sa 'kin. Nakakailang ang mga tingin niya. Buti nalang at naibigay na sa 'kin lahat ng nasa listahan at umuwi na 'ko. Nailagay ko na sa ref ang ibang mga gulay na pwedeng magtagal kagaya ng repolyo at carrots. Kapag maisipan naming maggulay ng iba, malapit lang naman ang palengke. Nailagay ko na rin sa kabinet ang mga de bote at de latang gamit sa pagluluto. Naitabi ko na rin ang mga rekado.

Umalis ako ulit at pumunta naman ako sa meat shop na siyang suki naman ni Miss Irene. Puro mga lalaki ang tendero roon hanggang sa kahero. Binati pa nila ako. Ngumiti lang ako.

"Di ba ikaw 'yong bagong katulong ni Miss Irene?" tanong sa akin ng isa sa mga tinderong nagtatadtad ng karne.

"Opo," sagot ko.

"Mabuti naman nakakuha na sila ng magandang katulong," sabi naman ng isa.

Mukhang mga presko. Nagtawanan sila. Napaismid na lang ako. Promdi ako pero hindi ito madaling mabola!

Inilagay nila sa harap ko ang limang plastik na malalaki na may lamang karneng baboy at baka na tinadtad depende sa kung paano ko iyon lulutuin, kasama na ang ilang piraso ng buong manok. Walong kilo din ang dala ko. Mabigat syempre. Buti na lang at may mga tricycle na dumadaan kaya mabilis akong nakasakay.

Pagdating ko sa bahay ay kaagad ko iyong inilagay sa freezer. Umagang umaga, banat na banat ang mga buto ko.

Umalis si Miss Irene. Ang dinig ko bukas na raw ito babalik. Si Sir Ken ulit ang magpupunta sa shop.

Hindi naman naging pasaway nang araw na 'yon si Terence. Okay na siya sa paglalaro sa kanyang Xbox na nasa kwarto ko at sa panunuod ng cartoons.

Kinagabihan pag-uwi nina Sir, may mga kasama siya. Mga tatlo. Mga lalaking yayamanin din ang itsura, at mga gwapo ring katulad niya. Narinig ko tinawag siyang kuya ng isa. Si Troy iyon, nag-iisa at nakababata niyang kapatid. May bitbit itong maliit na asong mabalahibo. Ang cute ng aso kasi naka-ponytail pa. Kahol ito ng kahol nang ilagay ni Sir Troy sa sahig.

Hindi magkamukha si Sir Ken at si Troy. Gwapo rin naman si Sir Troy pero magkaiba ang features ng kanilang mga mukha. Mukha silang hindi magkapatid. Maliit din si Sir Triy, hindi kagaya ni Sir Ken na matangkad.

May dala silang alak at may dala ring pagkain at pulutan.

"Wala ka na bang gagawin?" tanong sa 'kin ni Sir Ken.

INDAY DIARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon