"Guila?" Hindi makapaniwala si Raymond sa nakikita. Tumayo ang itong yumakap sa kaniya. She was about to kiss him when he moved her away.
"What are you doing here? How'd you know where I am?"
Lumabi sa kaniya ang babae at iniikot ang mga braso sa leeg niya. Napalingon siya sa taas. Kinakabahan siya na any moment ay susungaw doon si February.
"C'mon, Raymond! Aren't you excited to see me?"
Pinilit niyang ngumiti. "Why are you here?"
Ngumiti ito ng maluwang. "I miss you so much. I've made my decision as well that's why I followed you here. I talked to Chase. He was reluctant at first to tell me where you are but he gave in. I had a tour guide to come here. It's a great place." Mahabang sagot ni Guila.
Naguguluhan siya dito. "Decision?"
Ngumiti ito ng matamis sa kaniya at idinikit ang katawan sa kaniya. "Why, of course, the wedding!"
Natigalgal siya. "Wedding?"
"Yes, our wedding."
Of course, the wedding. Bakit nga ba nawaglit sa isipan niya ang tungkol doon?
"C'mon, hon. Aren't you excited? You looked like you'd seen a ghost." Biro sa kaniya ng babae at hinalikan siya nito sa labi pero umiwas siya at dumampi ang labi nito sa gilid ng bibig niya.
"Guila, please." Pakiusap niya sa babae. Natatakot siya na anumang oras ay bababa si February. Paano niya ipapaliwanag dito ang pagdating ni Guila lalo pa at inalok niya ito ng kasal?
Hindi sumagot ang babae, sa halip ay nakatingin lang ito sa likod niya. Pakiramdam niya'y hindi niya gustong lumingon. Alam na alam niya kung sino ang naroroon. Pero alam niyang kailangan na rin niyang harapin ang lahat.
Bahagya siyang pumihit. Nakatayo si February sa may hagdanan. Malaki ang mga matang nakatitig ito sa kanila. Hindi niya alam kung gaano na katagal ang babae doon.
"February." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya.
Napakagat-labi ito at tipid siyang nginitian, bahagya rin nitong itinaas ang noo. "Raymond."
Hindi siya nakapagsalita at nabalot ng akward na katahimikan ang paligid. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Sa kabila ng pagkagulat sa mukha ng babae kanina, wala na siyang mabasa pang anuman sa mukha nito.
Humakbang siya pero pinigilan siya ni Guila. Napabalik dito ang paningin niya. Nakakunot ang noo ng babae at nagtatanong ang mga mata nito. Damn it! Paano siya nasuong sa sitwasyon na ito?
"Ikakasal ka na?" Tahimik na tanong ni Fibby makaraan ang ilang sandali.
Hindi niya alam ang isasagot. Si Guila ang nagsalita. "What you'd say? Sorry, I didn't understand. And I'm Guila, Raymond's fiancee. And you are?"
Pinapanood niya si Fibby sa reaksyon nito. Bahagyang naningkit ang mata nito pero sandali lang iyon. Ngumiti ito ng matamis kay Guila. "I'm February. I'm just an acquaintance of Raymond. An old schoolmate. Anyway, congratulations to the both of you.
"I also think I'm invading you're privacy so I need to excuse myself. Bye!" Mahabang sagot nito at saka walang lingon-likod itong umakyat ng hagdan.
Gusto niya itong sundan pero mahigpit ang pagkakahawak ni Guila sa braso niya. Nilingon niya ang babae. He needs to fix everything that he did wrong.
"Si February?" Tanong niya kay Johanna. Kanina pa niya hinanap ang babae, pagkahatid pa lang niya kay Guila pero hindi niya ito makita.
Binalot ng takot ang puso niya. Nag-aalala siya para dito. Alam niyang kahit hindi iyon ipinakita ni Fibby kanina ay nasaktan niya ito. He was such a bastard, after all.
BINABASA MO ANG
Hello Again, My One and Only (Published under Precious Hearts Romances)
Romansa"You may be out of my sight but not out of my heart. You may be out of my reach, but not out of my mind. I may mean nothing to you but you'll always be special to me." February was the golden girl, the princess. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha...