Blood 8

70 5 2
                                    


Chapter 8

The Punishment and the Rules

Jayanne's POV

Sa pagdating ng mga lalaking akala mo F4 ay biglang nagkagulo ang mga tao na tila akala mo mga diyos sila na sinasanto dito sa lugar na ito.

"Si Gwen?"tanong ni Daks.

Napatingin naman kasi sa gilid namin at oo nga nawala si Gwen, saan nagpunta iyon?

"May hindi mo ba nakita? Magkatabi kayo ah."sabi ko.

"Hindi, nanonood ako tapos bigla nalang siyang nawala."pagpapaliwanag niya, saan naman nagpunta iyon?

"Ang Black Knight!"rinig naming sabi ng isang estudyante at lahat ng attensyon nasa mga lalaking dumating na, kanina kasi yung mga nasa malapit lang eh so kailangan may announcement kapag dadating sila ganoon?

Napatigil naman ang mga babae na bumugbog kay Danian at napatingin sa mga lalaking dumating, nakita ko naman ang isa sakanila at nakatingin saakin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Tara lapitan na natin si Dani."sabi ni Danna, napatingin kami kay Danian at sobrang hinang hina na siya, nakaupo siya sa sahig at walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya.

Lalapitan na sana namin siya ng biglang magkagulo ang mga estudyante.

"Excuse me."

"Excuse me."sabi namin yan dahil madaming estudyante ang nagbloblock saamin ngayon para puntahan si Dani.

"Anong meron?"tanong ko kay Danna habang hinahawi namin ang mga estudyante sa harap namin.

"Ewan? May pumito kasi eh."sabi niya at sobrang hirap talagang hawiin ang mga estudyante sobrang dami kasi nila.

Nagulat ako ng makita na wala na si Danna sa tabi ko, naglinga linga ako sa paligid at wala na akong makitang kaibigan ko.

Nasaan na sila?

"Tabi!"sigaw ko pero wala parin, shit kailangan ng tulong ni Danian bakit ba ayaw tumabi ng mga hampas lupang ito.

Tinabig ko sila at pinipilit na makalusot ang sarili mahirap pero ginagawa ko ang lahat alam kong hindi na makatayo si Danian at kailangan niya ng tulong ko ngayon.

Nang makalusot na ako sa mga tao ay napatayo nalang ako ng makita na wala na siya doon.

"Dani?"tawag ko at tumingin sa ilalim pero wala siya, sana naman hindi siya natapakan at napipi pero pwede din. Omg! Sana hindi!

Napatalon ako ng may pumito sa likod ko.

"Ay kabayong butiki."sabi ko pa at napaharap doon sa pumito teka eto yung kasama ng feeling F4 kanina ah.

"Ikaw, ano pa ang ginagawa mo dito?"tanong niya.

"Ah hinahanap ko ang kaibigan ko."sabi ko, natulala ako sa kagwapuhan niya alam mo yung itusra ng karespe respeto pero napaka yummerz ganun? Yung mapapa sige suko nalang ako hehe.

"Hindi mo ba alam? Kapag may narinig kang pito kailangan mong magtago hindi mo magugustuhan ang kaparusahan mo."barito at seryoso niyang sabi.

"H-ha? May ganoon ba? Parang hindi ko naman ata alam yan eh new student pa lang ako actually kakapasok ko pa lang."pagpapaliwanag ko. Napakunot naman siya ng noo.

"New student?"tanong niya masaya ako nag nod.

"Jayanne nga pala."masaya kong sabi at iniabot ang kamay ko.

Brilton High ( School Of Vampires )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon