Chapter 19

1.5K 33 0
                                    

Habang naglalaro kami ni Ashton ng mga laruan niya ay hindi siya nauubusan ng kwento. Mga bata naman talaga.

Naikwento ko rin kay Ashton ang tungkol sa lola Alex at lola Zach niya.

Sa totoo lang natatawa ako sa aking isipan dahil naiimagine ko ang itsura ng mga magulang ko pagtinawag na lolo at lola silang dalawa ni Ashton.

"Daddy, I really want to meet grandpa and grandma."

"I will call your mommy first. If she's allowing you to leave the house, then we will visit your grandpa and grandma. And if not, we will stay here. Okay?"

"Okaaay!" Masigla niyang tugon.

Nilabas ko na ang phone ko para matawagan si Skye. Alam kong nasa party siya ngayon ng kaibigan niyang si Gio.

"Hello!" Pasigaw niya. Halatang malakas ang tugtog ng music sa kabilang linya. Rinig na rinig ko rito. "Teka, lalabas lang ako!"

Kaya ito hinintay ko siya sa kabilang linya.

"Bakit ka napatawag, Luke?"

"Kung ayos lang sayo na sa bahay na muna si Ashton. Gusto kasi niya kasi makilala si papa at mama."

"Oh, sige. Basta alagaan mo ng maigi si Ashton."

"Oo naman. Kunin mo na lang siya kung uuwi ka na."

"Sige." Binaba na niya yung tawag. Ni hindi hinintay ang sagot ko.

"Okay, buddy. Let's go."

"Yaaaay!"

Tinulungan ko na muna si Ashton iligpit ang mga laruan niya sa lalagyan. Tumayo na ako at binuhat ko siya.

Pinaupo ko siya sa sofa para suotan siya ng sapatos. Wala kasing tao rito sa kanila. Lahat ng tao ay busy sa mga trabaho. Wala rin si Star dahil nasa Paris siya ngayon. As her friend ay alam ko dahil matagal na niyang pangarap ang magtrabaho sa Paris.

------

"Sino itong bata, Luke?" Takang tanong ni Beryl.

"Si Ashton, Beryl. Anak ko." Tumingin ako kay Ashton dahil nagtatago sa likuran ko. "Say hi to aunt Beryl."

"Hi, aunt Beryl." Sabay kaway nito kay Beryl.

Umupo sa harapan niya si Beryl.

"Ang cute cute mo naman." Pisil nito sa pisngi ni Ashton.

"Nandito ba si papa at mama?"

"Nandoon sa kwarto nila. Hindi pa lumalabas ang dalawa simula kanina."

Umiling na lang ako sa sinabi ni Beryl.

"Kung lumabas sila sabihin mo pumunta sa kwarto." Utos ko. Binuhat ko na ulit si Ashton at naglakad papunta sa kwarto ko.

"Is this your room, daddy?"

"Yes, this is my room."

"Wow. It's really big." Paghanga ni Ashton sa kwarto ko. Hindi naman talaga malaki yun.

Nilabas ko yung mga laruan ko noong maliliit pa ako. Nilalaro ni Ashton ang mga yun hanggang nakaramdam na siya ng antok. Kaya pinahiga ko siya sa kama ko. Pinapatulog ko na rin siya pero hindi ko namalayang nakatulog na rin ako.

Ang hirap talaga magalaga ng bata.

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Isturbo ng tulog. Tsk.

Tumingin ako kay Ashton at mahimbing pa rin sa pagtulog. Para siyang si Skye pagnatutulog. Ang cute.

Destiny For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon