SAM POV
Kasalukuyang nasa kuwarto ako. Hindi ako hinayaang umalis ng magulang ko, pagkatapos ng nangyare sa garden. Nailabas ko na kanina mga gamit ko ng iwan ko sila. Pababa na ako ng hagdan ng pigilan ako ni mom at gusto akong kausapin. Ayoko sana kaso nagpumilit pa rin siya. Wala na akong nagawa pa at sumunod na lang ako sa gusto niya.
Ilang oras na ako dito sa kwarto at katulad ng dati wala pa rin itong pinagbago.
Hindi ko akalain na magagawa akong saktan ni dad para lang sa babaeng 'yun. Nagkulong ako sa kwarto at hindi na lumabas pa para harapin sila.
Pinatunayan niya sakin na wala siyang pakialam sakin. kaya niya akong saktan para lang ipagtanggol ang totoong sumira sa buhay ko. Kahit ilang ulit kong punasan ang luha ko. hindi pa rin ito tumitigil sa pagluha.
Napatingin ako sa pinto ng bigla may kumatok at pumasok sa kuwarto ko si nanay lordes. pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
"Pinapatawag ka ng magulang mo. pumunta ka na lang sa library" tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at agad s'yang sinunggaban ng yakap.
"Okay lang 'yan anak. Siguro naman naiintindihan na ng magulang mo kung bakit ka nagkakaganyan, mahal ka nila kaya sige na kausapin mo na sila para hindi mo maramdaman na nag-iisa ka lang" tumingin ako sa kanya at matamis s'yang ningitian.
Simula ng bata ako, si nanay lordes ang s'yang nakakaalam ng pangungulila ko sa magulang. Wala silang oras sakin hanggang sa lumaki ako at nagdalaga.
Nagalit sakin si dad ng ipaalam ko sa kanila ni mom noon na magpapakasal kami ni zack. Hindi pumayag si dad pero pinaglaban ko si zack para lang makasama siya. Hindi nagtagal pumayag na rin siya at nakasundo rin nila ang magulang ni zack.
Sabay kaming lumabas ni nanay lordes sa kwarto ko at nagpunta sa library ni dad dito sa bahay. Napalingon ako kay nanay lordes. binigyan niya ako ng ngiti na nagsasabing magiging okay din ang lahat. Nagpaalam na ako sa kanya at pinihit ang lock ng pinto at pumasok. tahimik ang loob ng library. Napako ang tingin ko kay dad at mom na seryosong nakatingin sakin.
Kinakabahan at hindi ko magawang tignan sila ng diretso. Tumayo si mom at hinatak ako sa kamay at pinaupo sa pagitan nila ni dad. Tahimik lang akong nakamasid sa kanilang dalawa.
Napabuntong hininga si dad at nabaling ang tingin niya sakin."Bakit hindi mo sinabi samin ang ginawa sayo ni zack? Magulang mo kami ni wala kaming alam na niloko ka na ng asawa mo." Aniya.
"Pano ko sasabihin? Busy kayo sa negosyo niyo. hindi niyo nga magawang bigyan ako ng oras." Napayuko ako.
"I'm sorry anak dahil nagkulang kami sa pag-aalaga sayo. hindi namin nasubaybayan ang paglaki mo pero sana anak maintindihan mo na ginagawa namin ito para sayo" tumango ako habang nangingilid ang luha sa mata ko.
"Naiintindihan ko naman po pero hindi ko kailangan ng kahit anong materyal na bagay para lang masabing naging magulang ko kayo. ang gusto ko po ay kayo wala ng iba pa" Hindi ko na napigilang hindi maluha habang inaalala na hindi ko nakasamang lumaki ang magulang ko. masisisi ba nila ako na nahanap ko kay zack ang atensyon na matagal ko ng gusto?
Narinig kong humihikbi si mom at katulad ko umiiyak na rin siya.
"Sana mapatawad mo kami anak hindi namin naisip na nagkukulang na kami bilang magulang mo." Saad ni dad. agad ko s'yang niyakap at napaiyak. hindi pa naman huli ang lahat para sa amin.
"Hindi pa huli ang lahat dad. pwede niyo pa rin pong iparamdam sakin na hindi ako nag-iisa, na may magulang ako. mahal na mahal ko po kayo" madamdaming saad ko. Napayakap din si mom sa akin. naramdaman ko ang paghalik ni dad sa gilid ng noo ko.
Nanatili kami ng ilang minuto sa library at naguusap-usap tungkol sa dahilan ng pag-alis ko at naging buhay ko ng mga panahong umalis ako sa bahay namin ni zack. hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol kay Zhaira.Nawala ang bigat na dala-dala ko sa dibdib. Ang sama ng loob sa magulang ko ng ilang taon dahil sa wakas ay nakuha ko ng sabihin sa magulang ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nang matapos ang nangyare sa library, Napagdisisyonan kong umalis muna sa bahay at mamasyal.
Nakarating ako sa park at naupo sa bench. namimiss ko na si Zhaira. nagulat ako ng biglang may kumalabit sa likuran ko. napatayo ako bigla at hinarap ang taong iyon.
Nabungaran ko si Rea na isa sa bestfriend ko. agad s'yang napayakap sakin ng makita ako. gumanti din ako ng yakap sa kanya. di ko akalain na makikita ko pa s'yang muli.
"Kamusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita" sabi niya. ngumiti ako sa kanya.
"Oo nga eh. kamusta ka na? Lalo kang gumanda" natawa siya ng dahil sa sinabi ko.
"Eto okay naman ang huling pagkikita natin eh yung naikasal ka sa husband mo" nawala ang pagkakangiti ko ng dahil sa sinabi niya. napabuntong hininga ako.
"Wala na kami ni zack matagal na" gulat na napatingin siya sakin.
"Why? Kailan pa?" Tanong niya.
"Five years na rin"
"Bakit anong rason?" Nagpilit ako ng ngiti.
"Si bea inagaw niya sakin ang asawa ko" nang dahil dun, narinig ko ang pagtagis ng bagang niya at puno ng galit ang mga mata niya. I know galit siya kay bea dahil kapatid niya ito at kahit kailan hindi sila magkasundo.
Anak sa labas si bea at tunay na anak naman si Rea.
"Wala na talagang ginawang mabuti ang babaeng 'yun. Nakakahiyang malaman na kapatid ko ang higad na 'yun. Binalaan kita samantha bakit hindi ka nakinig?"
"I'm sorry alam mo naman na hindi ko kayang hindi tanggihan offer n'yang maging kaibigan ko. I trust her but eto na nga inagaw niya ang lalaking mahal ko."
"Dapat lang talaga na tinapos mo na ang pagkakaibigan n'yo at baka kung ano pa ang agawin niya sayo." Tumango ako.
"Do you still in love to your ex-husband?" Out of nowhere na tanong niya. Napalunok ako ng sariling laway. Nanunuyot ang lalamunan ko at hindi alam ang dapat na sabihin.
"It's okay kung hindi mo sagutin. So pano na 'yan I need to go may importante pa pala akong gagawin. Bye samantha Nice to see you again." Nakipagbeso siya sa akin at umalis na.
Nanariwa ang alaala kung saan masaya kaming namumuhay bilang mag-asawa ni zack. Nagsisisi akong nagmahal ng katulad niya.
Namimiss ko na ang anak ko. Ano kaya ang ginagawa niya?. Nagvibrate ang phone ko. tinignan ko kung sino ang tumawag. Unregistered number ang nakalagay, napakunot noo ako. Sino naman kaya ito?
Sinagot ko ang call. "Hello? Sino to?" Tanong ko.
Tahimik naman ang kabilang linya. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi ito nagsasalita.
"Hello sino ba to?" Tanong ko muli. Nakaramdam ako ng pagkairita.
"Samantha.." tila hindi ako nakahinga. Wala sa sariling nabitawan ko ang phone.
Pano niya nakuha ang phone number ko? Pinulot ko ang cellphone na nasa lapag at sinilip kung hindi niya pa pinutol ang tawag.
"Pano mo nakuha ang number ko?" Tanong ko ng pagalit.
"Simple lang, I have my ways." He simply reply.
"Ano bang kailangan mo sakin?" Nagpupuyos ako sa galit na nararamdaman.
"I want you.." nanlaki ang mata.
Sisinghalan ko na sana siya ng maputol ang linya.
Ang kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking to.
BINABASA MO ANG
Being His Wife
General FictionRank achieved #7 General Fiction "He broke my heart. Nagkaroon sya ng kabit at sa kaibigan ko pa. We both agreed to have an anullment. We both parted ways. Hindi nya alam na buntis ako. After five years nagkita kami ulit. Handa na ba akong harapin a...