"Uy, aga mong mangarap ng gising!"
Napamulat siya at nakita niya si Johanna na paupo sa tabi niya sa study shed. "Hey!"
"So, what are you doing here alone?"
Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "Hinihintay ko si Raymond."
Tumaas ang kilay ni Johanna. "Hot item na kayong dalawa sa buong campus ah. Kayo na ba?"
"Hindi naman. Magkaibigan lang kami."
"Ows! Two weeks na halos kayong hindi mapaghiwalay ah. Lalo na ngang uminit ang dugo sa'yo ni Jaimee eh. Binabakuran ka na nga rin ni Raymond eh, kahit si Mark hindi makalapit sa'yo." Komento ng kaibigan.
Hindi siya agad sumagot, kung alam lang nito ang dahilan kung bakit hindi siya malapitan ni Mark.
"Tapos ang saya-saya mo pa't lagi kang glowing. Excited ka araw-araw na makita si Raymond. Parang kailan lang na inis na inis ka sa kaniya."
"First impressions don't usually last. Lalo pa at kapag nakikilala mo na ng husto ang isang tao. At magkaibigan lang talaga kami, hindi naman bawal 'di ba? Regarding kay Jaimee, hindi ko na problema kung hindi siya gustong maging kaibigan ni Raymond."
Tumawa si Johanna. "Sabagay. Pero aminin mo, happy ka kay Raymond. Siguro, nagfa-fall ka na sa kaniya, ano?"
"Hindi kaya. Andoon lang kami sa stage na kinikilala namin ang isa't isa. But yeah, I'll be honest, I never felt thrill and excitement by being with someone else. Kay Raymond lang.
"Nakaka-excite naman kasi siyang kasama. Masarap siyang kausap at komportable akong magkwento sa kaniya na parang sa inyo lang ni Rebbie."
"Ay sus! C'mon, Fibby, pupusta ako na maiin-love ka diyan kay Raymond."
Nagkibit-balikat siya. "I really don't know. Pero aaminin kong espesyal si Raymond sa akin ngayon. I'm feeling something for him which I didn't feel to anyone else before. Gusto kong maging permanenteng bahagi siya ng buhay ko."
"Well, good luck, my friend. Sana nga ay makatagpo ka ng love. For a change." Wika nito.
Muli siyang nagkibit-balikat. The road ahead was an unknown one, but she was looking forward to the journey.
"Hi!"
Napalingon sila ni Johanna, nakatayo si Raymond ilang hakbang mula sa kanila.
"Nakaka-istorbo ba ako?" Alanganing tanong nito.
Mabilis na tumayo si Johanna. "Naku, hindi! Tamang-tama nga lang ang dating mo at kanina pa excited si Fibby na makita ka."
Pakiramdam niya'y namula siya, lagot si Johanna sa kaniya.
Tinitigan siya ni Raymond. "Ganon ba? Kanina ko pa rin naman gustong makita ka."
"Uyyyy! Ayan na, Fibby ang prince charming mo, kanina ka pa daw gustong makita. Ang sweet!" Palatak ni Johanna na kinurot pa siya sa braso.
"Sheesshh! Shut up, Johanna!" Natatawang saway niya sa kaibigan.
Sinundot siya nito sa beywang. "Sus, kunyari ka pa diyan, kinikilig ka naman."
"Tse! Lumayas ka na nga. Ang ligalig mo!" Pabirong taboy niya sa kaibigan.
"Sige na nga, ng masarili mo na si Raymond. Malaking sagabal lang ako sa inyo. Hahanapin ko na lang ang boyfriend ko, naiinggit ako sa inyo." Tumatawa ring wika nito. Nilingon nito si Raymond. "Bye, ingatan mo iyang friend ko ha, huwag mong papaiyakin."
BINABASA MO ANG
Hello Again, My One and Only (Published under Precious Hearts Romances)
Romance"You may be out of my sight but not out of my heart. You may be out of my reach, but not out of my mind. I may mean nothing to you but you'll always be special to me." February was the golden girl, the princess. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha...