Chapter 1

42.1K 773 39
                                    

SAM POV

Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking pagkakatulog. pinagpapawisan ako ng malagkit. Napahawak ako sa dibdib ko. Binabangungot na naman ako ng nakaraan. Ayoko ng maalala pa ang mga hindi magagandang pangyayare sa buhay ko. Napatingin ako sa left side kung saan nakahiga ng mahimbing ang anak ko.

Hinaplos ko ang buhok niya. Maswerte ako at kahit papaano may naiwang magandang alaala sakin ang ex-husband ko. Kung hindi dumating sa buhay ko ang anak ko, hindi ko na alam kung ano ang kalalabasan ng lahat ng sakit na daladala ko.


Nahiga akong muli at pinagmasdan siya. Kamukhang kamukha niya ang kanyang ama. Ang tanging nakuha niya sakin ang kulay ng mata ko. Pag tuwing pinagmamasdan ko siya hindi ko maiwasang hindi alalahahin lahat ng pasakit na ibinigay sakin ng kanyang ama. Yung pagmamahal ko para sa kanya ay unting unting nawawala. Gusto ko ng kalimutan ang pang-yayareng iyon sa buhay ko.

Ipinikit kong muli ang aking mata hanggang sa lamunin na ako ng antok at nahimbing nakatulog muli.

Kinaumagahan inayos ko na ang sarili. bago asikasuhin ang agahan naming mag-ina. malamang pupunta na dito si Vince. ayos lang naman sakin ang mahalaga, may kasama kaming mag-ina. Nasanay na rin ako na nandito si Vince. Hindi na siya iba sa amin.

Nagprepare ako ng egg,fried rice and hotdog, hot coffee para samin ni vince at para naman sa anak ko ang milk. Mapupungay ang matang bumababa sa hagdan ang anak ko. Ngumiti ako sa kanya ng makalapit siya sakin.

"Good morning anak. do you want to eat na? O hintayin natin muna si Tito Vince mo?" tanong ko. Naupo naman siya sa katabing upuan ko ng makarinig kami ng tonog ng sapatos na papunta dito sa dinning table. malawak na ngiti ang nabungaran namin ng anak ko.

Dumating si Vince sa dining table. agad namang umalis sa pagkakaupo ang anak ko at patakbong sinalubong si Vince.

"Good morning princess. How was your sleep? hmm? Did you already eat your breakfast?" Sunod-sunod na tanong ni Vince. Natawa ako kaya nabaling ang atensyon nila sakin.

"Good morning mommy" sabi ng anak ko, ngumiti ako sa kanya.

"Good morning din anak baba ka muna kay tito vince mo at ng makakain ka na. Ikaw maupo ka na at kakain na" saad ko. Naupo naman siya sa katabing upuan ni zhai at syempre hindi natatapos ang agahan ng hindi sila naghaharutan. Napailing na lang ako. ganito sila tuwing umaga. Kung ano-ano pinag gagawa pati din itong si Vince nagpapasakit ng ulo.

Nagpunta sa living room ang dalawa habang ako naman ay hinuhugasan ang pinagkainan namin. biglang sumulpot sa kitchen si vince.

"Kath, sigurado ka na ba sa disisyon mo? How about Zhaira? Hindi mo ba sasabihin sa kanya ang ginagawa sayo ng ex husband mo?" Napabuntong hininga na lang ako. Bago ko siya linungin.

"Wala akong magagawa kundi ang harapin siya. Tama na yung anim na taon ako nagtago vince, siguro panahon na para bumalik ako."

Nangingilid ang luha sa mga mata ko. kahit ayokong bumalik pero kailangan. si Dad matagal na akong hinahanap at sigurado akong magkikita at magkikita kami ni zack.

Nakatanggap ako ng tawag mula sa manager ko sa resto na negosyo ko. sinimulan ko iyon ng naghiwalay kami ni Zack. Sinabi niyang may naghahanap sakin at 'yun ang dad ko. pinasasabi niya na kailangan kong bumalik dahil may sakit si mom. ayoko namang dagdagan pa ang sama ng loob sakin ng magulang ko. Bukas na ang alis ko. pabalik ng manila. iiwan ko si Zhaira kay Vince. ayokong magkita ang mag-ama. hindi ko kakayanin.

"Are you sure about that?" Napatango naman ako.

Nag-aayos ako ng damit na gagamitin ko habang mags-stay ako sa house ng parents ko. kanina pa malungkot ang anak ko pero wala naman akong magagawa kundi ang iwan muna siya kay Vince para din sa kanya ito.

Kinagabihan.. Pinahalf bath ko si Zhaira. Tinulungan ko magbihis. Nang matapos ang anak ko pinpunta ko na siya sa bed niya.
 
Hinahaplos ko ang buhok niya. napatingala naman siya sakin at malungkot na ngumiti. Alam kong nagpipigil s'yang huwag maiyak at ganun din ako.

"Aalis muna si mommy pero babalik din ako, mga one week lang ako doon. Anak hindi kita pwedeng isama dahil hindi kita mabibigyan ng oras gayung may sakit ang lola mo. pag gumaling na siya tyaka kita isasama sa manila para makilala sila" ngumiti ako sa kanya. Sana naman maintindihan ng anak ko. Tumango si Zhaira bilang tugon.

"Babalik ka mommy ha promise mo 'yan." nakapout n'yang sabi. natawa naman ako ng bahagya.

"Yes baby, Babalik din si mommy smile ka na." sabi ko. Ngumiti din naman siya.

Ang bait talaga ng anak ko.
Inubos ko ang natitirang oras para makasama si zhaira dahil mamayang gabi na ang alis ko papuntang manila.

Nasa harapan ko ang dalawa. kanina pa umiiyak si Zhaira, ngayun lang kasi kami magkakawalay ng anak ko. ngumiti ako sa kanya habang ang driver ko naman ay isinasakay na ang mga gamit ko.

"Ikaw ng bahala kay Zhaira. babalik din ako kapag na siguro ko ng maayos lagay ni mom. uuwi din agad ako." Tumango naman si Vince. Nabaling naman ang tingin ko sa anak ko.

"Pakabait ka kay tito vince mo okay? Wag magpapasaway tyaka laging tatawag si mommy para kamustahin ka so dapat lagi mong dala-dala phone mo para makausap agad kita." Pinunasan ko ang luha niya. Ngumiti naman siya, kasabay ng pagyakap niya ng mahigpit sakin.

"I will mommy take care and I love you" kiniss niya ako sa pisngi at ganun din ako. Ngayun palang namimiss ko na ang anak ko.

Nakasakay na ako sa kotse at bago 'yun ibinilin ko kay vince ang kailangan ng anak ko at kung magkaproblema sasabihan niya agad ako. Napaisip ako, magkikita kaya kami? Sigurado 'yun. malapit si zack sa pamilya ko pero ano kaya ang gagawin ko kung sakali mang magkita kaming muli? Ayoko ng balikan pa ang masalimuot na nakaraan ko sa kanya. Sana hindi ko siya makita habang nasa manila ako.
Naitulog ko agad ang sobrang pag-iisip at kabang nararamdaman ko.

ZACK POV

"Iniisip mo pa rin ba siya?" Nabaling ang atensyon ko sa taong nagsalita.

"Bro it's been five years. Siguro nakalimot na si sam. Magmove on ka na." Pangaral ni John sa akin.

"Wala ka sa kalagayan ko kaya madali para sayo na sabihin sa akin 'yan. Sinaktan ko siya, naging tanga ako and now I regret every stupid decision I make when she's still with me. I don't know kung saan ko siya mahahanap." Iniwan niya ako dahil sa kagagawan ko.

Ang daming taong nasayang ng dahil sa maling disisyon ko. Simula ng umalis si Sam nagkanda letche-letche na ang buhay ko.

Where are you now sam? Please come back. I miss you so much. I'll do everything just to make you mine again. Sisiguraduhin kong itatama ko ang mga pagkakamali ko. Babawi ako sayo Sam.

The door suddenly opened. John raise his eyebrows on bea na s'yang pumasok mula sa loob ng office ko. Malandi itong naglakad papunta sa direksyon ko. Napatayo ng wala sa oras si john at lumabas na ng office ko.

Hindi na nagawang magpaalam pa sakin ang matalik  kong kaibigan.

"What do you want?" Nahihimigan ng pagkairita ang boses ko.

She bit her lips and sit on my lap. Gamit ang kanyang hintuturo pinaglandas n'ya iyon sa dibdib ko hanggang sa umabot sa gitna ko. Hinawakan ko agad ang kamay ni Bea at itinayo siya.

"Get out of here." I said in dangerous tone.

"But I want you. Come on Zack matagal na tayo hindi nagse-s*x . I miss you so much. Hindi mo ba ako namiss?"

"No! get out. I don't want to see your face anymore." Tila nawalan na rin ito ng pasensya dahil sa inasal ko. kaya padabog itong naglakad hanggang sa makaalis ito. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Ayaw akong bitawan ni Bea.

I ruined everything. I lost samantha because of her.  Nagkamali ako, naisip ko lahat ng pagkakamali na hindi ko ginusto. Gusto kong bumawi kay samantha but how? I don't know where is she now, how can I find her? 


Being His Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon