Chapter 13 – In Between
Napahimas at napagalaw galaw ako ng palad ko habang nakapikit. Kainis na dalawang caster na yun! Nabali ata ang isa sa mga buto ko sa kaliwang kamay.
Nilagyan ko na rin ito ng gamot ang kamay ko at binendahan kanina habang nasa dorm pa ako. Pero tae! Masakit ah!
Wag lang magpakita kung sino man sa kanila, baka makapanakit pa ako.
Pisti."Fas! Anong ginagawa mo dyan sa taas ng puno?!" Napatingin ako sa baba- nandun si Tade at Draigh na nakatingala sa akin habang may hawak na patpat.
Huminga ako nang malalim at mabilis na bumaba ng puno. Dahil sa ang daming naglalakihang sanga ng Angel Oak Tree, mabilis sa akin ang makababa.
"Bawal na bang tumambay sa taas ng puno?" Mataray kong sabi habang nakataas ang kanang kilay.
Pigil na ngiti ang pinakita ni Tade. "Nagtataray ka na pala- Aww! Oo na titigil na!"
Binitiwan ko na ang ulo niyang bigla kong sinabunutan. Nanggigil talaga ako eh.
"Bakit kayo may hawak na patpat? Anong meron?" Tanong ko sa kanya na hinihimas ang ulo niyang sinabunutan ko. Napalingon ako kay Draigh na nakangiti sa akin.
Iyang ngiti na namang yan na nakakairita! Feeling ko kasi minamanyak ako nito.
"Ah eto?" Tinaas ni Tade ang hawak na patpat at iwinasiwas ito sa hangin. Napaatras ako.
Pero...Wow! Naging espada ang patpat? Amazing!
"Ancient Stickshifter of Dramascus ito Fas. Shifter, na uri ng mahiwagang kahoy na kayang magbago ng anyo sa kung paano mo ito iwasiwas. Kapag patayo, magiging sibat ito, pagpahorizontal, magiging pana at kapag slanting, magiging espada." At habang sinasabi niya yun, ginagawa niya ang pagwasiwas at nagbabago nga ang hugis ng patpat. Ang galing!
"Sinong nagbigay?" Takang tanong ko at hinablot ang Ancient chuchu at sinuri yun. Ang cute pala nito sa malapitan, may maliliit na symbols na ngayon ko lang nakita at kulay ginto pa! Nagtry akong iwasiwas ito pero di gumagana! Binalik ko kaagad ito kay Tade.
"Si Trainer Kysler. " Draigh said.
Ah.
Sumabay na ako sa kanila sa paglalakad. Dahil walang pasok ngayon, pwede kaming makagala dito sa loob ng Academia.
"Bakit pala kayo nandoon?" Tanong ko habang nasa gilid ni Tade at naglalakad. Napalingon sa akin si Draigh na nasa gilid rin ni Tade. "Hinahanap ka kasi ni Aethelwyne, Fialkka." Draigh said.
Napangiwi ako sa tawag niya sa akin. "Don't call me that name ,sounds weird. Fas will do." Draigh pouted. "Pero Fialkka is a cuter name."
Napairap ako sa kawalan. Isa na namang makulit.
"Okay. Bahala ka." I murmured rolling my eyes.
"Bakit naman pala ako hinahanap ni Aethel?" I asked them.
"Sabi niya samahan mo raw siya na pumunta sa Mythra Palace ngayon-"
Napahinto ako sa paglalakad maging sila rin. Ano?! I mean wait, kahit kailan di pa ako nakapunta sa Mythra Palace okay!
"What? Ayoko." Bulong ko.
"Pfft. Iyon na nga ang sinabi ko Fas na baka umayaw ka! Pero mapilit si Aethel eh! Kasama niyo naman si Killian."
Killian? Tsk! Mas lalong wag na lang!
"Si Phern na lang kaya ang isama!"
At nagpatuloy na ako sa paglalakad, sumunod rin sina Tade.
BINABASA MO ANG
Hidden in Violet Mask (COMPLETED)
FantasyFialkka Alalia Sarette Morgan together with her childhood friends went to the Academia de Mythra to save themselves from the destructive attack on Terremoir. They believe, they were in safe place to hide yet they're very wrong. What if each of them...