Isang gabi ay kinausap ako ni Miss Irene. Maiiwan daw muna sa 'kin si Terence kasi may pupuntahan silang party ni Sir Ken. Baka madaling araw na raw sila makauwi.Naabutan ko pang inaayos ni Miss Irene ang bowtie ni Sir Ken nang tawagin niya ako para umakyat sa kwarto.
Para silang mga celebrity sa bihis at ayos nilang dalawa. Sobrang ganda at sobrang gwapo. Lakas talaga ng chemistry ng mga amo ko. Para silang loveteam sa TV.
"Ikaw na ang bahala kay Terence ha? Hanggang nine lang siya pwedeng manuod ng TV. At 'wag mong kakalimutang painumin siya ng gatas," bilin sa 'kin ni Miss Irene.
"Opo Miss Irene," sagot ko.
Nauna na siyang bumaba. Naiwan si Sir sa kwarto dahil nag-spray pa ng pabango. Napaka-masculine ng amoy ng perfume niya. "Ano, pogi na ba?" pinataas baba pa niya ang parehong kilay habang nakangiti sa 'kin.
"Poging pogi Sir!" sagot ko. "'Wag po kayong lalayo kay Miss Irene at baka paglingon niya kinuha ka na ng ibang chicks."
Tumawa siya. Ang pogi lalo ni Sir pag nakangiti. "Alam ko!" sabi niya. Medyo may pagkamayabang nga lang. Pero okay lang, may ipagyayabang naman.
"Ken, tara na!" tawag ni Miss Irene kay Sir. At bumaba na ito.
Busy sa panunuod si Terence no'n. Bumaba ako para ipagtimpla siya ng gatas dahil tapos na man na siyang maghapunan. Pagpasok ko sa kwarto, nakahiga na siya.
Nakalatag lang ang makapal na foam sa sahig. Habang nakahiga siya sa foam, ako naman naglatag lang ng kumot sa sahig at doon ako humiga. Hihintayin ko siyang makatulog.
"Are you afraid?" biglang tanong niya sa'kin.
"Why?" sabi ko. Bakit niya ba natanong 'yon?
"Because we're alone here!" mabilis niyang sagot. "Don't worry, I'll protect you!" Aw, parang natunaw ang puso ko sa sinabi ng alaga ko.
"Really?" sabi ko. "Why?"
"Because I love you!"
Maiiyak na yata ako sa ka-sweet-an ni Terence. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "I love you too, Terence. Sleep ka na!" sabi ko.
"Okay, but can you sleep beside me?"
"No, I can't," sabi ko. "I should not be sleeping in your bed. It's your Mom and Dad's bed, and yours too."
"But I can share with you! Please, please Yaya, sleep beside me," pakiusap niya sa, 'kin.
"Hmp, sige na nga! Mapilit ka, e!" Ngumiti siya at niyakap ako. Pinatay ko na ang TV at tinabihan siya sa pagtulog. Nang makatulog na siya, bumalik ako sa lapag at doon nahiga. Sobrang lamig ng aircon kaya kumuha ako ng jacket at kumot sa kwarto ko. Pero hindi pa rin sapat 'yon. Nanginginig na ako sa lamig, pero 'di ko siya dapat iwan sa kwarto nang mag-isa. Ang lakas kasi nila gumamit ng aircon, tapos kumot naman ng kumot ng makapal!
Nakatulog din ako. Tapos nagising ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Madaling araw na. Mabilis akong bumangon dahil sina Sir na 'yon.
"Salamat," sabi ni Miss Irene sa 'kin. "Sige na, lumipat ka na sa kwarto mo."
Bumalik na nga ako sa kwarto at doon na ipinagpatuloy ang pagtulog ko. Oksy na 'yong isang oras na maiiidlip ko pa hanggang alas singko. Kailangan ko kasing bumangon nang maaga at mamalengke pa 'ko.
"Hi Lynette!" Binati ako ng isang lalaki sa kabilang bahay. Mukha naman siyang mabait at 'di naman nakakabastos ang pagbati niya kaya nag-hi rin ako sa kanya at ngumiti. "Kuya ako ni Giselle. Kadarating ko lang kagabi."
BINABASA MO ANG
INDAY DIARIES
RomanceLynette's heart gets confused with her boss's actions. Is he flirting with her?