Blood 7

79 3 2
                                    


Chapter 7

The past and the fight

Danian's POV

Nandito kami ni Lolo ngayon sa veranda ng bahay. Siya nagkakape ako nakatingin lang sakanya.

"Lo, ano ba kasing pinunta mo dito?"tanong ko, natawa naman siya.

"That's my apo still impatient."sabi niya at naparoll nalang ako ng mata.

"Well, I came here just to check on you how are you?"tanong niya.

"Tss, I'm fine."sabi ko at isinandal ang likod sa may upuan.

"That's good tho."sabi niya.

"Pwede ba lo, I know you hindi ka magaaksaya ng oras mo para mangamusta lang, I know you have something now tell me."sabi ko at tumawa nanaman siya.

"You really know me apo."sabi niya at tumawa ulit nakatingin lang ako sa kanya hinihintay na matapos na siyang tumawa.

"Okay okay."sabi niya at sumeryoso na buti naman.

"I came here just to gave you this."sabi niya at pinakita ang bilog na necklace na kulay pink at parang may dust sa loob at umiilaw.

"Ano to Lo?"tanong ko.

"Matagal na dapat yan nasaiyo ngunit hindi ko lang ibinibigay dahil nasa teritoryo kita ngunit ngayon wala ka na ito na ata ang tamang panahon para ibigay yan."iniabot niya saakin ang kwintas at kinuha ko naman.

"Para saan ito Lo?"tanong ko pa at isinuot na iyon saakin.

"Yan ang necklace ng ating angkan at ibinibigay iyan sa mga babae sa pamilya at sa ngayong henerasyon ikaw ang nagiisang babae."pagpapaliwanag niya, napatingin ako sa necklace ang ganda!

"Eh bakit ngayon niyo lang ibinigay lo?"tanong ko.

"Dahil gusto ko lang para masurprise ka."sabi niya at tumawa ulit napaka talaga ni Lolo sobrang tino kausap grabe.

"And sana ingatan mo iyan apo, and please don't let anyone see it kahit mga kaibigan mo."sabi niya napakunot naman ako ng noo.

"Ikaw at ang angkan lang ang pwedeng makakita niyan at wala ng iba."dagdag niya pa.

"Why?"tanong ko.

"Baka kasi kopyahin ng tsina madaming gumaya."at ayan nanaman siya sa mga lame jokes niya tss, ewan ko kung paano nakakatagal ang mga business partners niya sakanya eh.
Napatingin ako sa oras alas otso na.

"Lo, dito ka ba matutulog?"tanong ko, ayaw kong ipabyahe pa siya gabi na.

"Oo bakit ayaw mo?"tanong niya.

"Siyempre gusto at bukas huwag kang aalis ng madaling araw gusto ko pagkagising ko nandito ka pa."sabi ko at tumawa siya.

"My one and only bossy apo. Para ka talagang mommy mo."napangiti ako ng pilit sa sinabi niya, simula bata pa ako lagi na akong nasasabi na kaparehong kapareho ko si Mommy sa mukha, pananalita, kilos isa lang pinagkaibahan namin kapag curious ako lahat inaalam ko, kapag gusto kitang tulungan kahit delikado gagawin ko si Mommy siya yung tipo ng babae na kapag hindi ka niya close I don't give a shit siya well ganoon din naman ako kapag tinotopak lang.

"Did you miss your mommy iha?"tanong saakin ni Lolo.

"Tinatanong pa ba yan lo, oo naman, Minsan nga iniisip ko paano kapag nandito pa rin siya sama sama ba kami? Hindi ba kami maghihiwalay na pamilya magiging katulad ba ng dati?"sinasabi ko iyan habang nakatingin sa langit.

Brilton High ( School Of Vampires )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon