"How's my beautiful cousin?"
"Hello, Hannah!" Bati niya sa babaeng kakadating lang. Kambal ang mga nanay nila. "Hindi ko alam na pupunta ka pala dito."
Umupo ang pinsan sa upuan sa harap ng desk niya at nangalumbaba sa harap niya. "Actually, may favor akong hihingin."
Inalis niya ang pansin sa binabasang monthly report ng restaurant at tinitigan ito na napakaseryoso ng anyo. Nag-aalalang hinawakan niya sa kamay ang dalaga. "Hey, what's wrong? What can I do? Tungkol ba ito sa kasal mo? May problema ba?"
Ngumiti ito. "Teka, isa-isa lang ang tanong."
Ngumiti rin siya. "Ang seryoso mo kasi."
"It's just that the favor I'm going to ask is very serious." Wika ng pinsan. "At take note, wala itong kinalaman sa kasal ko."
"Gaano ba kaseryoso? Akala ko ang kasal mo na ang pinakaseryosong bagay sa'yo ngayon."
Hindi muna nagsalita ang pinsan at waring tinatantya pa siya nito.
"C'mon Hannah, the suspense is killing me." Reklamo niya sa pinsan. Hindi niya maisip kung ano ba ang hihingin nitong pabor.
"Eh kasi, Fibby, balak ko kasing kuhanin ang service ng restaurant mo. Magcacater para sa school namin. Yung guest of honor kasi ay mahilig sa Filipino foods kaya sabi ng mga co-teachers ko ay ikaw na lang ang kuhanin."
Tinawanan niya ang pinsan. "Ano ka ba? Akala ko naman ay kung anong napakaseryosong bagay,"
"May problema kasi eh," wika pa ng pinsan.
"Walang problema basta ikaw. I-sched ko na, kailan ba iyan?" Kinuha niya ang planner niya upang ilagay na ang schedule ng pinsan para maihanda na rin niya ang restaurant.
"Para kay Raymond Angeles iyon!" Mabilis na wika nito na nakapagpa-freeze sa pagbubuklat niya sa planner niya. Napatitig siya sa pinsan at hindi agad nakapagsalita.
"Fibby," untag sa kaniya ni Hannah.
Dahan-dahang siyang sumandal sa swivel chair niya. Gaano na nga ba katagal simula ng huli niyang makita si Raymond ng personal? It had been five years, right? Pero pangalan pa lang ng lalaki ay apektado na siya.
"Fibby, okay lang kung hindi pwede. Sabihin ko na lang sa committee na fully-booked na ang restaurant mo," mabilis na wika nito.
Ibinalik niya ang pansin dito. "So he's back?"
Limang taon na ang lumipas pero hindi niyon nabura ang ala-ala ng lalaki. Iniwan siya nito sa ere na para bang wala silang pinagsamahan. Well, kasalanan naman niya talaga.
"Yap, kababalik lang niya mula Rome. Katatapos lang kasi ng European Championship. At dahil alumni siya ng school ay napagpasyahan ng committee namin na imbitahin siya. Gusto namin na magbigay-pugay sa karangalang ibinibigay niya sa bansa. Imagine, lumaban na siya sa mga competition sa ibang bansa at nakapag-uwi na rin ng mga gold medals mula sa Olympics at mula sa XIV FINA World Championship na katatapos lang ngayong taon bago siya nanalo sa European Championships." Mahabang paliwanag ng pinsan at kitang-kita niya sa mukha nito ang paghanga kay Raymond.
Hindi siya agad sumagot. Kahit sa kaniya'y marami ring nagbago, mag-aapat na taon na rin buhat ng maitayo niya ang Sulô Miranda, na ipinangalan niya sa mommy niya.
It is serving authentic Filipino dishes that had been a part of Philippines' history for generation. Passion niya ang pagluluto. Noon pa man ay pinlano na niya ang pagtatayo ng restaurant at iyon ang naging outlet niya para malagpasan ang masasakit na bahagi ng buhay niya.
BINABASA MO ANG
Hello Again, My One and Only (Published under Precious Hearts Romances)
Romance"You may be out of my sight but not out of my heart. You may be out of my reach, but not out of my mind. I may mean nothing to you but you'll always be special to me." February was the golden girl, the princess. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha...