Salamat sa Paalam

63 0 0
                                    


Nakakulong sa nakaraan
Nakaraang puno ng kaligayan.
Ngunit sa kalaunay nagkasakitan
Pero salamat sa aral na inilaan.

Salamat at iyong pinaluha
Nang katinuan muli ay makuha.
Salamat sa mga pangakong di nagawa
Para di na muling umasa pa.

Salamat sa mga matatamis na salita
na nagbigay sa akin ng sigla.
Salamat sa pagpapaasa
Para sa sunod ay di na madaling magtiwala.

Isang ginoo , isang libong ala-ala
Ala-alang nagbigay ng aral at luha
Ngunit di nagsisi na ika'y nakilala
Pero nagpapasalamat ginoo sa iyong pagkawala.

Spoken Words CollectionWhere stories live. Discover now