Chapter 6- Worst day

197 5 0
                                    

Bumalik sila sa kanilang dorm at nagsipuntahan sa sala at binagsak ang kanilang mga sarili sa malambot nilang mga upuan.

Matamlay na parang naiinis sila lahat.

"It's the worst day ever..." Huminga ng malalim si Amber habang minamasahe ang kanyang ulo.

"Ay trulalu yan unnie! Nakakainis, tsk." Sabi naman ni Luna.

"Tsk, isa-isa nga natin ikwento mga nangyare satin. Ikaw mauna Amber." Sabi ni Victoria eomma na galing kusina na may dalang juice at mga baso.

"Nung bago ko kayo sunduin, hindi ko nakita na naka pula pala yung stoplight. Ayun nabangga yung baby ko sa isang kotse. Sabi nung lalake na nakabangga babayaran niya nalang daw. Eh kaso nainis na ko nun kaya umalis na ko. Pasalamat siya di pa nabawasan pera niya." Kwento ni Amber.

"Tas ngayon papa-ayos ko pa yung kotse ko." Binalibag ni Amber yung cushion na hawak hawak niya.

"A-ako naman, kaya nabasa tong damit ko. Natapunan ako nung lalake na may rainbowed hair. Tas pinunas punasan niya damit ko eh sa dibdib ko na yun eh, ayun nasampal ko tas umalis na ko." Sumipsip ulit si Krystal sa bubble tea niya na kahit ubos na pinapagpilit na meron parin.

Bigla naman hinablot ni Sulli yung bubble tea niya.

"Oy! Bakit mo kinuha yan??" Ani ni Krystal.

"Kita mo na ngang wala ng laman sipsip ka parin ng sipsip? Para kang aso na simot ng simot!" Belat ni Sulli sa kanyang kababata.

Sumibangot nalang si Stal habang tinatapon ni Sulli yung bubble tea cup ng maknae.

"Mmm, yung sakin...may napag-bintangan lang ako na magnanakaw, pero basta nakakainis siya." Kwento naman ni Luna habang umiinom ng juice.

"Tsk, mas malala sakin, binagsak ba naman ako sa basang damuhan, at iwanan.. Kaya eto madumi na yung jogging pants tas masakit pa pwet ko." Sibangot ng kanilang Victoria eomma.

"Wuuhh, mas lalong malala naman yung sakin! TAPUNAN BA NAMAN AKO NG PAGKAIN NG IBON SA BUHOK KO AYON NATUKA AKO! Aishh." Inis ni Sulli habang kinukuha niya pa yung isang seed sa buhok niya.

Bumugtong hininga silang lahat.

"Sayang, gwapo sana." Ani nilang lahat.

Bigla naman silang nagsitinginan dahil magkaparehas sila ng sinabi.

Nagtawanan na lamang ang mga dalaga at patuloy na uminom.

Ng juice.

"Unnie, diba may pasok tayo bukas?" Tanong ni Luna kay Amber.

"Mmm oo, pati din sa SM."

Kutob ko may magaganap bukas. Isip ni Luna.

F(X) Meets The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon