Chapter 21
Danger
Nandito na ako sa loob ng kwarto namin ni Phern- na wala pa, sa Royal Caster Dorm. Hindi ko mahanap si Phern kanina kaya umuwi na lang ako kung sakaling nandito na siya. Pero wala pa siya maging yung Teddy bear ay wala pa dito. Sana hindi magalot sa akin si Phern... Gusto ko na talaga umuwi at magkulong dito sa dorm.
Napatitig ako sa kisame habang nakahiga at iniisip ang paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang sinabi ni Prince Laris.
I sigh in disbelief. Masyado ba akong naging brutal sa kanya?
Haist! Eh kung ibigay ko na lang kaya sa kanya yung bracelet? Wala naman kaso diba? Pero...tanggapin niyan naman kaya? Matapos kong itanggi iyon sa kanya tapos ibibigay ko ulit?
Pero kasi! Sayang naman nito! Hindi naman maari na itago ko na lang kesa naman magagamit pa ng iba. Yun na nga o dahil nagi-guilty ako?
I sigh in disbelief. Erase your damn thoughts now Fas.
Napahinga ako nang malalim at bahagyang nag-isip.
"I thought were friends..."
Then I remember him said that. Akala ko rin, kaibigan ko na siya, but it was a wrong move lalo pa kung nasa Royal Familu siya.
Pero, paano kaya kung nalaman ko kaagad na Prinsipe siya? Magiging malapit ba kami, katulad nung nangyari sa palasyo?
Maybe yes. Or definitely a no.
Wala sa sariling tumayo ako at pumunta sa Veranda. Nalanghap ko agad ang malamig na hangin sa taas. Somehow, I felt relief. Napadako ang tingin ko sa kapitbahay namin. Dyan nakatira sina Prince Laris diba?
Sinilip ko kung may tao doon. Bigla ko tuloy naalala ang ginawa kong kabaliwan noon, nang makita ko siya-
Erase the thoughts Fas!
Umiwas ako ng tingin at napadako ang aking mata sa harapan naming kakahuyan. Magandang pagmasdan ang mga pulang dahon sa puno sa kagubatan. Napatingin ako sa dulo at kumunot ang aking noo.
Bakit gumagalaw ang parteng iyon ng kakahuyan?
Napatingin ako doon hanggang sa naramdaman kong tumalon na ako.
I'm curious again!
Malalaking hakbang ang ginawa ko para makarating agad sa nakita ko kanina.
Yumuko ako at sumilip sa sanga ng maliliit na halaman para makita kung ano ang naroroon.
Ngunit laking gulat ko sa nakita. Isang... hobgoblin! At may kaaway itong Gollum! Nanlaki ang aking mata nang kumuha ang dalawa ng armas at nagsimulang mag away.
"Malaki ang naging nito pabor sa akin, kaya ako ang dapat na pumatay sa Prinsipe!"
"Mas ako ang dapat na gawan ng pabor! Ako ang gumawa ng paraan para makapasok tayo dito!" Sigaw ng Gollum.
Napalunok ako. Nakakatakot sila, nang sobra. Ang mababangis nilang mukha at matatalas na sandata at ngipin ay sapat na upang pangilabutan ako. Sino sila? At bakit n balak nilang patayin ang prinsipe?
Laris is in danger?
Tutop ang bibig ay umatras ako paalis hanggang sa di sinasadya ay may naapakan akong sanga. Nagkaroon agad yun ng ingay dahilan upang mapatingin sa gawi ko ang dalawa.
Kitang kita ko ang malalaki nilang mata at matatalas na ngipin na nakatingin sa gawi ko. Napayuko ako at nagtago sa likod ng puno. Damn! Hindi nila ako maaring makita! Baka gawin nila akong hapunan!
BINABASA MO ANG
Hidden in Violet Mask (COMPLETED)
FantasyFialkka Alalia Sarette Morgan together with her childhood friends went to the Academia de Mythra to save themselves from the destructive attack on Terremoir. They believe, they were in safe place to hide yet they're very wrong. What if each of them...