Chapter 32

3.7K 133 2
                                    

Chapter 32

Back

"Mukhang hindi na ata matutuloy ang pagpunta natin sa dagat ah?"

Tipid kong nginitian si Eilander. "Hindi na siguro. Nagdesisyon na si Eiran na aalis na..." Nagpatuloy ako sa pagbubuhol ng tali sa bag ko. We're going back to Academia today. I'm sure of that. Nasa bahay pa sina Aethel at Kysler, tinulungan ang mga bata sa pag-aayos ng bahay. That's the least we could do.

"Ako na.." Eilander volunteer to tie the ropes on my bag. "Salamat..." I let him. May dala kasi akong ilang halamang gamot at prutas. Since hindi na kami sa Phoenix sasakay, baka sa Alicorns na...

"Magiging maayos ba kayo dito?" I suddenly asked. He's still tying the ropes.

"Oo naman! Kahit na kami-kami lang ang nandito, kaya naming mabuhay magkakasama dito Fas. May isang linggo pa ang bakasyon bago kami bumalik sa Carusville Main City para mag-aral." Natapos siya sa pagbubuhol. "There. Hindi na yan mahuhulog." He smiled at me.

"Yung Carusville Main City, yun yung may malaking isla?"

"Yep. Mababait naman ang mga tao doon kaso mas kumportable kami dito sa isla namin."

Tumango ako. Ganun pala!

"Hey you two! Tapos na kami sa pag-aayos. We're going home now!" Sigaw ni Aethel habang papalapit. Kumakaway pa siya sa sobrang tuwa. Nasa likod niya si Kysler na nagkakamot ng noo at si Eiran na diretso ang tingin sa amin na nakakunot ang noo. Arezia is also there. Eiran said that she'll be with us to get the transportation back to Academia.

"So... Mag-iingat kayo sa byahe. Ilang oras rin siguro ang byahe papunta sa Rhedorica." Nilingon ako ni Eilander at nginitian. "Mag-ingat ka Fas..."

"Thanks." Tipid kong sagot pero nakangiti. "You should take care of yourself too. Wag kayong mang-aambush ng mga dayo dito. Just study them first-"

"We're going." Pagpuputol ni Eiran at dumaan sa gitna namin ni Eilander. Ngumuso si Eilander at tumabi. "Sige kuya. Ingat kayo ah?"

"We will. Stay safe here. Pinatulog ko na sina Eilie, Eidisha at Eishelle sa loob. Nandun rin si Azure. You know what will happen if they saw me leaving hmm?"

"Ah oo nga pala Kuya! Sige umalis na po kayo bago pa sila magising."

"Ok... Thanks Eilander hah? Bantayan mo nang maigi ang mga kapatid mo."

"Oo Aethel."

Matapos ang pamamaalam, nasa pampang na kami ng dagat. Can't you believe na inabot lang kami ng dalawampung minuto na paglalakad?

"Sabi ko na! May shortcut talaga eh!"

Ako ang may sabi nun ah! Kysler sometimes really...

"Next time na madako tayo dito, I'll make sure na doon ako dadaan. Ang dami ng hirap natin sa unang daan na yun ah!" Aethel snorted.

I smile at them. Baka hindi na rin kami madako dito.

"I have friends from Carusville Main City to get the Alicorns for you. You'll have to make sure to pay them equally." Arezia said without looking at us. I wonder why she's like that.

"Ganun pala... Pero papunta na ba yun dito?"

"Yeah. I think." Kibit balikat niyang sabi sa tanong ni Kysler.

Naupo ako sa batuhan. Sobrang ganda pala ng tanawin dito. The beach and seabreeze really looks awesome! Kung siguro nasa bakasyon kami, magtatampisaw ako sa dagat. Last time I went to sea was when I was ten years old.

Hidden in Violet Mask (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon