Chapter 2

2K 50 4
                                    

"Hoy, Skye. Mukhang bad trip ka ngayon araw." Pati pa naman ang pagkabad trip ay napansin ni Felix.

"Sa totoo lang noong Sabado pa ako bad trip." Naka-cross arms lang ako habang nakaupo kami rito sa canteen. Break namin ni Felix at tamang tama sabay ang break time namin.

"Bakit naman? Share mo sa akin." Sabi niya habang nilalabas ang dala niyang baon. Ito lang ang mayaman na ayaw gumastos.

For your information, multi billionaire si tito Zach. My God!

"Kinausap ako ni dad noong Sabado na gusto nila ni mama na doon na muna ako sa Canada." Kwento ko sa kaibigan ko.

"Huh? Iiwanan mo na ako rito sa states?"

"Of course not! Sa tingin mo ba papayag ako na doon ako sa Canada?"

"No, because of Luke. Hindi mo maiwanan si Luke rito baka maging sila ni Star."

"Shut up! Don't ever mention that name again!" Pasigaw ko kaya yung ibang estudyante ay napatingin sa amin.

"Sorry." Tuloy na siya sa pagkain. Umiling na lang ako.

"Kailan kaya ako mapapansin ng kapatid mo, 'no?"

"Sa panaginip pwede ka pa niya mapansin." Tumingin ito ng seryoso. "Kaya Skye, gumising ka na sa katotohanan."

"No. Never. At saka hindi naman ako pangit para hindi ako mapapansin ng kapatid mo."

"Paalala ko lang sayo napapansin ka ni Luke pero sa ibang paraan. He treated you like his sister." Napapatawang saad nito. Sumimangot ako noong pinagtawanan ako. Kaibigan ko ba talaga ito?

"Yun na nga, eh. Gusto ko more than a sister. At saka hindi naman ako humihiling na bigyan ako ng kapatid. Nandiyan naman si Gavin."

"Si Gavin na crush ni Beryl." Nililigpit na niya ang kanyang baonan.

Tama yun. May gusto ang kapatid niyang si Beryl kay Gavin. Kung hindi ko lang kapatid si Gavin baka pinagpapantasya ko na rin siya. Mabait, gentleman, gwapo kagaya ni daddy. Kaya nga sabi ko sa sarili ko kung makahanap ako ng lalaki yung katulad ni dad pero noong nakilala ko si Luke ay nagbago ang lahat.

Si Luke kasi yung tipong mabait pero bad boy ang dating. Kaya lang torpe.

I rolled my eyes noong makita ko ang magaling kong kapatid. Sira na nga ang araw ko lalo pang nasira.

"What's wrong, Skye?" Takang tanong nitong kaibigan ko. Tinuro ko kung bakit naiinis ako bigla. Lumingon ito sa likuran niya. "Kaya naman pala."

Sikat dito si Star. Psh. Ano naman kung sikat siya? Kaya ayan ang daming lalaking nagpapatayan para lang makuha si Star.

Basta ako isa lang ang gusto kong makuha. Si Lucas Terence Jackson.

"Nga pala, Skye narinig kong sinabi ni Luke kay mama ang tungkol rito." Sabi ni Felix habang naglalakad kami sa hallway.

"Ano naman yun? Ako na yung mahal ni Luke?"

"Sabi ko nga sayo sa panaginip mo lang mangyayari iyan." Yung ngiti ko kanina ay biglang nawala noong humirit ito. Bwesit.

"Alam mo panira ka talaga ng araw. Kahit konting suporta lang sana. Hindi ko alam kung paano kita naging kaibigan. Pero ano ba yung sinabi ng kapatid mo kay tita Alex?"

"Magtatapat na daw si Luke kay Star." Sabi ni Felix. Napahinto ako sa paglalakad. Tumingin siya sa akin sabay kamot sa ulo. "Dapat hindi ko sinabi sayo. Alam ko kung gaano ka patay na patay kay Luke, Skye. Mahal kita kaya ayaw kitang makitang nasasaktan."

Hindi na ako sumagot kay Felix pa dahil tumakbo na ako papuntang garden. Naririnig ko pa nga ang pagtawag sa akin ni Felix.

Ang sakit.

Wala na bang pagasa?

Bakit kasi si Star pa?

Alam ko naman wala akong panalo sa kapatid ko. Sikat siya sa campus. Mabait, maganda, matalino. Mukhang na sa kanya na ang lahat na ugali na hinahanap ng mga lalaki. Kabaliktaran ako ni Star kaya walang lalaking nagkakagusto sa akin.

May mga lalaki ngang lumalapit sa akin pero may ibibigay para kay Star dahil nahihiya silang lumapit kay Star. Tutal kapatid ko daw si Star kaya ako inuutusan.

For your information, hindi ako utusan!

Nakita ko si Star naglalakad sa garden. Pero ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Wag sana ngayon. Wag sana ngayon magtapat si Luke sa kanya dahil ang sakit.

Sinundan ko si Star at nagtago sa isang malaking puno rito sa garden. Bwesit. Nandito rin si Luke.

Lucas' POV

Ngayon na ako magtatapat kay Star. Alam na rin ni mama ang tungkol rito at hindi naman tutol sa pagkakaroon ko ng crush kay Star na anak nila tito Greg at ninang Yza. Alam kong sa edad kong ito ay crush pa rin. Hindi ka na teenager, Lucas para sa crush crush na iyan.

Naghihintay ako sa school's garden kay Star dahil ngayon na ako magtatapat sa kanya. Ang alam lang niya na may ibibigay ako sa kanya pero ang totoo ay magtatapat ako.

"Hi, Luke." Shit. She's here. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.

"Hi, Star." Kailangan maging kalma sana hindi umurong ang dila ko.

"Ano pala yung ibibigay mo sa akin?"

"Bago ko ibigay sayo may gusto sana akong ipagtapat sayo, Star." Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako.

"Ano yun?"

"Gusto kita, Star. No, I mean I love you. Oo, matagal na kitang mahal." Nilakasan ko na lang ang loob ko. Tumingin ako sa kanya pero nakangiti lang siya sa akin.

"Sorry, Luke. Matagal ko ng alam na may gusto ka sa akin pero hindi ko maibabalik sayo ang pagmamahal mo sa akin."

Ouch. Rejected.

"Bakit naman?"

"Ayaw ko kasing makitang malungkot ang kapatid ko. Dapat hindi sa akin manggaling ito pero alam kong may gusto sayo si Skye."

Si Skye? May gusto sa akin? Paano? Kailan?

Shit. Ang tanga ko. Tama si papa na may masasaktan kung magtapat ako kay Star. At si Skye yun.

Bakit hindi ko napansin agad na may gusto sa akin si Skye?

"Sorry, Luke pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo."

"A-Ayos lang." Ngumiti ako pero nasasaktan pa rin ako sa nangyari. Tumalikod na ako pero laking gulat ko noong makita ko si Skye. Alam niya? Nakita ko rin siyang tumakbo palayo sa amin.

Narinig niya.

Nasaktan ko siya.

"Ang balita ko rin may balak sila dad na ipadala si Skye sa Canada pero tumanggi ang kapatid ko." Napabilog ako sa sinabi ni Star. Humarap ako sa kanya.

"Tell me, hindi magbabago ang isip niya, diba?"

"I don't know, Luke. Hindi ko naman hawak ang isip ni Skye."

Shit. Sana hindi magbago ang isip ni Skye. Pero kailangan ko rin humingi ng tawad sa kanya. Hindi ko naisip na siya pala ang nasasaktan ko.

Alam ko rin naman sobrang laki ang agwat ng edad namin.

Pag nalaman ni tito Greg na umiiyak si Skye at malaman na ako ang dahilan patay ako. Ibang magalit si tito Greg kaysa kay papa.

~~~~~

Ang sakit sa puso. Parang ako yung nasa pwesto ni Skye. XD

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote.

Destiny For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon