Blood 10

68 3 1
                                    


Chapter 10

Meet The Black Knight

Gwyneth's POV

Nandito kami ngayon sa sala dahil tinipon tipon kami ni Daks, para pagalitan si Danian.

"Eh gusto kong pumasok eh bakit ba?"inis na sabi niya.

"Oo nga kaso sabi kasi ng NURSE NURSE na magpahinga ka."inemphasize pa ni Daks pa ang salitang Nurse.

"Tsk, eh hindi niya naman alam ang pakiramdam ko."sabi pa ni Danian napasapo sa ulo si Daks.

Napatingin ako sa mga kasama ko, si Jayanne at Danna nandoon sa t.v. At naglalaro ng video games si Marie naman nakatingin sa kanila at may dalang popcorn si Abby naman ay naglalaro sa phone niya at si Mimay ayun nakatingin lang sa dalawa. Ako? Wala nakaupo lang.

"Eh kasi naman, binalik mo nanaman ang dati mong paguugali."sabi ni Daks, napakunot noo si Dani kahit kailan talaga to dire diretso ang bibig hindi pinagiisipan ang mga sinasabi.

Mainitin kasi ang ulo ni Danian dati simula ng mamatay ang Mommy niya, laging naghahamon ng away sa school namin. Hindi ko alam kung bakit sobrang galing niyang sumuntok pero sabi niya nagpapractice daw siya sa punching bag nila sa bahay.

Pero isang araw nalaman iyon ng kuya niya dahil sinabi namin pero hanggang ngayon hindi niya parin alam na kami ang nagsabi noon, nagulat pa nga kami dahil sabi ng kuya niya hayaan niyo siya.

Uneasy kami noon alam namin na naghamon nanaman siya ng away kaya pumunta kami sa lugar at nakita namin na sobrang daming tao ang nandoon at magisa lang siya, noong mga time na iyon ay nakidnap kami at doon namin nalaman na ang kuya niya ang nagplano lahat nun kaya nangako siya na hindi na niya gagawin iyon at nagbago siya, pero binabalik niya parin pala ngayon.

Hindi kami tutol kapag nakikipagaway siya dahil gusto namin makita niya na supportive kami pero hindi niya alam na gumagawa din kami ng plano para pigilan siya.

"Hindi ako ang nagsimula Daks."seryoso na si Dani, ang pinakaayaw niya ang sinusumbatan siya kapag nakikipagaway at sobrang mali nun, maling mali.

"Oo nga, pero alam mo kung bakit ka binugbog?"tanong ni Daks sakanya ngayon lahat kami ay nakikinig na. Tahimik lang na nakatingin sa kanya si Danian.

"Dahil nakasapak ka ng dalawang miyembro ng Black Knight nila at worse yung leader pa nila yung isa."sabi ni Daks nanlaki ang mata ko.

"Ano? Black Knight?"hindi na napigilan ni Abby na sumali.

"Oo Black Knight."sabi ni Daks.

"Gang ba sila?"tanong ko.

"Hindi, pero parang ganoon na daw na hindi."Pageexplain niya, Ha? Ang gulo.

"Let me explain."sabi niya at nakinig kami sakanya.

"The Black Knight sila ang grupo ng mga lalaki na may sobrang laking impak sa Brilton High hindi sila gang pero parang ganoon, basta iba daw tawag sakanila. Sila ang kinakatakutan na grupo sa school,May kataga nga ang mga estudyante mess up with them or die."sabi pa niya, waw?! May ganoon palang ganap? Laganap na ang pangalan ng Black Knight pero hindi namin sila kilala kasi diba bago pa lang kami.

"Tss."bulong ni Danian, hindi ko na siya pinansin at nakinig kay Daks curious ako eh.

Clyde Timothy Williams
Ang pinakasporty sa kanila lahat ng sports ata kaya niyang laruin, pati mga puso ng babae pero ito, gentleman siya na babaero ganun. Naglalaro ng feelings pero isa pa lang ang nagiging girl friend at iyon ata ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan. Ang pamilya niya ang may pinakamalaking shares pagdating sa sports ng Brilton.

Brilton High ( School Of Vampires )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon