Chapter 3

1.2K 42 0
                                    

Skye's POV

Nakauwi ako ng maaga na dapat mamayang alas cinco pa ng hapon. Nawalan na ako ng gana pumasok pagkatapos ko makita ang nangyari kanina sa school.

"Skye, ang aga mo naman umuwi." Pagtataka ni mama. Sorry, ma. Wala akong gana makipagusap kahit sino.

Umakyat na ako sa kwarto at tinapon ko na lang sa sahig ang bag ko. Tumalon na ako sa kama.

First love. First heartbreak.

Kinagabihan, nagising na lang ako noong may kumatok. Nakatulog pala ako at sigurado akong namumula na yung mga mata ko dahil kakaiyak ko kanina.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Niluwa noon si daddy. Tamang tama kailangan ko rin kausapin si daddy tungkol sa pagdala nila sa akin sa Canada.

Kailangan ko na rin siguro doon na muna sa Canada dahil masakit ang mga nangyayari sa akin dito sa states.

"Are you okay, Skye?" Hindi ako sumagot kay daddy. Umupo siya sa gilid ng kama. "Ang sabi ng mama mo umuwi ka daw kaninang lunch."

"Dad.." Mahinang tawag ko kay daddy. Gusto na naman tumulo ng luha ko.

"Hmm...? May gusto ka bang sabihin?"

"Pumapayag na po ako na ipadala niyo ko sa Canada." Sabi ko. Tumulo na tuloy ang luha ko.

"Halika nga rito, Skye." Bumangon ako sa kama. Niyakap ko si daddy. Hindi naman sa daddy's girl. "May problema ba?"

Hindi ko alam ang isasagot kay daddy. I know I'm too young for this heartbreak.

"May nagaway ba sayo? O baka naman inaway ka ni Jordan? Malalagot sa akin ang batang yun. Walang pwedeng umaway sa baby ko."

"Dad, hindi po ako inaaway ni Felix. Mabuting kaibigan ko yun."

"Sinasabi ko lang sayo. Baka inaaway ka na niya. Wala pwedeng umaway kahit sino sa inyo ni Star."

Psh.

Alam ko naman pantay pantay kaming lahat kay dad at mama. Wala silang favoritism.

"But I want to stay in Canada for good." Seryoso ako. Seryosong seryoso.

Gusto ko ng kalimutan ang masakit nangyari sa buhay ko.

"Okay. If that is your decision, Skye. I will call your lola Cleo."

"Thank you, dad."

"Pero bukas na bukas ang flight mo."

"Bukas po agad? Kailangan ko na po muna magpaalam kay Felix na aalis na ako."

"Okay. You have to say good bye to your best friend first." Tumango na lang ako kay dad at hinalikan na niya ako noo. "Kain na muna tayo."

Pagkagising ko ngayong umaga ay niyakap ako ni Gavin. Siya lang ang close ko.

"Lil sis, totoo bang pumayag ka ng pumuntang Canada?" Nalulungkot ang mukha ni Gavin. Tumingin ako sa ibang direksyon at nakita ko si Star na gulat na gulat. Psh. Dapat matuwa pa siya.

"Oo, Gavin. I need to go there for good."

"Dahil ba sa kanya?" Tiningnan ako ni Gavin na seryoso. "You can't lie on me, Skye. Dahil alam ko kung sino ang mahal mo."

"What? How?"

"Madali kong napapansin sa tuwing pumupunta rito si Luke." Hindi na ako nagsalita pa. "May ginawa ba sayo si Luke?"

"Wala naman pero masakit lang dahil si Star ang mahal niya hindi ako."

"Hay naku, lil sis.. Pinapataas mo kasi iyang pagasa mo na mamahalin ka noon. Matanda sayo si Luke, Skye."

"Alam ko pero hindi ko naman yun iniisip, eh. Age doesn't matter."

"Bata ka pa. Marami pang lalaki diyan na pwede mong mahalin balang araw. Pero wag ka na muna magboboyfriend hangga't hindi ka pa tapos sa pagaaral."

"Yes, dad." Ngumiti akong pilit pero pinisil ang ilong ko. "Gavin, masakit!"

"Hindi mo ko daddy. Nasa kusina si daddy."

"Makaasta ka akala mo ikaw si daddy, eh." Sabi ko sabay tawa.

"Hindi ka ba papasok ngayon sa school?" Umiling ako ng ulo.

"Hindi na kailangan kung ngayon naman ang alis ko papuntang Canada. Magpapaalam lang ako kay Felix."

"Gusto mong samahan pa kita?"

"Wag na, Gavin. Kaya ko naman pumunta sa kanila. Kahit makita ko pa siya. O pwede ko rin naman papuntahin si Felix dito pagkatapos ng klase niya. At magaayos pa ako ng mga gamit ko."

"Magiingat ka lang sa Canada ah. Wag mong kalimutan nandito lang ako."

"Salamat, Gavin." Ngumiti ako. Totoong ngiti na ito. Maswerte ako dahil may kuya akong kasing bait ni Gavin.

Pagkabalik ko sa kwarto ko ay nagaayos ba ako ng mga gamit ko.

Busy ako sa pagaayos nang may kumatok sa pinto.

"Pasok!" Sigaw ko. Bumukas na yung pinto kaya tumingin ako. "Bakit po, ma?"

"Nasa ibaba si Felix." Sabi ni mama. Ngumiti ako dahil akala ko ay nakalimutan na niyang pumunta sa bahay.

"Sige po. Susunod na po ako sa ibaba."

Pagkalabas ni mama sa kwarto ay lumabas na rin ako. Nagmamadali akong bumaba. Pagkakita ko kay Felix ay niyakap ko siya pero siya yung humiwalay agad.

"Bakit ka nga pala hindi pumasok?" Umupo na siya sa sofa.

"Kaya nga kita pinapupunta rito dahil may gusto akong sasabihin sayo."

"Dapat ba akong kabahan. Bakit, Skye?"

"Um, kaya hindi ako pumasok ay aalis na ako ng bansa."

"Huh?! Akala ko ba hindi ka pumayag!" Alam kong nagulat si Felix sa desisyon ko.

"I changed my mind, Felix. Pagkatapos ko makita ang lahat kahapon."

"What happened? Tell me.."

Kinuwento ko lahat kay Felix ang nangyari kahit yung paguwi ko ng maaga kahapon.

"Sinabihan na kita tungkol diyan, eh. Ayaw mo kasi makinig sa akin. Hindi porket mas bata ako sayo, hindi ka nakikinig sa akin."

"Hindi naman iyan iniisip ko. Masyado na kasi ako umasa na mapapansin rin niya ako pero tama na. Sobrang sakit na, eh."

"Hanggang kailan ka sa Canada?"

"I don't know. Babalik na lang ako kung kaya ko na ang lahat."

"Mamimiss kita, Skye. Ikaw ang unang naging best friend ko."

"Ako rin naman, Felix. Basta hindi ko makakalimutan na tawagan ka. Araw-araw pa kung gusto mo."

"Sige ba. Wag mong kalimutan na tawagan ako araw-araw kahit iba na ang timezone nating dalawa."

"Oo naman." Ngumiti ako sa kanya. Pinisil ko ang kanyang ilong.

"Wag mo rin ako ipagpalit ah. I'm always your best friend."

"Oo naman. Hinding hindi kita ipagpapalit kahit sino man. Ang hirap kaya makahanap ng kagaya mo. You are my childhood friend, Felix. Ikaw lang nakakaalam ng mga sikreto ko."

Ngumiti sa akin si Felix. Ito ang mamimiss ko sa kaibigan ko, eh. Felix is like my younger brother. Kapatid na ang turingan naming dalawa simulang nakilala ko siya. At siya ang nagpapasaya sa akin maliban kila daddy at Gavin.

Mas bata pa sa akin pero matured na kung magisip. That's Felix Jordan.

Maya maya pa ay sinamahan na ako nilang lahat. Buong pamilya pa. Sa totoo lang private plane ni tito Zach itong gagamitin papunta doon. Bawal sumakay ng eroplano ang katulad ko. Kaya kinausap ni daddy si tito Zach na hiramin na muna ang private plane ng pamilya niya. Mabait naman si tito Zach. Kaibigan pa ni daddy.

Canada here I come!

~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote.

Destiny For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon