Because I'm madly in love with you. For always.
Iyon ang nakasaulat sa huling card.
Nanuyo ang lalamunan niya at pakiramdam niya'y nabibingi siya sa tibok ng puso niya. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan niya at ang feeling na may umuugong sa tainga niya. At sa last ding card ay naroroon ang pangalan ni Raymond.
There's also a warm flush that seemed to radiate straight from her heart. Mabilis niya muling inabot ang cellphone niya at walang alinlangang idinial ang number ng binata. Pero ang lahat ng calls niya ay diretso lang sa voice mail ng lalaki.
"Ma'am Fibby...."
Nagtaas siya ng tingin at nakita niyang nakasilip muli si Kath. She half expected her to hold another bouquet of flowers after hearing her name asked like that so often that day. Wala itong dala pero katulad kanina'y maluwang ang pagkakangiti nito.
"May sundo ka." Tipid na wika nito.
Hindi agad siya nakasagot pero ng magsink-in sa isip niya ang sinabi nito ay mabilis siyang tumayo at halos tumakbo siya palabas ng opisina.
She felt excitement rushed through her veins. Pero nadisappoint lang siya dahil paglabas niya'y wala namang Raymond na naghihintay sa kaniya. Inis siyang hinarap ang assistant niya. "Nagjo-joke ka ba?"
Mabilis itong umiling. "May sundo ka, Ma'am Fibby, sa labas,"
Hindi siya umimik at mabilis na lumabas ng restaurant.
"Ms. February Samaniego?" Tanong ng isang lalaki sa kaniya, nakatayo ito ilang hakbang mula sa isang limo.
"Y-yeah, ako nga..." Napatitig siya sa limo at hinintay na lumabas mula doon si Raymond pero hindi iyon nangyari. Napalingon siya sa lalaki ng muli itong magsalita.
"Ipinasusundo po kayo ni Mr. Angeles." Wika nito sa kaniya.
Nilapitan siya ng assistant niya at bahagyang itinulak palapit sa limo. Paglingon niya ay nakangiting nakatingin sa kaniya ang iba niyang staff pati na ang ibang customers na malapit sa bintana.
"Ma'am Fibby, sumama ka na."
"Opo nga, Ma'am. Sumama na kayo, baka naghihintay na si Mr. Angeles sa inyo," halos sabay-sabay ding wika ng mga staff niya.
"Tama po sila, Ms. Samaniego, naghihintay na si Mr. Angeles sa inyo." Wika ng lalaki at binuksan nito ang pinto ng limo para sa kaniya.
"Okay...uhmm...thank you..." halos mabibilaukan niyang sagot. The smell hit her before the sight did. Napanganga siya sa nakita niya. Punong-puno ang likod ng limo ng napakaraming bulaklak.
She actually had to pause for a moment to find a place to sit. Mayroon bang flower shop si Raymond at hindi lang niya nalaman iyon?
Kinatok niya ang salamin ng limo at bumaba iyon. "Saan tayo pupunta?"
"Huwag ho kayong mag-alala, Ma'am. Maya-maya ay nandoon na rin tayo."
Tumango na lang siya at itinaas na nito ang salamin. Ilang sandali nga lang ay tumigil na ang sasakyan. Buti na lang dahil kung nagtagal pa ang paghihintay niya'y baka hinimatay na siya sa kaba.
Pakiramdam niya kasi ay any moment, tatalon na ang puso niya palabas ng katawan niya. Pinagbuksan siya ng driver ng pinto. They were at the Manila Blooms Botanical Garden.
"Hinihintay na po kayo ni Mr. Angeles sa Paradise Pavilion. Alam nyo na po ba iyon?" Tanong nito.
Napatango siya. Pamilyar naman siya sa lugar kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Hello Again, My One and Only (Published under Precious Hearts Romances)
Romance"You may be out of my sight but not out of my heart. You may be out of my reach, but not out of my mind. I may mean nothing to you but you'll always be special to me." February was the golden girl, the princess. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha...