"Come in." Nagulat siya ng sabihin ng assistant niya na naririto si Raymond dalawang araw matapos nilang muling magkita. Ano kaya ang sadya ng binata sa kaniya?
"Can I seat?" Tanong nito nang makapasok sa opisina niya.
"Yap, of course. Pardon my manners. Upo ka," iminuwestra niya ang couch sa gilid ng pinto. Siya naman ay umupo sa opposite nito. Sa totoo lang ay kinakabahan siya.
Silang dalawa na lang at wala silang spectators. Ano na naman kaya ang mangyayari ngayon? "Napasyal ka?"
Ngumiti ito, nagpapasalamat siya at nakaupo siya dahil biglang nanginig ang mga tuhod niya.
"I was around the neighborhood. Naisipan kong dumaan. Just to have little chitchats, you know."
No, she doesn't know. Hindi niya ito naiintindihan. Parang friendship lang sila na walang panget na past kung magsalita ito. Galit ito sa kaniya, kaya nga siya nito kinalimutan 'di ba? "Ah, okay."
"So, kumusta? I didn't know that you have a restaurant."
"Kung maaalala mo," may diin ang mga salita niya, "mahilig akong magluto dati kaya nagtayo ako ng restaurant."
Tumango-tango ang lalaki. "Yap, sa pagkakatanda ko ay may niluto ka nga pala sa akin noon," humawak pa ito sa baba nito at nag-isip. "Spaggehti with meat balls, right?"
At sino naman kaya ang nagluto dito non? Unti-unti ay umiinit ang ulo niya, unti-unti rin kasi nitong ipinapaalala sa kaniya na nakalimutan na siya nito. "Nope, it's carbonara."
Kumislap ang mata nito na parang biglang naalala ang sinabi niya. Sarap nitong iuntog, baka tuluyan itong makaalala.
"Yap, my bad. Madami na kasi ang nagluto para sa akin eh."
Nagbilang siya ng isa hanggang sampu habang nananalangin ng pasensya. "Of course, hindi na ako magtataka. Sobrang sikat mo na, 'di ba? Sino ba ang nagluto sa'yo ng spaggehti, iyong socialite na taga-Italy na anak ng isang jewelry tycoon?"
Ngumiti ito ng matamis na para bang na-aamuse ito sa kaniya. "I thought you don't know that I and the swimmer Raymond Angeles was the same. Bakit alam mo ang tungkol kay Guilia Bianchi?"
Shit! Nadulas siya doon ah. "Oh! Is that her name? Hindi ko siya kilala, nabanggit lang ni Hannah. Oh, you remember Hannah, right? Iyong pinsan ko."
"Yap, ipinakilala ni Chase dahil siya ang facilitator nung party."
Tumango siya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin ang memory loss ng binata. "So, tapos ka na bang mangumusta? Marami pa kasi akong gagawin eh."
Nagkibit-balikat ito. "Yap. Regards na lang."
Regards mo mukha mo! Iyon ang sigaw ng isip niya pero iba ang sinabi niya. "Okay. You know the way out, right? Hindi mo naman siguro agad nakalimutan ang daan kanina ng pumunta ka dito sa office ko."
"Oo naman. Hindi naman ako ulyanin eh." Para bang nanunukso ito.
So, ano? Talaga lang na kinalimutan siya nito, ganon? Selective amnesia basta tungkol sa kaniya. Gusto talaga niya itong sampalin sa inis niya.
"Ganon ba? Sige, umalis ka na. Like I've said, marami pa akong gagawin." Tumayo na siya pero napakunot-noo siya nang hindi tumayo ang lalaki. "May sasabihin ka pa?"
Mukhang tinatamad itong tumayo. But she was suddenly insecured when he finally stood on his full height. Pakiramdam niya duwende siya sa height niyang 5'4.
Umikot ito sa may center table at tumayo isang kalakihang hakbang mula sa kaniya. She felt her heartbeat accelerated a thousand miles per second, if it's possible.
BINABASA MO ANG
Hello Again, My One and Only (Published under Precious Hearts Romances)
Romance"You may be out of my sight but not out of my heart. You may be out of my reach, but not out of my mind. I may mean nothing to you but you'll always be special to me." February was the golden girl, the princess. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha...