Chapter 2

32.8K 679 18
                                    

SAM POV

Kinakabahan ako kung ano ang kalalabasan ng pagluwas ko para makita at makasama ang magulang ko. Nasa harap ako ng bahay namin pero hindi kumikilos ang paa at kamay ko para makapagdoorbell at ipaalam sa kanila na nandito na ako.

Nakita kong lumabas mula sa front door si nanay lordes. nanlalaki ang matang napatingin siya sa direksyon ko. Kumaway ako sa kanya at agad naman s'yang tumakbo sa gate para pag buksan ako.

"Diyos ko ikaw ba yan samantha?" pinagbuksan niya agad ako ng gate at agad ko s'yang niyakap ng mahigpit.
Matagal ko na silang hindi nakikita.

"Opo, ako nga po." Pinahid ko ang luhang naglandas sa kaliwang mata ko. namiss ko siya. Naging pangalawang ina ko na rin si nanay lordes simula ng maging busy ang magulang ko.

"Saan ka ba nang galing at ngayun ka lang nakauwi dito? Pinag-alala mo ang magulang mo" saad niya. napayuko ako dahil sa hiya.

Hindi ko naramdaman na naging importante ako sa magulang ko. ang mahalaga lang sa kanila ang negosyo nila. Hinaplos haplos niya ang buhok ko ng magtama ang aming paningin. ngumiti siya sakin.


"Pasok na tayo matutuwa ang magulang mo dahil narito ka na" lumakad na kami, lalo akong kinabahan. Napansin ko sa garahe ang bagong sasakyan. bumili ba sila ng mga panahong umalis ako? Napatingin din si nanay lordes sa garahe.


"May bisita kaya may sasakyan na nakaparada d'yan" Tumango ako at hindi na umimik pa.

Pagkabukas ng pinto sa front door. agad kaming nagpunta sa living room. kung saan na roon ang magulang ko. Nakarinig ako ng nagtatawanan at tila naitulos ako sa aking kinalalagyan ng makita ko ang taong kahit kailan ay ayaw ko ng makita pa.

Natigilan naman sa pagtawa ang magulang ko at agad napatingin sa direksyon namin ni nanay lordes. Tumayo sa pagkakaupo si mommy at niyakap ako ng mahigpit. hindi na ako nag-abala pang yakapin siya pabalik. tumayo rin sa pagkakaupo si dad at siya naman ang yumakap sakin.

Gulat na napatingin sakin si zack at bea. Di nila siguro akalain na sa nakalipas na taon magkakaharap harap kaming tatlo.

I sit beside of mom sa mahabang sofa while si zack and bea naman ay nakapaharap samin nakaupo din sa mahabang sofa. Sila tita marian at tito simon naman ay sa pang-isahang sofa nakaupo.

Tahimik ang lahat at wala ni isa samin ang sumubok na magsalita.

"Anak saan ka ba nang galing at ngayun ka lang nakauwi? Di mo lang alam kung gaano kami nag-alala sayo at baka napano ka na" sabi ni dad.

"Sorry po dad nagpunta po ako ng ilocos at doon nanirahan. Sorry kung ngayun lang ako nakabalik" Napalingon ako sa katabi ko na si mom.

"Mom may sakit ka? Anong sakit 'yun?" Napa kunot noo naman siya "sinong may sabi na may sakit ako?" Tanong niya naguluhan ako. Akala ko ba may sakit s'ya?

"Sinabi ko 'yun anak para maisipan mo kaming bisitahin" sabi ni dad. nagbaba ako ng tingin.

"Kamusta ka na samantha?" Tanong ni Tita marian.

"Okay naman po."

Hindi na sila nagtanong pa. siguro naramdaman nilang ayokong pag-usapan ang buhay ko ng panahong umalis ako.

"So bestfriend kamusta ang buhay?" Tanong ng babaeng kahit kailan hindi ko papangaraping maging kaibigan muli. Gusto ko sanang sabihin na.
'maayos ang naging buhay ko salamat sa panloloko n'yo sakin'

"Okay naman, Marami akong nakilalang mga TOTOONG KAIBIGAN na handang protektahan at ituring akong totoong kapatid nila. Hindi yung mga pekeng nakikipagkaibigan lang dahil may kailangan sila sakin" peke ang ngiting pinakita ko sa kanya.

Being His Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon