Chapter 4

28.9K 592 22
                                    

SAM POV
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa jeans na suot. Inilabas ko ito at tinignan ang caller. Napangiti ako na si vince ang tumatawag agad ko itong sinagot.

"Hello?" Bungad ko.

"Hello mommy? Busy ka po ba? Baka po naistorbo po kita"  Napangiti ako ng marinig ko ang boses ng anak ko.

"Hindi busy si mommy anak actually nandito lang ako sa garden nagpapahangin ng tumawag ka."

"Talaga po mommy? Pwede po bang uwi ka na po kasi sobrang miss na miss na kita."

"Anak napag-usapan na natin to di ba? Ilang araw na lang naman eh uuwi din si mommy."

"Mommy si tito vince gusto ka makausap."

"Sige bigay mo kay tito vince mo yung phone niya"

"Hello kath? Sorry naistorbo ka ba namin? Ang kulit kasi ni Zhaira. wala naman akong magagawa kundi ibigay ang gusto niya" alam kong nagkakamot na ng batok itong si vince. nagpapasalamat ako at siya ang nagbabantay sa anak ko..

"Masyado na bang masakit sa ulo anak ko? Uuwi na ako kung ayaw mo ng alagaan siya." Nakangiting saad ko.

"No! Hindi naman sa ganun hayyst ano ba 'yan, kath ingat ka d'yan." tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"Vince salamat sa tulong mo ha kung hindi ka dumating sa buhay namin ng anak ko di ko na alam mangyayare saming mag-ina" Bahagya syang natawa.

"Yan na naman tayo. please kath nakakasawa na yang lagi mong sinasabi sakin nakakarindi na. aalis muna kami ni zhaira ipapasyal ko para makalimutan ka saglit bye!"

"Bye" pinatay ko na ang call.
Nakatingala ako habang tinitignan ang ulap ng makarinig ako ng pagtawag sakin sa di kalayuan. Napatayo ako ng makita ko si Rea na tumatakbo papunta sa akin.

Nakangiting kumaway ako sa kanya at agad ako nitong niyakap. natatawang kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya.

"Sorry at biglaan na nandito ako namiss agad kita sam" Naiiling na pinagmasdan ko siya.

"Kahapon lang tayo nagkita ah" natatawang sabi ko sa kanya, napasimangot naman si Rea.

"Eh saglit lang kaya 'yun inaway ko kasi-..." napatakip siya ng labi ng marealize niya ang sinabi. Umarko pataas ang isang kilay ko.

"Inaway mo si bea? Rea matagal na 'yun ilang taon na din."

"So ano naman kung ilang taon na ang lumipas? Niloko ka pa rin at hindi magbabago 'yun"

"Rea wag mo na syang guluhin. kung gusto mong gumanti itigil mo na ngayun pa lang dahil wala ka ring mapapala" Ngumisi siya sakin.

"Hindi sam nagkakamali ka. kung ako sayo pahihirapan ko ang dalawang 'yun para na rin sa kabayaran ng ginawa nila sayo. Hindi mo ba naisip? Nang dahil dyan sa kabaitan mo madali lang para sa kanila na lokohin ka" Napayuko ako. Tama sya, naging mabait ako sa kanila kahit nasasaktan ako. Pinalampas ko lahat.

"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko.

"Simple lang gumanti ka" Napailing ako. Pano ako makakaganti? Naupo kami at saglit akong napaisip. Tama ba na gantihan ko sila?

"Nga pala nasabi mo sakin na nasaktan ka ni tito dahil kay bea?"

"Yes! Pero nagsorry din sakin si dad ng sabihin ko sa kanya ang totoo. nagalit nga siya dahil ilang taon sila niloko ni zack at bea. Naniwala sila na walang ginawang masama sakin si bea at zack"

"Buti na lang at bumalik ka." Nakangiting aniya.

Humahangos na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin si nanay lordes at hinihingal na napatingin sakin.

"Si bea anak nandyan hinahanap ka." Agad kaming nagpunta ni rea sa gate kung saan nagwawala raw si bea.

"Anong ginawa mo dito?" Pagtataray ni Rea.

"You! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawalan ako ng trabaho ng dahil sayo hindi ko na makakasama si zack" nanlilisik ang matang dinuduro niya ako habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng bodyguard namin.

"Hindi ko na kasalanan kung tinanggal ka ni dad bilang secretary ni zack bukod kasi sa trabaho mo na yan oh wait hindi ka pala secretary - sexretary ka nga pala ni zack" nakangising sabi ko sa kanya.

"Hindi ko kasalanan kung ako ang mahal ni zack. Sabihin mo kay tito na ibalik ako sa company!" Sigaw niya napairap ako. Ano ako tanga? Si dad na ang nagdecide at wala na akong magagawa pa roon.

"Umalis ka na bea sinisira mo araw namin." Kalmadong sabi ni rea.

"Parehas kayo ng nanay mo mahilig kumabit, kung ang ina ay puta malamang ang anak din ay puta. Wala na kayong ginawang maganda ng nanay mo kundi manira ng buhay na may buhay!" Akmang susugod siya kay bea ng hawakan ko siya sa braso para hindi siya makalapit kay bea.

"Bawiin mo sinabi mo! Bawiin mo! Hindi totoo 'yan!"

"Hindi totoo? Pero 'yun ang totoo malandi ka! pokpok! Sinira mo ang pamilya ng bestfriend mo. Inagaw mo sa kanya si zack! Tinuring ka nyang kapatid pero nagawa mong ahasin asawa niya!."

Inutusan ko ang bodyguard namin na paalisin na si bea. Nagpunta kami sa bahay at pinainom ko ng tubig si rea para kumalma.

"Dinaig mo pa ako HAHA" natatawang sabi ko sa kanya para hindi na niya maisip ang nangyare kanina lang.

"Sa susunod sam lumaban ka" seryosong sabi niya. I nodded.

Nakarinig kami ni rea ng boses na tinatawag ang pangalan ko. agad kaming napalingon kay mom na tumatakbo palapit saamin at agad akong niyakap. Sinuri niya ang mukha ko at hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Wala bang ginawa sa inyo si bea? My god samantha sobra kaming nag-alala sayo ng tumawag si lordes na sumugod raw dito si bea" Ngumiti ako kay mommy.

"Wala po syang ginawa dahil hawak po sya ng mga bodyguards natin. Kaya hindi siya makalapit samin" Sagot ko. Napabuntong hininga si mom.

"Don't worry tita nandito ako, akong bahala kay sam hindi ako papayag na saktan nila ulit siya" nakangiting sabi ni Rea. Tila nakahinga naman ng maluwag si mom dahil sa sinabi ni Rea.

"Tinawagan ko daddy mo, pauwi na siya" Napatango ako.

"Pahinga ka na mom. pagod ka sa trabaho mo kaya sige na po okay na po kami dito" 


"You sure you okay?" Tumango ako at ngumiti.

"Don't worry mom. Ayos lang ako. Magpahinga ka na." Hindin na nagpumilit pa si Mommy. Nagpaalam na siya samin at umakyat na sa kuwarto nila ni dad.

Naupo kaming muli ni rea at nag-usap ng kung ano-ano wag lang maalala ang nangyare kanina.

ZACK POV

"Zack please talk to me.." tumalikod ako sa kanya at naglakad palayo.
Nakakairita talaga ang babaeng to.

Ipinaliwanag ko na sa kanya na matagal na kaming tapos pero hindi nito iyon matanggap.

Gusto kong makasama si samantha pero hindi ko magawa dahil laging nakabuntot sakin si Bea. Kahit anong gawin kong pagpapataboy sa kanya patuloy pa rin itong sumusunod sakin.

Ilang beses ko na syang sininghalan pero walang epekto sa kanya.

"LEAVE ME ALONE!" sigaw ko sa kanya.

"Why are you doing this to me Zack? Dahil ba kay Sam?" Sinamaan ko si Bea ng tingin. 

"Tigilan mo na ako bea." Napasigaw siya.

"NO! AKIN KA LANG ZACK. AKIN KA LANG." 

"Hindi kita mahal Bea." Tinakpan ni Bea ang magkabilang tenga niya.

"NO, NO. HINDI AKO PAPAYAG NA BUMALIK KA KAY SAM." Nagmamadaling umalis si Bea.

Naisip ko bigla si Bea. Oh shit! Nakalimutan ko na di ko dapat ginagalit si bea. Agad ko siyang sinundan.

Being His Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon